::CoaTHR:: Chapter 17: Sweet Stalker

121 4 0
                                    

 Ang tagal ko nang sinasabi sa sarili ko na magdededicate ako ng chapter kay Teacher Denny pero ngayon ko lang nagawa! XD Hello Teacher Denny! ♥♥♥

Chapter 17: Sweet Stalker

“Manhid ka nga.” Sabi ni Nate.

“Di nga?”

“Oo nga. Ayaw pa maniwala.”

“Pano mo nasabi?”

“Di mo ba nakikita kung pano ka nya tignan? Overprotective.”

“Bakit ikaw din naman overprotective ah.”

“Basta. Gusto ka nun. Di lang nya sinasabi sayo kasi torpe yun. Pero obvious din naman na gusto mo din sya. Di mo pa lang maamin sa sarili mo. Pero ngayong alam mo na, maaamin mo na din yan.”

Di ako nakapagsalita. Eto kasing si Nate.

That afternoon sa practice...

“Di ka pa rin ba naniniwala na gusto ka ni Jayden?” sabi ni Nate.

“Di naman sa ganon pero parang ganon nga.” Maski ako nalito sa sinabi ko. Hehehe

“Sige, you want proof?”

I nodded.

“Watch Jayden. Sisimple ng tingin sayo yan in 5-4-3-2-1.”

At yun, saktong pag-1 ni Nate, tumingin nga si Jayden. Tapos ngumiti si Jayden sakin nung nakita nyang nakatingin ako. Si Nate naman, tumawa sa tabi ko.

“See? I told you so.” sabi ni Nate.

“Uy, ang galing mo ah!”

“So? Naniniwala ka na?”

“Oo. Pero ayoko may magbago samin.”

“Wala naman kailangan magbago. Status lang naman magbabago sa inyo.” Sabay ngumiti tapos tinalikuran ako.

Napanganga na lang ako sa hirit netong bespren ko.

Dahil sa nalaman ko, napagmasdan ko si Jayden that night. Palagi nga syang sumisilip sa direksyon ko. Grabe lang, kung hindi ko sya kilala, I wil find it creepy pero dahil ngayong nagpaparamdam na tong feelings ko sa kanya, kinikilig ako. Nakakalurki lang. Hindi ine-expect na ganito nap ala yung nararamdaman ko sa kanya. I knew that I like him pero as an idol sa music. Diba nga sabi ko before halimaw sya. Grabe lang. Kakaiba. Iba na pala yung nararamdaman ko.

Pero syempre kahit alam ko na na gusto nya nga ako, hindi ko sya uunahan. Parang ampangit naman kung ganon. Basta wala lang dapat magbago. =)

Dahil second to the last practice na namin to, todo na talaga. Lahat pina-polish na namin.

After the practice, umuwi na sila. Yung usual na babayan namin magkakaibigan. Pero pampam ni Nate, nang-asar pa.

“Bye Mia!” basta yung tono nya ay yung parang may binabalak na kalokohan. Sabay kumindat pa. Walangya. Lakas ng trip na naman nitong bespren kong abnuy.

"Oo na Nate, sige na, layas na!" pagtataboy ko sa kanya habang tumatawa.

"Bye Mia." paalam ni Jayden tapos ngumiti ng kanyang killer smile.

"Bye." ngiti din ako. Saby hinila ko si Nate at binulungan. "Kung totoo ang killer smile, I'm already dead. Nakakainis ka Nate eh!"

"O anong ginawa ko sayo?" pagtataka nya.

"Wala! Layas na. BABAY!"

Umalis na sila sa wakas.

That night, habang nag-eedit ako ng article ko, nagring ulit yung cellphone ko.

*ring-Monster-ring*

Unregistered number ulit. Sino ba kasi to?

"Hello."

Gaya last time walang sumagot. Edi hindi nako ulit nagsalita. Pinakinggan ko na lang yung nasa kabilang line. Maya-maya, may nadinig akong tumutugtog ng gitara.

Ang sarap sa tenga ng tunog. Tapos may kumanta. Wow! Ang ganda ng boses. Nakakatunaw. Parang pamilyar pero di ko pa din maisip kung sino to.

Kinanta nya yung first verse ng “Pangarap Lang Kita” ng Parokya ni Edgar.

 Ayun po BG music sa gilid. *nakakainlove talaga si Chito Miranda...la lang...pasingit si author (1st time XD)*

(Pangarap Lang Kita by Parokya ni Edgar)

♫♪Mabuti pa sa lotto

May pag-asang manalo

Di tulad sayo

Imposible

Prinsesa ka

Ako’y dukha

Sa TV lang naman kasi may mangyayari

At kahit mahal kita

Wala akong magagawa

Tanggap ko ’to aking sinta

Pangarap lang kita♫♪

After non, tumigil na tumugtog yung nasa kabilang linya kaya bago nya ako babaan, nagsalita ako.

"Sino ka ba talaga?"

"Alam mo kung sino ako. Bye." *click*

Binabaan na naman nya ako. Sino ba kasi talaga yun? May stalker ba ako? Kailangan ko bang matakot? Dahil dyan, I texted him

------------------------------

To: +639123456789

Please tell me who you are.

Do I have to be afraid?

Options                 Close

------------------------------

After a minute, he replied.

------------------------------

From: +639123456789

Kilala mo naman ako kaya

there is no reason to be

afraid. =)

Options                 Close

------------------------------

I don't know why pero I believed him.

::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) RockstarWhere stories live. Discover now