Chapter 13:

429K 4.3K 214
                                    

"Huh? Dulo? Bat sa kama pa? Pwede naman di-"

"Halika na!" Tas hinila na ako ni Tyler.

Nang makarating na kami sa dulo tumalon siya sa kama at humiga.

Nakatingin lang ako sa kanya.

Tinignan niya ako tas ngumiti na parang aso.

"Gusto mo tumabi?"

"Asa!" Tas inirapan ko siya.

Kinuha ko yung first aid kit sa tabi ng table at lumapit sa kanya.

"Upo ka muna." Utos ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin.

"D-dali na!" Sigaw ko sa kanya.

"Oo na! Baka mabingi pa ako sayo MEGAPHONE!"

Nagiwas na siya ng tingin tas umupo na siya.

"MEGAPHONE? Kanina YUKIMO ngayon MEGAPHONE??? Ano susunod? Ha?"

Wala na ba siyang gagawing iba kundi inisin ako????

"Susunod? Hmmmm... MS.SLEEPWALKER!" tas ngumiti siya.

"Oh meron pa pala!" Sabi niya tas tumingin siya sa hinaharap ko.

"Flat-chested!" Tas tinuro niya yung hinaharap ko.

Kinuha ko yung unan sa kabilang bed.

"Perv!" Inis na sabi ko sabay hinampas ko siya.

"Aack!"

"Totoo naman e! Bat ka ba nanghahampas?" Inis na tanong niya.

Wtf?

Hinampas ko uli ang unan sa kanya.

"An-aack no ba-ackk!"

"Anong totoo ha?" tanong ko habang hinahampas ko siya.

"Na Flat-ches-aack!"

Hampas pa rin ako ng hampas sa kanya ng unan.

"Tama na! Ano ba nakakasakit kana ah!" Sigaw niya.

Tumigil muna ako sa kakahampas sa kanya. Tinignan ko siya ng masama.

''Bawiin mo muna yung sinabi mo!"

"Totoo naman sinabi ko ah!"

Hahampasin ko na sana nang nagtaas siya ng kamay at sinabing 'wait'

Tss. Babawiin din kasi gusto pang masaktan.

Huminto ako at hinintay ang sasabihin niya.

Nakatingin siya sa akin,tas bigla siyang ngumiting aso.

"Patingin muna tas babawi-aack!"

"Bwiseeeet ka talaga!" Hampas lang ako ng hampas sa kanya.

Nang napagod ako huminto ako.

Tinignan ko siya,naiiyak na ako sa inis sa kanya.

Siguro napansin niyang naiiyak na ako kaya naging seryoso na mukha niya.

Bago pa bumagsak mga luha ko lumabas na ako ng clinic.

Pagkalabas ko ng clinic,dun na tumulo yung luha ko.

Kaagad ko naman pinunasan yung luha ko.

Sabi ko sainyo e Iyakin ako T.T

Pumunta na ako sa caf,nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain T.T lalo na ngayon badtrip ako.

dahil may 5 mins pa bago magbell wala pa masyadong estudyante sa caf.

Pumunta na ako sa counter at sinabi ang order ko.

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now