Chapter 25: Cookie Bear & Cookie Monster.

459K 4.4K 1K
                                    

Hana's POV

"Kyohei..."

"Yuki..."

Tawag ko sa kanila. Unti-unti minumulat ni Kyohei yung mga mata niya.

Tumingin siya sa katabi niya na si Yuki. Mukhang alam naman niya ang situasyon dahil hindi naman siya mukhang nagulat nang makita niya si Yuki sa tabi niya at nakayakap pa.

Alam kong normal lang yan sa kanila. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sila magkatabi ngayon.

Nagulat lang ako kasi nakita iyon ni Tyler....na boyfriend ngayon ni Yuki.

Syempre ang panget tignan diba?

Ngayon,nakatingin lang si Kyohei sa taas. Para bang may iniisip.

Nagulat ako ng biglang tumikhim si Tyler.

Nagulat din siguro si Kyohei dahil bigla siyang tumingin banda sa amin.

At ng makita kami bigla siyang napatayo.

"T-Tyler..." Kyohei.

"Bakit parang gulat na gulat at nauutal ka na para bang may ginawa kang mali?" Tyler.

"It's not what you think.." paliwanag ni kyohei.

Ngumiti si Tyler. "I know." Sabi niya. "Hindi naman siya katulad ng iba." Dagdag ni Tyler.

Naglalaban ng titigan sila Tyler at Kyohei. Feeling ko nga may kuryente e. :p

Tulog mantika talaga tong si Yuki,may malapit na ngang magsusuntukan dito e. Sarap pa ng tulog.

"A-e.. guys,gisingin na natin si Yuki.. n-naghihintay na yung iba sa baba." Pagputol ko sa titigan peg nila.

"Ako na bahala.." Kyohei.

"No. Ako na." Tyler.

Nagtitigan na naman ang dalawa. Wala na bang silang gagawin kundi magtitigan?

Tumango na lang si Kyohei bilang pagsuko. At naglakad na siya ng palabas. Sumunod din ako kaagad.

**

THIRD PERSON's POV

Bahagyang napangiti si Tyler ng makitang masarap pa rin ang tulog ni Yuki.

Linapitan niya ito at umupo sa gilid sa tabi niya.

Hindi maiwasan ni Tyler tanungin ang sarili kung bakit sila magkasama? Kung bakit sila magkatabi ni Kyo?

Hindi din niya alam kung magagalit ba to o hahayaan na lang. May rason ba to magalit? Tama,meron dahil girlfriend niya ito. Pero bakit hindi niya maramdaman ang galit?

Selos.. naramdaman niya ba ito nung makita niya sila Kyo at Yuki na magkatabi? Hindi.

Bakit? Bakit wala siyang naramdaman?

Pagkagulat. Yan lang ang naging reaksyon niya kanina.

Bakit?

Dahil ba may tiwala siya kay Yuki? O dahil........

Kahit anong subukan niya... wala pa rin siyang feelings kay Yuki?

Pero bakit... iba nararamdaman niya pag kasama niya ito?

Minsan hinahanap niya ang presensiya niya.

Madalas siya ang naiisip nito.

Pero Bakit......

***

YUKI's POV

Unti-unti kong minumulat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang sinag ng araw.

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now