Chapter 39: Intrams: Badminton.

446K 4.8K 774
                                    




Medyo madrama to! Hahahaha.



***





Dahil sa pagod napaupo na ako.





"yukiiiiii! suko na agad??" Hana.




"oo nga! hindi mo pa napeperfect!" Mich.





"girls,pagod na talaga ako! may game pa ako bukas!" reklamo ko.






Alam ba nila kung anong oras na???? 11pm na.




simula kaninang 6pm pinagpapraktis na nila akong maglakad!!!!!




wtf?







"daliii na Yuki! iperfect mo na kasi!!!" Hana.




"oo nga naman Yuki! daliiii na! tumayo kana!!!" Mich






tinignan ko sila ng masama sabay naman sila nagiwas ng tingin.




"michy!!!" tawag ko kay mich.



"hmm?" pero sa ibang direksyon naman ito nakatingin.




"wala ka bang balak na umuwi? anong oras na teh???" tanong ko dito.




"ah. hehehe. hindi ko ba nasabi sayo na ano.. na dito ako matutulog?" sabi niya.





"itatanong ko ba kung nasabi mo sa akin??" mataray kong tanong.




"hehehe. sabi ko nga." sabi niya.




"psh. kung kayo wala kayong game bukas,ako meron!!!" yun lang at tumayo na ako at pumunta na sa kwarto ko.










pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko humiga na ako.





inalis ko ang suot kong heels gamit ang kaliwa kong kamay.




shit!





maalis din kaya ang kirot ng kanang kamay ko bukas??





paano ako nito makakalaro.








napaupo ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. tinaasan ko ng kilay ang dalawang impaktita na pumasok sa kwarto ko.






"anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa mga to.




pero imbis na sagutin nila ako tumakbo sila papunta sa kama sabay tumalon sa kama ko.






"dafuq???"




"dito kami matutulog!" sabi nila sabay humiga sila. pinagitnaan nila ako. pssh.





buti na lang malaki ang kama ko para sa amin tatlo!





tahimik lang kami.




nakaoff ang lights.



kahit ang side lamps ko nakaoff.



lahat kami nakatingin sa taas.




mmaya't-maya may nagring na phone.




lahat kami tinignan ang phone namin.





si Hana ang may tawag.





sino naman ang tumatawag ng ganitong oras (12am) sa kanya????





nagayos ng pagkakahiga si Hana tumalikod ito sa akin at sinagot ang phone.




"hello babe?" mahinang sabi ni Hana.



pssh. si kevin lang pala -____-




buti pa si kevin tumatawag!!! si Kyo hindiiii!!! ugh.






"ok naman. ikaw kamusta na?" halata sa boses niya na kinikilig.





"ah buti naman. oo,nanalo naman kami. nakakainis nga si Alexa e." halata naman sa kanya na naiinis ito.





nakikinig lang kami ni Mich sa kanya.






mahigit 30 mins din sila nagusap kaya mahigit 30 mins din kaming nakatingin sa taas ni mich.






**





6am.





maaga ako pumasok para ipraktis ko ang Kanang kamay ko. pero sa bawat galaw ko dito kumikirot ito. geez!








umupo ako sa sulok ng gym at uminom ng tubig.







May praktis pa kami mamaya sa pageant gusto ko na ngang magback out e. >_<






Kinuha ko ang phone ko at inilagay ang earphone sa magkabilang tenga ko.





unti-unti pumipkit ang mga mata ko dahil na din sa puyat kagabi na hindi ako nakatulog dahil sa magdamagan na kwentuhan ang ginawa ng dalawang impaktita.







kaya pagkaalis ko kaninang umaga tulog na tulog pa rin ang dalawa. mamaya pang hapon ang game namin sa volleyball aginst team pink,i mean nila mukha kasing hindi ako makakasali mamaya sa kanila.














Nagising ako ng biglang nagvibrate ang phone ko.





unti-unti ko minulat ang mga mata ko na agad din nagmulat na konti na lang iluwa ang eyeballs ko sa taong kaharap ko.










bakit may Unggoy ditoooo???













**




Tyler's POV







8am ang basketball game namin laban sa pink team. 7:20 am andito na ako sa school dahil nagpapasundo tong si Mich sa bahay nila pero wala naman pala ito sa kanila.




tinext at tinatawagan ko ito pero hindi naman ito sumasagot. natutulog pa siguro ito kung saan.






kaya sa school na lang ako tumuloy.







sa Gym ako kaagad nagtungo para makapagwarm up.




pagpasok na pagpasok ko sa gym isang babae na ang napansin ko sulok.






napangiti ako ng makilala ko ito.










anong ginagawa niya dito? na ganitong kaaga?






linapitan ko ito,kaya pala hindi niya ako napapansin natutulog pala ito.





umupo ako sa harapan niya at tinitigan siya habang natutulog.






"Yukimo!" tawag ko dito.




"Yukimo!"




ang sarap ng tulog niya mukhang pagod na pagod ito at puyat.





grabe talaga to kahit saan at anong way nakakatulog.





naalala ko tuloy ang unang pagkikita namin.





Ms.SleepWalker.






Natawa ako ng maalala ko uli.





Tumayo ako at naglakad papunta sa entrance door at sinara muna ito at nilock.








Bumalik din ako kaagad sa pagkakaupo ko at tinitigan uli ito.









Bakit kung kailan wala ka na sa akin dun ko marerealize na gusto na pala kita?






Bakit kung kailan may ibang lalaki na nagpapasaya sayo dun ko marerealize na mahal na pala kita? na ako lang dapat ang lalaking nagpapasaya sayo?





Hindi ko aakalain na sa trip na ginawa ko para makapagrevenge lang ay matatalo ako and worst nahulog pa ako.







Ilan minuto ko din siya tinititigan ng biglang nagvibrate ang phone niya na kinagising niya.





Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.









"good morning" bati ko dito.





"anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang tumatayo ito.







"Ikaw.. anong ginagawa mo ng ganitong oras dito sa Gym?" tanong ko sa kanya.




"oras? tama,anong oras na?" parang nagpapanic na ewan.




"8 mins before mag8." sabi ko.





"what?? ganon ako katagal nakatulog?" tanong niya na hindi ko alam kung ako ba kinakausap o ang sarili niya.






Nagmamadali itong kinuha ang mga gamit niya at mukhang aalis na.






"Yukimo.." tawag ko dito.





Huminto naman ito pero ilan segundo lang at naglakad na uli siya.






"iniiwasan mo ba ako?" tanong ko sa kanya na ikinahinto niya uli.





Naglakad ako palapit dito.




Maglalakad na sana uli siya pero kaagad kong hinawakan ang braso niya at pinaharap sa akin.






"ano ba!" sigaw niya at sinusubkan bawiin ang braso niya.




"pwede ba tayo magusap?" tanong ko dito.




"nagmamadali ako,kaya please lang bitawan mo na ako.." sabi niya pero imbis na pakawalan ko siya hinila ko pa ito palapit sa akin.







"so iniiwasan mo nga ako.." mahinang sabi ko.




Umiwas lang ito ng tingin. Napangiti ako.




inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.




"and malakas pa din pla ang apekto ko sayo.." bulong ko at tinignan ito.





"pssh. k-kapal!" mahinang sabi niya sa ibang direksyon pa din ito nakatingin.




kunwari pa! eh samantalang kita naman ang ebidensya na namumula ito.







Sinusubukan niyang kumawala sa pagkakahawak ko sa kanya pero hindi ko pa rin ito binibitawan.




Halata na din sa mukha niya ang inis.





"please,bitawan mo na ako!" inis niyang sabi.





Hinawakan ko ang bewang niya at hinila palapit sa akin.




"bibitawan kita kapag pumayag kang makipagusap sa akin.." mahinang sabi ko.




"a-ano bang paguusapan natin ha??" sabi niya habang tinutulak niya ako palayo pero mas lalo ko naman ito hinihigpitan bale parang nakayakap na ako dito.





"about sa atin.."




"Gosh Tyler! tapos na tayo! matagal na tayong tapos!"




Napasmirk ako.





"nagsisimula pa lang tayo.." sabi ko na kinatingin niya sa akin.





Tinignan niya ako sa mata.




Siguro para tignan kung seryoso ba ako sa sinabi ko.





Kung kanina iniiwasan niyang magtagpo ang mga mata namin ngayon nakikipagtitigan ito sa akin.







"ano na naman ba to Tyler?" seryosong tanong niya.





**




YUKi's POV








"please,bitawan mo na ako!" inis kong sabi.





kanina ko pa sinusubukan makawala sa pagkakahawak niya sa akin. pero sadyang malakas ito.





nagulat ako ng biglang Hinawakan niya ang bewang ko at hinila palapit sakanya.




"bibitawan kita kapag pumayag kang makipagusap sa akin.." mahinang sabi niya.




"a-ano bang paguusapan natin ha??" sabi ko habang tinutulak ko siya palayo pero mas lalo lang naman niya ako hinihigpitan bale parang nakayakap na ito sa akin.






"about sa atin.."





Hindi ko alam pero biglang tumaas ang dugo ko sa ulo sa sinabi niya.







"Gosh Tyler! tapos na tayo! matagal na tayong tapos!" sabi ko.






Narinig ko lang siyang nagsmirk.







"nagsisimula pa lang tayo.." sabi niya na kinatingin ko sa kanya.








Tinignan ko ito sa mata para tignan kung seryoso ba ito sa sinabi niya.





Mukhang seryoso nga ito pero....







"ano na naman ba to Tyler?" seryosong tanong ko dito.





Wag kang magpapahulog sa kanya Yuki!






"Ano sa tingin mo?" seryosong tanong din niya.





"nakadrugs ka ba?" inis na tanong ko.




ang weird niya this past few days at ngayon hindi ko alam kung weird pa rin ba o baliw na -_____-





ngumiti ito na parang aso.





"bakit? adik ka na ba sa akin?" nakangiting sabi niya.





A-ano dawwww??? nagpapatawa ba to??




teka?





pumipick up lines ba ako??? hindi naman ah!!!!





"nababaliw kan--" pinutol niya ang sasabihin ko.





"gusto mo patunayan ko sayo?" mahinang tanong niya.





"pssh. alis nga dyan!" sabi ko sabay tulak sa kanya.





dahil siguro hindi niya yon inaasahan nabitawan na niya ang pagkahawak sa akin.





mabilis akong lumayo dito at naglakad.






"Yukimo!"




rinig kong tawag niya sa akin.






"Nagseselos ako kapag binibigay mo sa iba ang atensyon mo na sana akin lang." mahina lang ang pagkasabi nito pero sakto lang ito para marinig ko.






Gusto kong huminto at tumingin sa kanya.




Gusto kong lumapit sa kanya at ipaulit ang sinabi niya.





Pero.... hindi pwede.









Pag ginawa ko yun katangahan ang tawag dun.






**





"wala daw sa focus kanina si Tyler kaya muntikan na silang matalo kanina.."




"oo nga,buti n alang nakahabol sila.."





palabas na ako ng room ng marinig kong bulungan ng kateammates ko.






pinilig ko ang ulo ko. Yuki!!! wag mong bigyan ng meaning yon! >_<









Papunta na ako sa court sa labas kung saan kami maglalaro ng badminton.





nang biglang may sumulpot kung saan na kinagulat ko.





"Hi Cookie Bear!"







"ay! unggoy ka!"






"uyyy,namimiss!" asar sa akin ni Ej.





"wala ako sa mood.." sabi ko at hindi na siya pinansin at naglakad na.




"maaga ka palang umalis kanina.." sabi niya. sumabay na din siya sa akin sa paglakad.




"pumunta ka sa bahay?" tanong ko pero sa daan pa rin ako nakatingin.




"oo."





"sensiya na,pinraktis ko kasi tong kamay ko e." sabi ko pinakita ko pa sa kanya ang kanang kamay ko.






huminto ito sa paglalakad kaya huminto din ako. tinignan ko siya kung may problema ba. nakatingin lang ito sa akin.







"bakit? may nangyari ba sa kamay mo?" tanong niya. kitang-kita sa mga mata ang pagalala.




Ningitian ko siya.





"ok lang ako!" sabi ko.





"hindi ikaw ang tinutukoy ko! yang kamay mo." seryosong sabi niya.





"pshh. ok lang siya!" sabi ko sabay tumalikod na sa kanya.








"aaahhh!" sigaw ko ng bigla niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko.





"ok huh?" sabi niya sabay binitawan niya ang kanang kamay ko at hinawakan ang kabila sabay hinila ako.





"ano ba! san ba tayo pupunta?"






"hospital." matipid niyang sagot habang hinihila pa rin ako.









Nagulat ako ng bigla ako nabangga sa likod niya. Huminto pala ito.





"saan kayo pupunta? at mukhang nagmamadali kayo ah!" rinig kong tanong ni... Alexaaaa???





tumingin ako kung sino kaharap namin.





shit!




sila Alexa at Tyler.




"in 20 mins,magsstart na game natin." dagdag ni Alexa.





"talo na kami,hindi kami makakapunta sa game. lets go Yuki!" sabi ni Ej.





huwaaat!???





"tek--!" magsasalita pa lang sana ako kaso hinila na ako ni Ej.







pero bago kami makalayo sa kanila bigla akong hinawakan ni Tyler sa braso ko kaya napahinto kami.




thank God sa braso! at hindi mismo sa pilay ko.








"may problema ba?" seryosong tanong ni Tyler.







"eh?" patay! ano naman sasabihin ko?




"may pi-" pinutol ko ang sasabihin bi Ej.




"kakaen lang kami...sige,mauna na kami. kitakits na lang sa game!" sabi ko sabay binawi na ang braso ko kay tyler at si Ej na ang hinihila ko.










**





"what the fck is that?" tanong ni Ej. halatang pinipigilan niya ang galit niya.





"Ej naman e!!!"




"what?"




"please naman oh!"




"bakit ayaw mo ipaalam sa kanla?" tanong ni Ej. pero hindi na katulad nung una ang boses niya. medyo soft na ito.








"k-kasi...." pinipilit kong hindi umiyak pero sa twing naalala ko yun hindi ko mapigilan ang hindi maiyak.






lumapit sa akin si Ej.




"Its ok.." mahinang sabi niya at bahagya niya ako tinatap sa likod.





Doon na tumulo ang luha ko. Ganito nga siguro tayo,kung kelan tayo sasabihan ng 'ok lang' 'ok lang yan' 'maayos din yan' 'wag kang magalala' 'ok ka lang ba' doon tayo maiiyak.





parang pag may sakit tayo noon bata tayo,pag tatanungin ka ng parents mo kung may sakit ka ba? bigla ka na lang mapapaluha.








"baka kasi... tulad ng dati... " *singhot*




"an-ang sakit kasi pag hindi ka p-pinaniwalaan ng mahal mo.." hindi ko na kinaya kaya napahagulgol na ako. Siguro dahil ang tagal ko tong dala-dala.





Ang sakit pa rin pala. Akala ko ok na ako.




Na Nakapagmove on na ako.





Hindi pa pala.






Pagod na pagod na akong magpanggap.




Siguro naman hindi ko ikakamatay kung magiging totoo man lang ako sa sarili ko kahit isang beses diba?




Yung hindi ko na kailangang magpanggap na masaya ako o okay ako.




Nakakapagod na kasi.




Kahit na sobrang nasasaktan na ako, pinipilit ko pa ding maging masaya.






Kahit deep inside gusto ko nang humagulhol kasi hindi ko na kaya yung sakit.




Gusto ko nang ilabas lahat sa pamamagitan ng pag-iyak.





Hindi naman ako mawawalan ng dignidad kapag nagpakita ako ng konting kahinaan diba? Kasi lahat naman tayo may kahinaan.






"im sorry.." rinig kong sabi ni Ej.













10mins din ako umiyak. dahil nahiya na ako kay Ej.






Grabe pala ang naipon ko. Gusto ko pang umiyak pero nasa school kami. At may game pa kami.





Pero kahit papano nabawasan ang bigat ng dala-dala ko.









**



EJ's POV





To tell tou the truth,gusto ko siyang sabayan na umiyak.






Ang sakit palang makita ang mahal mo na umiiyak dahil sa mahal niya.





Ang sakit palang makita na mahal pa rin niya ito.





Ang sakit palang makita na wala kang magawa kundi itap ang likod niya at sabihin ok lang.







Ang hirap ng ganito, yung patago kang nagmamahal sa isang tao.




yung hanggang magkaibigan lang kayo pwede.




Yung hindi pwedeng maging kayo kasi may mahal siyang iba.




ang sakit nun sobra, yung mahal mo yung isang tao pero hindi pwedeng maging sayo.




Ni hindi mo masabi sakanyan na mahal mo siya, at mahalaga siya sayo kasi natatakot ka na baka yung tanging naguugnay sainyo (*friendship) ay mawala pa.





kaya sapat na sayo na mahal mo siya ng di niya alam.




na tignan nalang siya sa malayo.




na mangarap ka na sana ikaw yung taong mahal niya sa ngayon.




na sana mahal ka din niya. hays.











"yung promise mo.." napatingin ako sa knya.





Hindi na siya umiiyak pero maga pa rin ang mata niya na halatang umiyak.





Promise?





"so maglalaro tayo?" tanong ko dito.





"depende sayo kung gusto mong ibreak yung promise mo.." sabi niya sabay ngumiti ito.





Nakangiti siya..






Pero kita sa mga mata niya na nasasaktan siya.




Siguro nga nagkaroon na siya ng trauma sa break up nila ni Tyler,na baka hindi siya uli pinaniwalaan ni Tyler.






Pero.... bakit naman?






Dont tell me.... si Alexa ang may kagagawan ng pagkapilay uli ni Yuki???





fck!!










Siguro ayaw na niya maramdaman uli ang sakit na naramdaman niya noon.












"Ouch!!" sabi niya sabay hawak sa noo niya. pinitik ko kasi siya sa ulo.





bakit ba kasi ang tigas tigas ng ulo niya???






Hindi ba niya maitindihan na bawal siyang maglaro?





Paano kung lumala ang pilay niya?







"paano naman ang kamay mo?" tanong ko.




"hindi ko naman siya gagamitin e." sabi niya sabay nagpout ito.






"hindi yan uubra sa akin." sabi ko.





"eh? ang alin?"




"yang PaCute mo.." sabi ko sabay iwas ko ng tingin.





"pssh."





"pero alam ko naman na hindi mo ako matitiis e." sabi niya.





Pero bakit hindi mo alam na mahal kita?





"tss." Bakit kaya ganun?





"sigeee na Cookie Monster!! please??" pagpipilit niya sa akin habang hinihila ang laylayan ng damit ko.





"yung promise mo??" paalala niya pa sa akin.






haaay!





ano pa nga ba magagawa ko???






"fineeee!" sabi ko.






"thankyou." nakangiting sabi niya.





ningitian ko din siya.





"basta promise mo sa akin ipapatingin natin sa hospital yan after game ha?"




"opo."









**







"wag kang gagalaw dyan. dyan ka lang! basta ako na bahala." sabi ko kay Yuki.





"eh?" naintindihan niya ba ang sinabi ko???





"Ouch!"





"bat ka na naman namimiti--Aack!" pitik ko uli sa kanya.





"nakakarami kana ha! isa pa lagot ka sa--aack!" pinitik ko kasi siya uli.





"wag matigas ang ulo.." sabi ko sa kanya.






"wag na wag kang titira na gamit yang kamay mo!" paalala ko uli dito.





"OA mo talaga!" sabi niya. pipitikin ko pa sana siya kaso tinakpan niya ang noo niya gamit ang kamay niya.





"Hephephep! sumosobra ka na ha!" sabi niya.





Natawa ako sa naging reaksyon niya kaya imbis na pipitikin ko siya ginulo ko na lang ang buhok niya.





"Yaaaaah!!!!" sigaw niya.





"buhok ko na naman ang napagtripan mo!!!" reklamo niya.






"arte nito!" natatawang sabi ko.






Ilan minuto na lang magsstart na kami. Sa likod si Yuki,sa harapan ako.







"Cookie Monster!" rinig kong tawag ni Yuki.






Tumingin naman ako kaagad.





"Patali naman ang buhok ko oh!" sabi niya.





"ha?" baka marunong ako???






tsaka bakit ako???





"dali na! magsstart na oh!"





kfineee -______-"





Porke may pilay to ginawa na niya akong utusan. ok lang sana na utusan niya ako e.





pero bakit sa girly thing pa??? Paano kung panget pagkapony tail ko sa kanya?




Baka maturn off siya. Hahahaha. Joke lang.








Lumapit na ako sa kanya. Binigay niya sa akin ang pony tail.







Hahawakan ko na sana ang buhok niya ng bigla may lumipad na birdy/shuttlecock kung saan dumapo sa ulo ni Yuki.





"aish! ano yon?" lumingon sa akin si yuki sabay tanong niya.





"shuttlecock." sabi ko.






Tinignan namin ang paligid namin,at doon namin nakita si Tyler at si Alexa.





"start na ang game." seryosong sabi ni Tyler pero kay Yuki ito nakatingin.





Basketball.




Shuttlecock.





wow,ano kayang sunod??








**




Napansin kong lahat ng tira ni Alexa ay kay Yuki. Si Tyler namn ay lagi sa akin.






Mas magaling ako sa kanila pero dalawa sila.





Mabilis ang tira nila kaya nahihirapan ako lalo na hindi ko magawang magfocus sa game.











**





Tyler's POV






Left handed ba si Yukimo?






Bakit left ang gamit niya?





Napansin ko din na si Ej lahat ang tumitira. Kahit malayo ito at malapit kay Yukimo,hinahabol pa rin niya ito. Kahit para kay Yuki ang direksyon ng shuttlecock siya pa rin ang tumitira.





Napansin ko din laging tumitingin si Ej kay Yukimo,alam kong gusto niya ito pero hindi naman siya ganito kaobvious na every minutes e tinitignan niya ito.






Napansin ko din ang laging pagtanong niya na 'kung ok lang ba si Yukimo.





Ano bang meron?










Gusto kong malaman.







**







Yuki's POV








Grabe! Ang galing pala talaga ni Ej! ^_^




Lahat siya na ang tumitira. Wala na nga akong ginagawa e. Parang nanonood lang ako sa game. 1 vs 2. ^_^





Pero napapatira din ako kapag si Alexa ang tumira e. -_____- Mahal na mahal niya talaga ako! Grabeee!!!!










Nagulat ako ng biglang may mabilis na shuttlecock na lumagpas sa gilid ng kanan ng mata ko.






Linapitan ako ni Ej.




"are you ok?" mahinang tanong niya sa akin.





"yah,n-nagulat lang ako.." sabi ko. tapos kinuha ko na ang shuttlecock.






17-16 ang score. 17 kami,16 sila.







Tinignan ko kung sino ang tumira. Nakasmirk lang siya.





Ano na naman ba ang problema ng unggoy nato?












Napansin kong sa akin na lagi ang direksyon ng shuttle tapos ang bilis bilis pa.




fck!





kung kanina si Alexa lang ngayon pati si Tyler sa akin na din ang direksyon na tinitira niya.





Gosh!!!





Ang bibilis din ng mga tira nila buti na lang nahahabol ni Ej.






Dahil nahihirapan na ako sa kaliwa inilipat ko na ang rocketa sa kanang kamay ko.






Napangiti ako ng hindi na ito kumirot.







17-19 na ang score. 17 kami,19 sila.








Nagpapasalamat talaga ako at magaling si Ej.







Tinanong ako ni Ej kung ok lang ba gamitin ang kamay ko.




"ok naman,hindi naman siya sumasakit e." sabi ko.









Pero....







Patagal ng patagal nararamdaman ko uli ang kirot ng kamay ko.






fck! Why now???







dahil din siguro sa pagod hindi na masyado nahahabol ni Ej ang tira nila.






kaya kinakailangan ko din habulin ang tira nila.





Tinitiiis ko na din ang sakit ng kamay ko.





20-19 na ang score. 20 na kami,19 sila.



1 point na lang mananalo na sila. >_<






Mukhang hindi na din kaya ng kamay ko. >_<







si Tyler ang nagserve. smash shot ang pagkaserve sa direksyon ko.








Inipon ko lahat ng lakas ko para matira and ibinigay ng smash ni Tyler.






The moment na naibalik ko sa kanila ang shuttle nabitawan ko ang rocketa.




"aackk!"





napaupo ako at hinawakan ang kanang kamay ko sa sobrang sakit ng kamay ko.





mabilis na lumapit sa akin si Ej.





"ok ka lang?" nagaalalang tanong ni Ej.





"aaah!" rinig kong sigaw ni Alexa.






tinignan namin kung ano nangyari.






pero parang gusto kong magsisi na tumingin ako.









Nakaupo na parang natapilok si Alexa sa sahig habang si Tyler ay sinusubukan niyang buhatin ang ahas-- i mean si Alexa.






Hindi ko na maiwasan kundi ang umiyak. Bakit ba ang iyakin ko ngayon araw na to????






ang sakit...







Physically and Emotionally.







Minsan talaga hindi mo mapipigilan na hindi umiyak, hindi masaktan at hindi magpigil na sumigaw sa sobrang galit at sakit na nararamdaman mo ngayon.







Ang hirap hirap hirap hirap na magpakitang malakas ka kung talagang hindi naman talaga.







Ang hirap tumawa sa kalagitnaan na alam mong ang luha mo ay tumutulo na.






Ang hirap maging matatag kung alam mong sa sarili mo hindi mo na kaya.






Ang buhay parang laro pero nasayo ang desisyon, nasayo kung gusto mong maging matatag at maging masaya sa kalagitnaan ng  hirap ng mga bagay.








"shhh. Its ok,im here.."





napatingin ako sa nagsalita.





Hiyang-hiya na ako sa lalaking to. Dalawang beses na ako umiyak sa harapan niya.





Tinignan ko ang taong dahilan ng pag iyak ko.






Naglalakad na siya palayo buhat-buhat ang babaeng totoong mahal niya.






ang sakit lang.





Naramdaman ko ang sabay-sabay na pagtulo ng luha ko.







Naramdaman ko na lang din ang dalawang kamay na nagpunas ng luha ko sa cheeks ko.






Tinignan ko siya.







"hindi mo bagay umiiyak,ang pangit mo!" asar niya.







Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin ang asar niya.






"lets go?" nakangiting sabi niya.






Tumango na lang ako.






Tinulungan niya akong makatayo at pumunta sa cotse ni Ej para ipatingin ang kamay ko.








Sinasadya ba ni Tyler ang lahat ng iyon??








**







TYLER's POV.







Napansin ko na parang nasasaktan si Yukimo kapag tumitira siya simula ginamit niya ang right hand niya.






Sabi na e,may mali.






Lalapit sana ako kay Yukimo ng mabitawan niya ang rocketa niya.





Pero bigla naman natumba si Alexa.





Tinignan ko uli si Yukimo,gusto kong lumapit sa kanya at itulak si Ej palayo sa kanya.






"aaah." napatingin ako kay Alexa. hawak hwak niya ang ankle niya.







"are you ok?" tanong ko pero kay Yukimo pa rin ako nakatingin na hawak hawak niya ang kamay niya.






"nasprain ata ang ankle ko." sabi niya.





"makakatayo ka ba?" tanong ko. pero dito na ako nakatingin.




"hindi."






"Ireresched na lang uli natin ang game niyo. dalhin mo muna yang si Alexa sa clinic." sabi ng teacher na naghahandle sa badminton game.








Binuhat ko si Alexa at dinala siya sa agad sa Clinic.











**




"asan ang nurse dito?" tanong ko. dahil wala man lang tao sa loob ng clinic.






"baka umalis muna saglit.." sagot ni Alexa.





"woah." gulat ko ng biglang may sumulpot na babae.






"wala po siya ngayon,break time niya." sagot ng babae.





Hula ko nasa 2nd yr or 3rd yr high school ito. Pero mukhang grade 4? 5? ang liit! -____-"





"ah ganun ba." inilapag ko si Alexa sa pangalawang bed.






"ok ka lang ba dito?"




"oo. thanks." Alexa.





"woah." nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko. nasa tabi ko na pala to -_-"




"assistant po pala ako ng nurse dito."










"pwede ba wag kang kabute na pasulpot sulpot!" sabi ko sa kaniya.





"waaaah! ang cute ko naman kabute kuya Tyler!" sabi niya.





pssh.




"hoy kabute! marunong ka ba sa gawain ng nurse dito?" tanong ko sa kabute.





"MakaHoy naman koyaaa! tsaka may name ako no! kabute ka dyan! Roxette ang name ko. Roxette Balbao!" lsabi ng nagsasalitang kabute.





"whatever. pakigamot siya."





"sungit talaga!" bulong niya.





"ano po bang nangyari sa kanya?" tanong ng kabute.





"nasprain ang ankle niya." sabi ko.





"sayang.."




"anong sayang?" tanong ni Alexa.





"sayang di natuluyan yang paa--natuloy ang game niyo. he-he"






Hindi na lang pinansin ni Alexa si Kabute.






"wait lang po kukuha lang ako ng Ice basta irest mo lang yang ankle mo.." sabi ng kabute.






"sorry.." rinig kong sabi ni Alexa.






"for what?" tanong ko dito.






"mukhang natalo tayo.." sabi niya.





"20-20 ang score kaya hindi tayo talo." sabi ko.






"ano ka ba tignan mo naman to oh,makakalaro pa ba ako nito?" tinutukoy niya ang nasprain na ankle niya.







Pagkasabi niya nun,si Yukimo ang naalala ko.






Ano kaya nangyari sa kanya?





Ok na kaya siya?






"Ty! Nakikinig ka ba?" napatingin ako kay Alexa na medyo lumakas ang boses.





"sorry.. pagod lang ako."





"ano nga uli sinasabi mo?" tanong ko.





"sabi ko,mukhang hindi ako makakapunta sa practice mamaya.." ulit niya.





"ah ganun ba,magpahinga ka na--"






"eto na po ang Ice." sabi ng kabute na kung saan man siya galing.





-_______-





hindi ko alam kung magagalit ba ako o matatawa sa nagsasalitang kabute!






Baka naman dwende to?





No wonder kung bakit dwende nga ito. -____-" sa height pa lang obvious na!








Namiss ko tuloy ang maliit na chaka na baboy!









"ouch! ano ba!" sigaw ni Alexa sa kabute-dwende??? -___-





"sorry,sinasad--i mean hindi ko sinasadya.."






"hoy dwende!" tawag ko dito.





"sino? ako?"





"sino pa bang mukhang dwende sa ating tatlo?" -__-"





Tumayo ito at lumapit sa akin kung saan nakaupo ako sa kabilang bed na katabi ng bed na kinauupuan ni Alexa.







"hoy kuya!" sigaw niya habang nakapamaywang at dinuduro duro ako.




"hindi porke maliit ak--"






Tumayo ako sa harap niya.





"ano bang pinagmamalaki mo ha?" tanong ko dito.







"ah.. a-ano.. sabi ko nga maliit ako!" sabi niya sabay bumalik na ito sa ginagawa niya.









**









YUKi's POV





Haaaay. Nakabandage na naman ang wrist ko T________T








Andito ako ngayon sa likod ng gym at nakaupo.eh paano ang ingay ingay ng mga kateammates ko!






Grabe naman kasi makapagtrip sina Hana,mich at Dustin e. >_<






Umuwi muna pala si Ej. Tsaka bibili ng pagkain.





Babalik siya mamayang praktis namin.







Inaantok na naman ako.






O__O




0___0



o___o




=___=






-____-




zzzZ--












Naputol ang proseso ng aking pagtulog ng biglang may nagsalita sa likod ko.











"Bakit ba sa tuwing nakikita kita lagi kang natutulog?"








Tinignan ko ang lalaking nagsalita.









"Hindi kaya sign ito?" Nakngiting tanong niya.











**





AN:



Hi TILOFILers! Thankyou sa paghihintay ng UD nito. Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa pagbasa niyo.



Mahal na mahal ko kayo! :))))))





Super thankyou naman sa mga nagvote sa lahat ng chapters ng TILOFIL! Hello sa inyo! eto na speacial mention niyo! Hahaha.





Trishia Togonon
Diane Bitare Antolin
Wendee Santos
Nikka Ortega Nuevo
Carmel Navarro
Regina May Agnes
Mikhaela Parbo
Princess Marlyn Deleon
Verlie Mae Taquiban
Danielle Aguila



Erica Gamayo Gatchealajo
Jacel Ann Azanes
Nina Camiros
Ashley Renee G
Jhei jhei Reyes
Sophia Ericka DelaCruz
Diego Buenconsejo
Denielle Justine
Krizel Bernil
Angelica Haz
Bianca Buscayno
Shakri Ocisaic
Yoshiko Mabeza





MsCupcake19
kramirez1924
rkamille
fjerina
denden2419
kingp05
kperezz
lanea27
brea19






Hi din pala kay Roxette @Roxetteyyy :)))) sana nagustuhan mo role mo,muntik na kitang makalimutan. Haha. Halabyuu bhe. Haha. PABASA NA DIN PO NG MGA STORIES NYA! :)) @Roxetteyyy ang Account nya. :))








Ipopost ko po ang next game Bukas (nov 17,2013) ang next game sa group ng TILOFIL. :) kung gusto niyo maging part ng TILOFIl kahit 1chapter lang sumali lang sa games. :)






300 votes and 150 comments please!

hihihi :)



- GeaArra <3

Trip In Love or Fall In Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon