Chapter 64: Shit Happens.

284K 4K 537
                                    

Yuki's POV

"Sorry na ha? Please? Sorry na."

"Para saan ba yang sorry mo?" Malamig niyang tanong.

"Kasi pinaghintay kita..." sagot ko naman. Kinakabahan ako sa pinapakita ni Tyler ngayon.

"Sa panggagago niyo sa akin,hindi ka ba magsosorry?" Naguguluhan ko itong tinignan. Ano bang pinagsasabi niya? Prank ba ito? Pinagttripan lang ba ako ni Tyler?

"Hindi kita maintindihan..."

"Pwede ba Yumiko huwag ka ng magmaang-maangan!!!!" Sigaw niya.

Bigla akong nanlambot sa pagsigaw ni Tyler. Yumiko... yun yung tawag niya sa akin noong nagbreak kami. Naluha ako ng maalala ko yung panahong nakipagbreak ito sa akin at yung panahon na hindi ito naniwala sa akin.

"W-wala talaga akong alam--" nagulat ako ng bigla niyang itapon sa harapan ko ang mga pictures.

Napaupo ako ng makita ko ang mga pictures at unti-unti kong naaalala ang mga nasa pictures..

"P-Please l-let me e-explain..." nanginginig kong sabi habang nakatingin pa rin sa mga pictures na nakakalat sa sahig.

'Wag po!!!' Pumikit ako ng may narinig ako.

Please Yuki,controlin mo ang sarili mo. Wag ngayon,please. Kailangan mo muna iexplain at sabihin ang lahat.

Pinunasan ko ang pisngi ko at sinubukan kong tumayo kahit nanginginig at namlalambot ang mga tuhod ko.

"You dont have to. Naexplain na ng mga pictures na yan na niloko mo ako--niyo ako.."

"M-makinig ka muna kasi sa akin.." please naman oh. Kahit ngayon lang pakinggan mo muna ako. wag naman ang galit yang pairalin mo. Please naman oh.

"Anong explain ang sasabihin mo sa mga pictures na yan na kitang-kita na ikaw yan!"

"O-oo,tama ka ako nga iyan.... p-pero.... hindi si-si Ej yan!"

"Hindi si Ej? Kung hindi si Ej,SINO???" Galit niyang tanong.

"H-hindi ko a-alam..." nanginginig kong sagot. Sinusubukan kong maging kalmado pero kapag naalala ko ang nangyari noong araw na iyon hindi ko mapigilan.

"Hindi mo alam?" Natatawang tanong niya. Yung inis na tawa?

"H-hindi ko talaga kilala kung... kung sino yan.."

"Hindi? Ganyan ka ba talaga? Kung kani-kanino ka nakikipagsex?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya bigla ko itong nasampal. He's too much. Kahit na hindi niya alam ang buong kwento,wala siyang karapatan na sabihan ako ng ganon.

Hinawakan niya ang pisngi niya. Tumingin ito sa akin sabay nagsmirk.

"Si Ej man yan o hindi,niloko mo pa rin ako." Sabi niya. Napansin ko ang pagkislap ng mata niya. Naiiyak ito.

"Pakinggan mo muna kasi ako Tyler... please naman oh!" Naiiyak kong pakiusap sa kanya.

"Ano pa ba ang iiexplain mo? Kitang-kita sa mga pictures na yan kung paano kayo naghalikan ni Ej dyan,kung paano ka makayakap sa kanya,naghaharutan papasok at palabas ng Motel!!! Dont tell me walang nangyari sainyo????"

"B-bi--b-binaboy n-nila ako..." nanginginig kong sabi. Seryoso naman itong tumingin sa akin.

"Binaboy? May binababoy bang nakangiti?" Sabay itinuro yung mga pictures. Hindi na din napigilan ni Tyler ang luha niya.

Alam kong mahal na mahal mo ako kaya ka nasasaktan,pero sana naman pakinggan mo naman ako.. kasi nasasaktan din ako.

"Nila?" Nagcrack na ang boses ni Tyler. Umiiyak na din ito.

Trip In Love or Fall In Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon