Chapter 19: Alexa Pov.

414K 4K 245
                                    

Alexa Pov.

Pauwi na ako ng makita ko si Tyler na kakagaling lang sa gym.

Wala na masyadong estudyante dahil nagsiuwian na sila. 6pm na din kasi.

"Tyler!" Tawag ko sa kanya.

Tumingin naman siya agad.

Lumapit ako sa kanya. Ningitian ko,ngumiti din siya sa akin kaso saglit lang.

"Pauwi ka na ba?" Tanong ko sa kanya pagkalapit ko.

Tumango lang siya. Tapos binigyan niya ako ng 'bakit?-look'

"Pwede ba akong sumabay sayo?"

"Ha?"

"Madilim na kasi e. Alam mo naman hindi ako nagcocommute. Yung driver ko naman,mamaya pa dadating.. sinundo kasi si dad." Sabi ko. Actually,kanina pa naghihintay yung driver ko.

Tinitigan niya muna ako tas huminga siya ng malalim bago siya tumango at tumalikod na.

Sumunod ako sa kanya at sumabay sa paglakad niya.

Sobrang namimiss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin ngayon,gusto kong sabihin sa kanya na nagsisisi ako na iniwan ko siya at mahal na mahal ko siya.

Gagawin ko ang lahat mabawi ka lang Tyler.

Kung kay Yuki ka lang naman sasaya hindi ako papayag! Ako dapat! Sa akin ka lang sasaya! Siguro sa iba kaya ko pang tanggapin pero kay Yuki? Hindi.

Dahil sa katahimikan,nagulat kami ng nagring ang phone ni Tyler.

"Hello?"

Sino kaya kausap niya? ^_~

"Bebi ko." Sa pagsabi niya ng bebi ko ngumiti siya.

Mahal niya ba talaga to? O pakitang tao lang para pagselosan niya ako?

"Nasa school pa. Bakit?" Bigla siyang tumingin sa akin.

siguro tinanong kung sino kasama niya. Tss.

ano kaya magiging reaksyon niya kung malaman niya ako kasama ni Tyler?

"Tyler sino yan?" Medyo malakas na Tanong ko yung maririnig ni Yuki.

Oh nice! Nice question! Bebi ko nga diba? Arghhh!

"Yuki." He mouthed.

Sabi ko nga.

"Yup,kasama ko nga! " sabi niya.

"Naglilihi ka ba?"

"Hahaha. Sige,i'll call you later."

"Bye." Inend na niya ang call tas binulsa na niya ang phone niya.

"Si Yuki. May pinapabili."

"Gabi na ah. Bakit ikaw?"

"wag na daw. Ihatid na lang daw kita!" Tyler.

"Ahh. Hindi siya nagalit?"

"No. Bakit naman siya magagalit?"

"Kasi nga kasama mo ako!"

"Wala naman tayo ginagawang masama."

"Pero-"

"wag kang magalala,hindi naman siya selosa."

Sa sinabi niyang yun,feeling ko pinapatama niya ako.

Aminado akong selosa ako. Nung kami pa,ayokong may babaeng lumalapit o lumalandi sa kanya.

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now