Chapter 28: Stop making me want you.

421K 4.2K 747
                                    

"Ono boh! Betewon mohkoh!"

"ang cute cute mo kas--"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko na naman uli ang boses na yon. Binitawan na ni Kyo ang mukha ko at tumingin sa likuran ko.

"Bebe ko!"

Lumunok muna ako bago humarap na nakangiti kay Tyler.

"H-hi T-tyler!" Nakangiting sabi ko at kumaway pa ako sa lalaking nakasalabong ang kilay >_

Tinignan niya ako ng masama pero saglit lang then tumingin siya kay Kyo.

"Uhmm. Kyo,sundan mo na kaya si Alexa?" Bulong ko kay Kyo.

Napansin ko ang unti-unting nawawala ang pagkakunot ng noo ni Tyler pagkasabi ko sa pangalan ni Alexa. Ugh. Wag kang Nega Yuki!!!

"Sige!" Tapos ginulo niya ang buhok ko. Taposnaglakad na siya palayo sa akin. Huminto siya sa side ni Tyler at parang narinig ko siyang may sinabi kay Tyler. Pagkalayo niya sa amin lumapit na ako sa Tyler.

"Uhmm. Tyler ano sinabi sayo ni Kyo?"

"Bakit? Importante ba sayo sinabi niya?" Masungit na sagot niya-- tanong pala niyasa tanong ko.

"Sungit! Nagtatanong lang e."

Hindi na niya ako pinansin at naglakad ba siya papasok sa room.

Problema nun? Masama ba ginagawa namin ni Kyo? Grabe po. Hmmmmm. Nagseselos kaya siya?

Bigla akong napangiti sa naisip ko. Nagseselos nga ba kaya siya?

Pagpasok ko sa room,nakaupo na siya at nakatingin sa labas ng bintana.

Umupo ako sa tabi niya.

"Kumain kana ba?" Tanong ko.

"Di na."

"Tara,kain na tayo. Di ba libre ko ngayon?"

"Wag na."

"Sige na,gutom na ako e."

"Kumain ka kung gusto mo."

"Bakit ba ang sungit mo ngayon araw?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko. Grabe.

"Nagseselos ka no?"

Tulad kanina hindi niya ako pinansin. Bahala siya. Basta ako gutom ako! ^_^ kinuha ko yung wallet ko at pumunta na sa caf. 10 mins na lang ang meron ako! Kaya minadali ko ang pagpunta sa caf.

Sa sobrang pagmamadali ko muntik uli ako makabangga ng isang MAGANDANG babae.

"Sorry!" Sabi ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Aw. Sayang,ganda pa naman.

"Sorry ha." Ulit ko. Aalis na sana ako kaso bigla niya ako hinawakan sa braso.

"May kilala ka bang Tyler?" Mataray niyang tanong.

"Eh?"

"Tyler Smith." Nakangiting sabi niya.

"Tyler Smith?"

"Yup. Mukhang kakilala mo siya :)"

Sino naman kaya to? Baka babae ni Tyler? Nakuuuu!

"Kanina pa ako hanap ng hanap sa kanya. Ang dami ko na din tinanungan dito pero sinamaan lang nila ako ng tingin. Kaya sorry kanina kung natarayan kita."

"Ah-hindi. Ok lang."

"Pwede mo ba ako samahan kay Tyler?"

Eh? Gutom na ako e!!!! T.T

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now