Epilogue.

343K 5.1K 1K
                                    

Hi sa mga nagcomment sa page kung ano ang mamiss nila sa mga characters. Eto nga pala yung may mga best na sagot.

Toni Rose Hesido Espin

Nicole Ann Herrera

Monica Macabuhay

Maria Charta Yalong

Raven Magno

Princess Edith Sunga

Regina May Agnes

Ricca Asilo Arellano

Jacquielou Maglinao

Cindy Fonacier

Deanne Cabanilla

Mirssel Alegre

Bea De San Jose

Mitch Charm Belleza

Rochelle Deypalubos

Erica Mae Canieso

Princess Rheign

Hana's POV

"Yuki,please naman,kumain ka na!" Naiiyak kong sabi. Dala ko yung pagkain niya. Tinignan ko yung dinala ko kanina,tulad ng dati,ganun pa rin. Hindi nababawasan.

"Yuki! Ilan araw ka ng hindi kumakain.." simula nakita niya yung picture ni Tyler sa newspaper hindi na ito kumain at mas lalo itong lumala. Nananakit na ito. Pati ang sarili niya sinasaktan na din. 

Kasalanan ko kung bakit ito lumala. Kung sana hindi ko na pinakita yung newspaper. 

"Yuki..." 

"Iha,ako na.." lumapit sa akin si tita Yani at kinuha yung dala kong pagkain para kay Yuki.

"Ako na tita,kasalanan ko din naman kung bakit siya nagkakaganyan." 

"Wag mong sisihin ang sarili mo.. ok?" 

"Kung hindi ko ho sana pinakita yung--"

"Huwag mo ng isipin yon. Masama sa kalagayan mo ang maistress. Wala kang kasalanan."

"Pero tita--"

"Wala ng pero-pero doon kana at magpahinga. Paano kung may nangyari sayo? Sa baby? Mas lalong hindi magugustuhan ni Yuki yon kapag nalaman niyang may mangyaring masama sa baby mo." Napayuko ako sa sinabi ni tita Yani. Tama siya. Baka mas lalo niyang sisisihin nag sarili niya.

"S-sorry tita.." lumuluhang sabi ko.

"Hindi mo kasalanan.. ok? Pahinga kana." Tumango na lang ako bago lumabas ng kwarto ni Yuki.

Pero bago ko isara ang pinto,tumingin muna ako kay Yuki. Nakatulala kang ito habang umiiyak. Madami na din siyang bugbog sa kung saang parte ng katawan niya. May ilan sugat at bukol na nga din ang ulo at noo niya kakauntog sa sarili. Para bang pinipilit niyang alisin yung nakaraan sa utak niya. Sobrang naawa na talaga ako sa bestfriend ko.

**

Pumunta ako sa likod ng bahay at umupo sa silong ng puno. 

Bakit ba ganito ang nangyayari sa amin? May nagawa ba kaming masama ni Yuki? 

Hinaplos ko ang tyan ko na medyo may kalakihan na. Mag5 months na kasi ito. At ilang months na lang lalabas na ito. Magiging mommy na ako. 

Naalala ko ang sinabi ni Mommy sa akin nung sinabi ko na buntis ako. Hindi na siya nagulat,siguro dahil nasabi na ni Tita Yani. 

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now