Chapter 17: Mr.Korny

439K 4.9K 578
                                    

Saturday.

Nasa kwarto ko si Hana ngayon. Kinukulit akong ikwento yung pinagusapan namin ni Tyler nung Thursday.

Nakadapa ako sa kama habang nagcacandy crush habang siya naman nakaupo sa kama sa gilid.

Simula pagkauwi namin ni Hana sa bahay nung thursday kinukulit na niya ako hanggang ngayon. -_-" hindi ko lang siya pinanpansin. Pero ngayon naririndi na ako.

"Kayo na siguro kaya ayaw mo ikwento." Paulit-ulit niyang sabi.

"Oo kami na,ok? Pwede ka ng manahimik?" Inis na sabi ko.

"Se-seryoso ka girl?" Gulat na tanong ni Hana.

"Alam mo ang kulit mo,naiirita na ako!"

"Eh kung sinabi mo na sa akin nung thursday,edi sana wala ako dito!" Tapos humiga siya sa kama ko.

"Bakit ba ayaw mo ikwento?"

"Tinatamad ako." Hindi ko din alam kungbakit ayokong ikwento sa kanya.

"So kayo nga?" Tanong uli niya.

"Oo nga." Sabi ko habang naglalaro ng candy crush.

"Paano nga? Di ba ayaw mo sa kanya?"

Kulit talaga nito -__-"

Hininto ko muna ang paglalaro at tinignan siya.

"Ang sabi mo bigyan ko siya ng chance,ngayon binigyan ko siya ng chance ang dami mong tanong.. ano ba talaga?" 

Asar na tanong ko sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Ahehehehe. Wala naman." Tapos nagpeace sign siya.

"Ganto kasi yon,liligawan niya ako pero kami na daw."

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now