Chapter 16: Liligawan niya ako?

417K 4.3K 359
                                    

Hi Guys! Plug ko lang to.. iclick niyo yung external link. Maganda yan! Promise! Hello Keisley! =P

----

Papasok na kami sa room ng may biglang humila sa akin.

Nagulat ako ng makita kung sino ang naghila sa akin.

Si Tyler.

"Can we talk?" Seryosong sabi niya.

Nagkatitigan kami pero agad din ako umiwas.

"W-what for?" Nauutal kong sabi.

"Please." Seryosong sabi niya tas lalo niya hinigpitan yung pagkahawak niya sa kamay ko.

Wow ha. Galing umarte nento! Siguro magaartista to. Galing! Magkakaaward to,pustahan guys oh?

"Fine."

Gusto ko din naman siya makausap e.

"Pero-

Naputol ang sasabihin ko ng hilain na niya ako.

Hila lang siya ng hila. Hanggang sa tumigil kami sa isang room. Binuksan niya yung pintuan,at pumasok kami.

Inikot ko ng tingin ang buong kwarto.

Ang ganda. Parang condo lang. May sala set,entertainment set at kitchen set. Parang ang sarap tumambay dito. Hihi. May hagdan din papuntang taas. Ano kaya andun?

"Dito kami tumatambay pag nagsskip kami ng class." Tyler.

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now