Chapter 32: Being Called CookieMonster!

428K 4.6K 445
                                    

YUKI's POV

Pagmulat ko puting kisame ang nakikita ko.

Ugh. Familiar to sa akin ah. Mukhang nagiging suki na ata ako dito.

"Gising ka na pala.." napatingin ako sa nagsalita. Si Ej na kakapasok lang.

Oo nga pala,bago ako nawalan ng malay nakita ko si Ej.

Ngumiti lang ako. Lumapit ito sa akin at umupo sa silya malapit sa bed ko.

"Ilan araw ba ang balak mong hindi kumain ha?" Tanong niya.

"Ha?" Ahh. Sinabi siguro sa kanya ng doctor kung bakit ako nawalan ng malay.

"Sorry naman.." sabi ko.

"Alam mo bang nagaalala kaming lahat sayo?" Tanong niya.

Napayuko na lang ako sa tanong niya.

"Bakit ka ba andun ha? Dun ka ba nagpalipas ng gabi? Paano kung may nangyaring masama sayo? Nagusap ba kayo ni Tyler?'' Sunod-sunod na tanong niya.

"A-ano kasi..... uhmm.. oo,nagusap kami... kaso nung pauwi na ako.. ano... dahil gabi na,madilim na... na... ano... naligaw ako..." nakayukong explain ko sa kanya.

"Kaya... ayun,hinintay ko na lang magUmaga..." dagdag ko pa.

"Bakit di ka man lang tumawag?" Medyo low na ang boses niya unlike kanina.

"Lowbat ang phone ko..." sabi ko.

"Sige,pahinga kana... padating na din namn sila Kyo at Hana." Sabi niya.

"Gutom ako." Nahihiyang sabi ko. Narinig ko naman itong tumawa. Nakayuko pa rin kasi ako.

"Cookie bear!" Tawag niya sa akin.

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now