Chapter 26: Selos Everywhere.

393K 3.8K 259
                                    

Waaaaaaaah. Paikot-ikot ako sa kama ko.

Tinignan ko yung phone ko kung may---yung ORAS,kung anong oras na.

Oo yung oras lang,wala akong inaasahan na text o call. wala talaga. Pero bakit WALA? BAKIT? waaaaaaah.

2am na gising na gising pa ako. May pasok pa naman bukas T____T

Naalala ko na naman yung nangyari kanina.

**Flashback.

"Nagdate ba kayo? Kaya nagditch kayo ng class?" Nakangiting tanong ni Alexa.

Nakatingin lang sa akin na masama si Tyler. Makatingin naman... parang ako yung nagloloko dito.

"And what's the meaning of Cookie bear&Cookie Monster? Endearment?" Alexa.

Isa pa! Papatulan ko na to!

"Ako lang dapat yung magdiditch,kaso biglang sumama si Yuki..." nakangiting sabi ni Ej sabay umakbay siya sa akin. Napansin ko naman ang pagsama ng tingin ni Tyler sa nakapatong na kamay sa balikat ko.

"Pero hindi ko alam na date na pala tawag dun." Tapos tumingin siya sa akin.

"Dont tell me Yuki,nagtwo two time ka?" Alexa.

"T-two time?" O.O

"Oo,hindi ba kayo pa ni tyler? Pero bakit magkasama kayo ni Ej? My God Yuki! Magkaibigan sila,for pete's sake!"

"Eh?" Ewan ko kung Bakit ba hindi ako makapgsalita ngayon.

Feeling ko din maiiyak ako nung tumingin ako kay Tyler na may akusa yung tingin niya sa akin.

Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Ej sa balikat ko.

Tumingin ako sa kanya. Nakita ko sa mata niya ang salitang,'Papatalo ka ba?'

Papatalo ba ako? Pero kanino? Kay Alexa? O kay Tyler?

Malamang kay Alexa.. dahil kung kay Tyler,talong-talo kana.. bakit? Dahil nahulog ka.

Pero Yuki,wag mong hayaan na pati kay Alexa,ay matalo ka.

"Two time ba kamo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo." Confident na sagot ni alexa.

"Hahahaha! Nakakatawa ka. Masyado kang malisyoso. Edi kung ganon,nagtwo two time din si Tyler?" Tapos tinignan ko si tyler na lalong kumunot ang noo.

"Sinabi mong nagtwo two time ako dahil Magkasama kami ni Ej ngayon.. magkasama kayo ni Alexa,edi nagtwo two time ka din?" Tanong ko kay Tyler.

Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa braso at hinila palayo kila Ej.

Nung una nagpupumiglas ako pero mahigpit yung pagkahawak niya sa akin,kaya sa bawat piglas ko,nasasaktan lang ako.

Biglang naiwan yung shoes ko. Huminto ako para suotin,naisuot ko naman kaso bigla niya ako hinila kaya naalis na naman.

Nakayuko na lang ako habang hinihila niya ako,nagsisitinginan kasi ang mga nadadaanan namin e.

"Aack!"

Nagulat ako ng bigla niya akong itinulak sa matigas na thingy. Tinignan ko kung saan niya ako itinulak. Eh? Sa Cotse?ohh. Ngayon ko lang napansin nasa labas na pala kami.

Pero bakit ba siya ganito? Sumosobra na siya. Tinignan ko siya ng masama.

"Why?"

"Ha?"

"Explain."

"Ha? Ang alin?"

"Bakit kayo magkasama ni Ej!" Galit niyang sabi. Hala? Nagseselos ba to?

"Eh bakit kayo magkasama ni Alexa?" Balik kong tanong sa kanya.

"Wag mong ibalik sa akin ang tanong."

Tinignan ko siya,ewan pero napapangiti ako sa galit na mukha ni Tyler.

"Nagseselos ka ba?"

Nagiwas ito ng tingin. Haha. Cute :"">

"Kung nagsasawa ka na sabihin mo lang... hindi yung may tayo pa,nakikipaglandian kana sa iba. At sa kaibigan ko pa! At kung makikipaglandian ka,siguraduhin mong wala makakakita sainyo.."

Selos? Ano bang pinagsasabi mo Yuki? Bakit naman siya magseselos? Eh si alexa pa rin naman mahal niyan diba?

Nagagalit siya dahil nakikipaglandian ka sa iba habang kayo pa,at ayaw niyang magmukhang ginagago siya. Yun yon!

Ewan,pero naiiyak ako sa sinabi niya. Oo,nasaktan ako sa mga salita na ginamit niya. Nagagalit din ako. Ako lang ba? Ako lang ba ang malandi dito? Geez.

'At kung makikipaglandian ka,siguraduhin mong wala makakakita sainyo'???? Kunsabagay siya nga malinis makipaglandian e. Hindi ko nga nalaman na si alexa ang kasama niya kahapon buong araw. But Thanks to Alexa.

"Hindi ba dapat ako magsabi niyan sayo?"

Tinignan niyalang ako na para bang naghihintay siya ng sunod na sasabhin ko.

Pero nagsmirk lang siya at naglakad na papunta sa driver seat. Bubuksan na sana niya ang pintuan pero nagsalita ako.

"Magkasama kayo ni Alexa kahapon diba?" Napatingin siya sa akin. Yung tingin na 'paano'?

"Paano ko nalaman? Narinig ko si Alexa sa cr kanina,magkasama daw kayo kahapon."

"Ahh. Kaya pala nagpasama ka kay Ej? Fine! quits na tayo! Ok na?" Binuksan na niya ang pintuan,papasok na sana siya ng magsalita uli ako.

"Ang akin lang naman...." tumingin siya sa akin. Napayuko ako. Kasi feeling ko anytime tutulo na yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit na kasi e.

"Sana sinabihan mo ako... sana sumagot o nagreply ka man lang sa mga tawag ko at texts." Biglang tumulo na yung luha ko.

" Nagalala lang naman ako sayo.." tapos tumingin na ako sa kanya. "Kasi...kasi bigla ka na lang umalis kahapon.. s-sabi mo...*singhot* babalik ka.. *singhot* sobrang nag alala ako ng hindi ka bumalik at di ka sumasagot sa mga tawag at text ko...*singhot* kaya nagalit lang ako nung narinig kong masaya kayong..*singhot* magkasama ni Alexa kahapon.. *singhot* " pinunasan ko yung luha ko at pilit na ngumiti sa kanya.

"Ok lang namn yun sa akin,alam ko naman sa umpisa pa lang na si Alexa na ang mahal mo.."

"Bakit ka nagagalit?" Tanong niya.

"Kasi nga nagwoworry ako sayo,tapos... tapos ikaw.. nakikipaglandian lang pala."

"Bakit ka nagwoworry?"

"Bakit ba...*singhot* ang dami mong tanong?*singhot*"

"Eh bakit ka umiiyak?" Tanong niya.

"Kasi....*singhot*"

"Kasi???"

** Itutuloy.

Sorry guys! Ang tagal na nga ng ud,ang ikli pa. Sorry na! :( bawi ako next time! ^_^

Ipplug ko lang yung story ng bebe Ashley ko! "BESTFRIEND OR BOYFRIEND?"

PAKITRY NA LANG ICLICK YUNG EXTERNAL LINK,KUNG WALA ETO PO YUNG LINK ,http://www.wattpad.com/story/5734152-bestfriend-or-boyfriend

HI BEBE ASH! HAPPY 1K READS! I LOVE YOU! :*

Vote & Comment :)

PENGE DIN NG SUGGESTION KUNG PAANO KO MAPAPAGSELOSIN SI TYLER. ^_^

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now