Chapter 63: Who's the Devil?

281K 3.1K 357
                                    

Hana's POV



Nagising ako ng biglang nagsusumigaw si Yuki. Linapitan ko ito.



"Tulong! Tulong!" Sigaw niya uli. Nananaginip na naman ito. Pinunasan ko muna ang luha ko bago ko ito ginising.



"Yuki.." inalog ko ito. Actually,dalawang araw na itong natutulog. Eh wala naman daw mali sa katawan or utak niya. Akala nga namin nacoma na siya. Ang sabi ng doctor mukhang ang pasyente daw ang ayaw gumising. Kung ako nga ang nasa lagay ni Yuki,ayoko na din gumising sa mundong ito.



"Yuki! Yuki!" Mahina ko itong sinasampal sa pisngi.



Hingal na hingal itong napaupo. Tulad dati,pawis na pawis ito. Kinuha ko ang baso na na nasa side table at pinainom kay Yuki.



"Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Umiling ito.



"A-asan tayo?" Tanong niya at inilibot niya ng tingin ang madilim na kwarto.



Lumapit ako sa may switch at inOn ang ilaw.



"Nasa hospital ka." Sabi ko at lumapit uli dito.



"Hospital?"



"Hindi mo ba naalala yung nangyari sayo?" Tanong ko.



"Ki-kinidnap ako... t-tapos..tapos may... may pinainom sila sa akin... tapos hindi ko na maalala." Naiiyak na kwento niya about sa nangyari sa kanya.



"Paano ako nakarating dito? Anong nangyari sa akin?"



"Ha? Uhmm. Nakita ka na lang namin na nakahalundusay ka sa.. s-sa harap ng bahay natin." Pagsisinungaling ko.



"Ganun ba."



"Nakilala mo ba sila?" Tanong ko. Umiling naman ito.



"Hindi ka ba nagugutom?" Dalawang araw na kasi itong hindi kumakain.



"Gutom na nga ako e."



"Anong gusto mong kainin?"



"Kahit ano. Anong oras na ba?" Ay,oo nga pala. 5am na.



"5 na ng umaga."



"Ganun ba. Pasensiya na ha. Mukhang hindi ka pa ata nakakatulog."



"Ano ka ba! Ok lang no! Tsaka sarap kaya ng tulog ko!"



"Weh? Tignan mo nga yang eyebags mo! Ilan kilo na ba yan?"



"Ha? May eyebags ba ako?"



"Ay wala! Pektusan kita dyan e."



Niyakap ko ang bestfriend ko na ikinagulat niya. Naiiyak ako sa situasyon niya. Pero nagpapasalamat ako na hindi niya natatandaan ang nangyari.




**



Alexa's POV



Nagulat ako ng sinabi ng katulong namin na may bisita akong lalaki. Akala ko si Tyler,si Kyo pala.



"Oh Kyo! May kailangan ka ba?" Tanong ko habang pababa ako ng hagdan. Nakakunoot noong Mabilis niya akong linapitan at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.



"A-ano ba Kyo! Ano bang problema mo? Nasasaktan ako!"



"Ikaw ba? Ikaw ba ang nagutos sa kanila?" Ano daw? Ano bang pinagsasabi nito?



"Hindi kita maintindihan!" Inis kong sabi.



"Wag ka ng mag maang-maangan!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko.



"Ano ba Kyo! Nasasaktan ako! Tsaka ano bang pinagsasabi mo!" Medyo naiinis na ako. Eh hindi ko nga alam pinagsasabi niya!



"Inutusan mo yung nga gagong yon na babuyin si Yuki!!!!!" Sigaw niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Ako? Mang-uutos ng ganung bagay???



"Kyo,hindi ko alam ang sinasabi mo! Tsaka kilala mo ako--"



"Noon yon Lex,pero hindi na ngayon!"



"The heck Kyo? Hindi ako yon! Hindi ako ang nang-utos na babuyin si Yu...." napahinto ako ng marealize ko ang pinaguusapan namin.



"N-narape si Yuki?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Kyo.



"wag ka ng magpainosente Lex! Bakit mo yon ginawa?" Galit niyang tanong.



"Hindi nga ako yon! At paano nasabing ako yon ha?"



"Dahil ikaw ang tinutukoy ng mga gago na nang-utos na gawin iyon kay Yuki!"



"Hindi ako yon! Maniwala ka naman sa akin!"



"Sa una,oo,hindi ko pinaniwalaan ang sinabi nila na ikaw yung nag-utos sa kanila. Pero ng maalala ko ang ginawa mo kay Yuki noon at sinabi mo noon sa akin na gagawin mo ang lahat makuha mo lang uli si Tyler....biglang nagbago ang isip ko... nakalimutan kong ibang Alexa kana pala." Nasaktan ako sa sinabi ni Kyo.



"Oo,naging masama ako.. pero narealize ko ang pagkakamali ko. Humingi na din ako ng sorry kay Tyler."



"Baka palabas lang yon?"



"Kyo,inuulit ko.. Hindi ako yon!!!!" Bakit ba ayaw niya akong paniwalaan???



"Kung hindi ikaw,sino???"



"Hindi ko alam--" napahinto ako ng maalala ko ang narinig ko na may kausap si Allison sa phone noong friday.



'Gusto ko lang ipaalala ang nangyari sa kanya! Gusto ko bagalan niyo,hanggang may dadating na isang lalaki.'



Hinila ko ang kamay ko na hawak pa rin ni Kyo. Binitawan naman niya ito. Seryosong tumingin ako dito.



"N-narape o muntik na bang narape si Yuki?" Tanong ko. Napansin ko na hindi niya inaasahan ang tanong ko.



"Sagutin mo ako,narape o muntik na bang narape si Yuki noon?" Tanong ko uli.



"O-oo. Pero muntik lang.."



Napahawak ako sa bibig ng marinig ko ang sagot ni Kyo.



"Bakit?"



"Narinig ko si Allison nung friday. May kausap ito sa phone,ang narinig ko lang ay,'Gusto ko lang ipaalala ang nangyari sa kanya! Gusto ko bagalan niyo,hanggang may dadating na isang lalaki.' Yun lang."



"Totoo ba yan?" Halata sa mukha niya na nagdadalawang isip itong paniwalaan ang sinabi ko.



"Oo. Kaya nga inutusan ko yung driver at bodyguard ni Daddy na sundan si Allison kung saan man siya pumunta. Pero ang sabi nila sa bahay lang nila Dustin at Ej siya pumunta."



Nakatingin lang sa akin si Kyo. Tulad kanina,mukhang hindi pa rin siya naniniwala sa akin.



"Maniwala ka naman oh." Naiiyak kong pakiusap. Ewan ko,para akong tanga na nanlilimos na paniwalaan niya ako.



"Kung hindi talaga ikas,bakit ikaw ang tinutukoy nila na ikaw ang nag-utos sa kanila na gawin iyon kay Yuki?"



"H-hindi ko alam. Awkward man tanungin sa pangalawang pinakaayokong babae,K-kamusta na pala siya?" Nag-alala din naman ako kay Yuki no. Kaya nga nag-utos ako na sundan si Allison e. Para makasiguro ako na hindi siya ang tinutukoy ni Allison.



"Hindi ko alam,dalawang araw na itong natutulog."



"Narape ba siya?"



"Hindi naman,dahil dumating kaagad si Ej."



"Thank God."



"Una na ako." Paalam niya. Tumalikod na ito at naglakad na ng palabas.



"Kyo." Tawag ko. Tumingin naman ito agad.



"Salamat."



"Hindi pa rin ako naniniwala sayo.." sabi niya. Pero alam kong kahit nagdadalawang isip siya,pinili niya pa rin paniwalaan ako.



Isang oras na ng umalis si Kyo. Isang oras lang din ako na nakaupo sa sala at iniisip ang nangyari kay Yuki. Parang nagsisisi ako sa mga ginawa ko dito. Wala naman talaga siyang ginawang masama. Ako ang may ginawang mali,kung bakit nawala sa akin si Tyler.



Aakyat na sana ako ng biglang sumulpot si Ej sa harapan ko. About na naman ba ito kay Yuki? Sisisihin na naman ba ako? Nakakainggit ka Yuki,ang daming nagmamahal sayo.



Maswerte ka dahil may mga taong nagmamahal sa'yo. Dahil yung iba kailangan pang ipagsiksikan ang sarili nila, mahalin lang.



"Sinasabi ko--" napahinto ako nang bigla niya akong halikan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa--No,sa GINAGAWA niya ngayon. Itinulak ko ito.



"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Tanong ko.



"Handa kitang mahalin,tigilan mo lang sila Tyler at Yuki. Especially si Yuki." Seryosong sabi niya. Kitang-kita sa mata niya na mahal na mahal niya si Yuki. Isasakripisyo niyo ang happiness niya para sa kanya. Ang swerte mo talaga Yuki.



"Nababaliw kana." Napaluha ako. Para akong Love Beggar dito. Mukha ba akong nanlilimos ng pagmamahal?? Wala ba talagang nagmamahal sa akin?



"Please,umalis kana Ej! Bago pa ako tumawag ng pulis sa paghaharass mo sa akin." Sabi ko then tinalikuran ko na ito. Mabilis akong tumakbong pataas. Ewan ko,pero ang bilis ng tibok ng puso ko.



Nang makapasok ako sa kwarto ko,nilock ko na mabuti ang door at sumandal sa likod nito. Napahawak ako sa lips ko.



Siya ang pangalawang lalaki na humalik sa akin. Ganito ba talaga ang feeling kapag may ibang humalik sayo? Parang first kiss lang? Yung ang bilis ng tibok ng puso mo?



**



Ej's POV



Ilan beses na namin tinanong kung sino ang nag-utos sa kanila pero tulad ng sagot nila noong una,si Alexa pa rin ang tinutukoy nila.



Sinabihan ako ni Kyo na wag muna komprontahin si Alexa. Pero ngayon,hindi ko na kayang tiisin. Kaya pumunta ako sa bahay nila.



Dahil kilala ako ng guard nila,pinapasok naman nila ako agad. Pagkapasok ko ng bahay nakita ko agad si Alexa na papunta sa hagdan. Mabilis akong lumapit dito at huminto sa harapan niya.




"Sinasabi ko--" pinutol ko ang sasabihin niya at sinunggaban ito ng halik. Wala din akong idea kung bakit ko ito ginawa. Si Yuki lang talaga ang iniisip ko. Ilan sandali itinulak niya ako.



"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Tanong niya. Oo,nasisiraan na nga siguro ako ng ulo. Dahil gagawin ko ang lahat para lang kay Yuki.



"Handa kitang mahalin,tigilan mo lang sila Tyler at Yuki. Especially si Yuki."  Isasakripisyo ko ang happiness ko para lang sa Happiness ni Yuki.. nila Tyler at Yuki.



"Nababaliw kana." Napaluha kong sabi niya. Hindi ko inaasahan ang pag-iyak niya.



"Please,umalis kana Ej! Bago pa ako tumawag ng pulis sa paghaharass mo sa akin." Sabi niya sabay tumakbo na ito paakyat ng hagdan.




** Sa bahay nila Yuki.



Gising na daw si Yuki at nakauwi na sa kanila kaya nagmadali akong nagtungo sa bahay nila.  Napangiti ako nang makita ko siya na ok na ok ito. Ang sabi ni Hana,hindi daw maalala ni Yuki ang nangyari sa kanya. Siguro dahil lasing ito noon.



"Bakit ba kayo andito?" Tanong  ni Yuki sa amin ni Kyo.



"Dinadalaw ka." Sagot namin.



"Si Tyler? Nakita niyo ba siya? Dumalaw ba siya sa akin sa hospital?" Tanong niya. Masakit lang sa part namin,kami ang andito pero iba ang hinahanap niya.



"Hindi namin macontact e." Si Hana ang sumagot. Totoo naman,pagkatapos ko siyang makausap hindi na namin ito macontact.



"Ganun ba." Halata sa boses at mukha niya na nadisappointed ito.



"Teka! Wala bang pasok? At andito kayong lahat?" Nagtinginan kaming apat. Hindi din kami pumasok kahapon at ngayon tuesday. Dalawang araw na kaming absent. >_<



"Wala. May meeting yung mga fourth year teachers!" Pagsisinungaling ni Mich.



"Ah. Kaya pala."



"Swimming tayo,guys!" Aya ni Mich. NagsiOo naman ang mga girls. Kami naman ay manonood lang dahil wala kaming dala na panligo.



"Ang sabi ni Alexa,si Allison daw ang nag-utos non." Kyo.



"Allison? Bakit napasok dito si Allison? At bakit sasabihin ng mga lalaking yon na si Alexa ang nag-utos sa kanila? May pruweba na tayo na si Alexa ang nag-utos non."



"Narinig niya daw si Allison na may kausap sa phone."



"Paano mo masasabing nagsasabi ito ng totoo?"



"Anong pinaguusapan niyo?" Singit ni Mich.



"Sila Allison at Alexa." Kyo.



"Anong meron kay Allison at Alexa?" Nagtatakang tanong ni Mich. Actually,hindi pa namin nasasabi kung sino nasa likod ng pangyayari.



"Si Alexa kasi ang tinutukoy nila na nagutos sa kanila." Sagot ko.



"Ano? No way! Hindi magagawa ni Alexa yon!"



"Nagawa na niya!!" Inis kong sabi.



"Pero ang sabi ni Alexa baka si Allison daw iyon." Sabi naman ni Kyo. Bakit ba nila pinagtatanggol si Alexa? Malamang Ej bestfriend nila!!!



"Bakit daw si Allison?" Tanong ni Mich.



"Narinig niya daw si Allison na may kausap sa phone." Kyo.



"Ano ba daw sabi?" Tanong ko.



"Ang narinig niya lang daw ay,"Gusto ko lang ipaalala ang nangyari sa kanya! Gusto ko bagalan niyo,hanggang may dadating na isang lalaki.'"



"So bakit hindi niya sanabi sa atin?"



"Hindi ko alam. Pero pinasundan daw niya si Allison noong araw na yon. At pumunta lang daw si Allison kila Dustin at..." tumingin sa akin si Kyo. "Sainyo... anong ginawa niya sainyo?" Tanong niya sa akin.



"Hindi ko alam."



"Teka... ang sabi ng katulong mo,pumunta nga daw si Allison sa inyo at hinahanap ka!" Sabi naman ni Mich.



"Bakit naman niya hinahanap?" Tanong ko. eh hindi naman kami close non.



"Ewan. Ang weird nga daw ng tanong niya e." Mich.



"Anong tanong?" Kyo.



"Yung kung ano ang suot mo.." sabi ni Hana. Nagtinginan kami ni Kyo sa narinig namin. Naalala namin yung lalaking magkapareho kami ng hoodie.



"Pero bakit?" Tanong ko kay Kyo.



"Hindi ko din alam." Kyo.



"Ang alin?" Naguguluhan na tanong ni Mich.



"Magkaparehong-magkapareho kasi kami ng hoodie ng isa sa mga nangmanyak kay Yuki." Sagot ko sa tanong ni Mich.



Pareho kaming napaisip sa mga informasyon na nalaman namin.



Naalala ko ang ginawa ko kay Alexa. Shit! Nakakahiya. Wala naman itong kasalanan. Bakit kasi nagpadala ka ng galit!!!!



"Tara,magswimming na din kayo!" Aya sa amin ni Mich. Pero umayaw pa rin kami.



Pinanood na lang namin sila Yuki na masayang nakikipaglaro kila Ming and Hana. Bumalik na din si Mich sa pool at nakisali na siya kila Hana sa paglalaro.



**Wednesday.



Dahil baka makahalata si Yuki,napagdesisyunan namin na papasok na kami. Hindi muna namin siya pinapasok ngayon araw na ito. Nanaginip na naman kasi daw ito sabi nila Mich and Hana.



Alam ko na din ang past ni Yuki... lahat. Pero hindi pa rin nagbago ang pagmamahal ko dito.



Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko si Alexa. Nakatingin ito sa phone niya nang iniangat niya ang ulo niya, Napansin ko ang pagkagulat niya. Napahinto kaming pareho.



"Alexa." Tawag ko.



"H-hi." Bati niya.



"About sa nangyari kahapon.."



"Ha? A-Ano.. w-wait najijingle ako." Sabi niya sabay tumakbo palayo. Saan naman pupunta yon? Ano daw sabi niya? Najijingle? Naiihi daw siya? So sa CR siya punta?




**



Alexa's POV


Maaga akong pumasok dahil maaga akong nagising--i mean wala pa pala akong tulog. Ugh.



Nagulat ako nang nakasalubong ko si Ej. Hindi ko inaasahan na umagang-umaga siya ang una kong makikita.



"Alexa." Tawag niya sa akin. Bakit ba ako kinakabahan ngayon? Haist! Hindi na talaga ako magkakape tuwing umaga!



"H-hi." Pagdadalawang isip kong bati. Ang awkward lang.



"About sa nangyari kahapon.." Shemay naman! Bakit ba niya pinaalala??? Yan kaya ang rason kung bakit hindi ako nakatulog at may sampung kilo akong eyebags! Ang panget  tuloy ng itsura ko ngayon. Wait. Istura ko? Ngayon? Panget? Teka,bakit ba ako biglang naconcious sa pagmumukha ko ngayon?



"Ha? A-Ano.. w-wait najijingle ako." Paalam ko. Pumunta ako sa washroom. Hindi naman talaga ako najijingle e. >_< Gusto ko lang makatakas kay Ej. Humarap ako sa salamin.



"Bakit kasi ngayon pa ako nagkaeyebags???" Inis kong sabi. Kinuha ko yung make up kit sa bag ko. At tinakpan ko ng make up ang eyebags ko.



"Teka,bakit ko ba iniiwasan si Ej?" Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.



"Dont tell me Alexa,apektado ka?"



"Hindi kaya!"



"Hindi daw? Eh hindi ka nga makatulog kagabi e kakaisip don!"



"Nakatulog naman ako ah."



"Yeah right! Idedeny mo pa, eh ang laki nga ng evidensiya!" Napahawak ako sa mga eyebags ko.




"Nababaliw kana!" Pailing-iling kong sabo ng marealize ko kung ano ang ginagawa ko ngayon. Para akong baliw dito,pati sarili ko kinakausap ko na. 



Ibinalik ko na yung mga gamit ko sa bag,pero napatingin uli ako sa salamin.



"Bakit ang gwapo niya ngayon?" Bigla kong natanong.



"Dont tell me,Crush mo siya?"



"Uhm. Crush lang naman e." Nababaliw na nga ako. Bahagya ko pinektusan ang sarili ko.



Inayos ko na ang sarili ko bago lumabas ng CR. Pero nagulat ako ng makita ko kung sino yung nakasandal sa gilid.



Parang gusto kong bumalik sa CR at iflush ang sarili ko.



"K-kanina ka pa dito?" Tanong ko.



"Pfft." Lumapit ito sa akin.



"N-narinig mo?"



"Crush pala huh--pfft!"



"Ibang Ej tinutukoy ko noh!!!!" Sigaw ko sabay tinulak ko ito para makadaan ako. Aish! Kainis! Lord,kunin niyo na po ako. Sana lamunin na ako ng lupa ngayon. Waaaaah. Nakakahiya talaga.



"Alexa!" Tawag niya sa akin.  Pero hindi ako lumingon. Mabilis pa rin ang lakad ko.



"Alexa!" Sigaw uli niya.  Bahala siya!!!! Nakakahiyaaaa!!!!



"Kapag hindi ka tumigil,crush mo nga ako!" Hindi talaga ako titigil! Eh? So inaamin mo na siya nga ang crush mo?



Huminto ako sa paglalakad at nakasimangot akong tumingin dito. Nakangiti itong lumapit sa akin.



"Bakit ka ba nakasimangot?"



"Paki mo?" Mataray kong sabi.



"Malaki na nga ang eyebags mo tapos nakasimangot ka pa. Mas lalo ka niyan papanget!" Natatawang asar niya sa akin.



"Pwede ba!" Kailangan bang ipamukha sa akin na narinog niya talaga ang kabaliwan ko aa CR????



"Hahahahaha!" Tumawa ito. Nakatingin lang ako dito. Bakit ba biglang gumagwapo ito?



Pagkatapos niyang tumawa,nagseryoso na ito.



"Gusto ko lang magsorry sa ginawa ko at sinabi. Nadala ako sa galit ko. Sorry." Seryosong sabi niya



"O-oo na." Yun lang sabi ko then naglakad na uli.  Ramdam kong nakasunod ito sa akin.



"Hindi ba si Ej to?" Narinig kong bulong ng babae. May kasama itong dalawa pang babae. May tinitignan silang pictures.



"Oo,tignan mo oh,pareho sila ng hoodie." Sabi naman ng kasama niya.



"Grabe no. Ang landi pala talaga ni Yuki. Linoloko niya lang si Tyler." Bulong ng isa. Napahinto ako ng marinig pangalan ni Tyler.



Ano bang pinagsasabi ng mga ito? Dahil sa nacurious ako sa pinaguusapan nila at sa tinitignan nilang pictures,linapitan ko ang mga ito at biglang hinablot ang hawak nilang pictures.



Nagulat ako sa nakita ko. Ang isang picture ay stolen shot ni Ej na nakagrey hoodie. Ang isang picture,ay si Yuki at Ej na papasok sa Motel. Nakaharap si Yuki sa picture,nakangiti pa nga ito samantalang si Ej ay nakatalikod at nakahoodie.



Mabilis kong linapitan si Ej na palapit na din sa amin.



"Ano ibig sabihin nito?" Galit kong tanong. Ipinakita ko ang mga pictures sa kanya. Niloloko ba nila si Tyler? Nilet go ko siya kahit mahal na mahal ko siya dahil alam kong mahal niya si Yuki pero ano to??? Ginagago ba nila si Tyler?



"Shit!" Mura niya ng makita niya ang mga pictures.



"Ginag--"



"Hindi ako yan! Sinet-up si Yuki!" Galit na sabi ni Ej. Kinuha niya yung phone niya sa bulsa at may tinawagan.



"Hello Kyo?" Naglakad na ito ng mabilis. Wow! Iiwan niya ako dito??? Sumunod ako dito.



"Nakita mo na ba? Nagkalat na ata ang mga pictures!" Halata sa boses ni Ej na galit ito.



"Hindi,kasama ko si Alexa ngayon." Tapos tumingin ito sa akin.



"Asan kayo?"



"Sige papunta na kami." Sabi niya then binaba na niya nag mga phone niya. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako patakbo.



Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kung sa bagay nagkape ako kaninang umaga at matagal tagal na din akong hindi nakakatakbo.



Sus! Alexa,hawak niya kasi kamay mo!



Oh my God,Alexa! Wag ka ngang assuming!


Tsaka Hello? Crush lang naman no!


Naging crush mo lang naman siya nung hinalikan ka niya.


Hindi ko din alam kung bakit ko siya naging crush!


Grabe Alexa. Baliw ka na talaga.





Pinagtitinginan na kami--I mean pinagtitinginan na si Ej at pinagbubulungan na mga ito si EJ. Tinignan ko naman sila ng masama. Hindi nga si Ej yon!



Wow Alexa! Paano mo nasabi na hindi siya yon?


Eh sabi niya e.


Naniwala ka naman?




Ipinilig ko ang ulo ko,magpapacheck up na talaga ako.



Huminto kami sa pagtakbo sa Chemistry Lab. Andito din ang lahat except si Tyler.



**



Mich's POV



Pumasok na din kami sa school dahil nakakahalata na ito. Lagi kasi kaming bantay ni Hana,Kyo at Ej sa kanya.



Pero nagulat kami sa nadatnan namin sa school. Nagkalat ang mga pictures ni Yuki na may kasamang ibang lalaki na tinutukoy na si Ej.



"Anong gagawin natin?" Tanong ko.



"Buti na lang hindi pumasok si Yuki ngayon." Hana.



"Ej,kung hindi ikaw ang lalaking to,sino to?" Naguguluhang tanong ni Dustin.



"Naset up nga kami." Ej. Halata sa mukha niya na galit na ito.



"Nakita niyo na ba si Tyler?" Tanong naman ni Alexa.



"Nasa school na po siya ate Lex." Trish.



"Alam mo ba kung asan siya?" Alexa.



"Hindi ate." Trish.



"Sana hindi pa niya nakikita ang mga pictures.." sabi ko.



"Im sure,siya na ang nakaunang nakakita non." Sabi naman ni Lex.


"Trish,Lex... hanapin niyo muna si Tyler. Kilala niyo naman yun kapag nagagalit." Utos ko. UmoO naman sila.



"Si Allison,pumasok ba?" Tanong ko.



"Nakita ko siya kanina,kasama niya si Sarah." Sagot ni Kevin.



"Hindi na tama na ang ginagawa ni Allison.. sobra naman ito." Naiinis na sabi ni Hana.



"Basta wag na wag niyong hahayaan na malaman ni Yuki ito..." payo ni Kyo.



Tumango naman kaming lahat.



**


Yuki's POV



Nakatingin lang ako sa phone ko. Hinihintay ang tawag at text ni Tyler. Pero kanina pa ako naghihintay,wala pa rin. Tinext ko naman ito at tinatawagan pero hindi naman ito nagrereply at sumasagot.



Dahil sa bored ako kinuha ko ang laptop ko kasi parang feeling ko kailangan ko ang dami kong gustong sabihin kay Tyler ngayon. Siguro dahil namimiss ko siya.



Inopen ko ang laptop ko at Nagstart na akong magtype.




LOVE LETTER 1. Title ng una kong letter.


Dear Tyler Smith,


I want you to fall for me so hard,that you become scared to lose me. I want you to dwell in my existence; where a day without me would feel incomplete. I want you to fall as hard for me, as I’ll fall for you. I want you to remember me always, and I want you to chase after me when I push you away. I want you to pull me back when I’m trying to leave. I want to feel the reflexes of my own words. I want you to keep me grounded when I’ve done wrong. I want you to be relentless. I don’t want any constrictions in my chest, but the bones that shapes our interest. I want you to fall so hard for me, that you realize you’ve never even felt this way about someone before. And if I left, I would want every thing we ever shared to make you remember me. I want all the things we did, said, and never got to; to make you remember me by. I want to know you’ll fall so hard for me that if a song we shared came up on the radio; it would make you have this sudden sharp pain in your chest. And in those fleeting seconds, I hope you know how much you fell in love with me and how you can’t live without me. I hope then, you’ll come chasing after me. It’s selfish I know but I want to be theonly girl you have your eyes on. I want to be the only girl you actually fell for. I actually want to be the girl you end up with. I want to know you’ll fight for me.



Your Yummie Boo,
Yumiko Valera <3



Pinunasan ko ang luha ko bago ko ito sinave sa Folder. Pinalitan ko ng name ang folder sa LOVE LETTERS.



LOVE LETTER 2.



Dear Tummie Boo,



You’re important to me,Tyler Smith. I always want to tell you this. You’re that one person in my life I can’t afford to lose. No matter how many tough situations we got into, no matter how annoying we can be, you’re still important to me. No arguments will ever make me hate you. I just want you to know that no matter what happens in my life, I’ll always consider you as one of the most important person in my life.



Your Yummie Boo,
Yumiko Valera



LOVE LETTER 3. Bago ako magtype chineck ko muna ang phone ko. Pero wala pa din itong tawag or text man lang. Namimiss ko na siya. :'(




Dear Tummie Boo,


At first, I love your eyes, then I love your nose, then I love your face, then I realized, I just love you.


At first, I love your smile, then I love your laugh. Then after that, I love your Corny Pick-up lines. But in the end, I just realized, I just love you.


At first, I fall in love with the way you talk. Then I fall for your jokes. Then after that, I fall for your words of comfort. But in the end, I realized, I just love you.


At first, I fall in love with the way you carry yourself. Then I fall in love with the way you walk. Then after that, I fall in love with your over-all personality. But in the end, I realized, I just love you.


At first, I like you. Then I began to care. Then I began to crave your presence. Then I realized, I already love you. I don’t know how, I don’tknow when, I just did. I love you Boo.



Your Yummie Boo,
Yumiko Valera





Nasa Love Letter 10 na ako ng biglang tumunog ang phone ko. Mabilis kong kinuha phone ko,pero nadisappoint ako nung hindi si Tyler ang nagtext. Si Hana lang.



'Saan ka?' Text niya.



'Malamang sa bahay. Ano ginagawa niyo?'



'Wala boring. Uwi na din kami. Katamad.'



Eh? Magsskip sila? Bahala kayo dyan. Hindi ko na ito nireplyan. Binalik ko na uli ang atensyon ko sa love letters ko. Dahil naka10 letters na ako,isesend ko na muna ito kay Tyler through email. Sana mabasa niya agad. Hihi :")



Tinignan ko agad ang phone ko nung tumunog uli,pero si Kyo lang ang nagtext.



'Wag na wag kang lalabas ng bahay.' Yun lang ang text niya. Wala naman talaga akong balak na lumabas ng bahay e.



'Opo.' Reply ko.



'Good. Anong gusto mong kainin?' Omg! Lahaaat! Joke lang. Hmmmm.



'Madami e. :(' reply ko.



'Ok lang,ano?'



'Madaming fries. <3 '



'Yun lang?'



'Ikaw na bahala sa iba! Alam mo naman mga gusto kong kainin diba?'



'Sige. Basta wag kang aalis sa bahay ha.'


'Opo.' Nakangiti kong reply sa text niya. Ang OA talaga ni Kyo kahit kailan.



Ilalagay ko na sana sa side table ang phone ko ng bigla itong tumunog uli. Akala ko si Kyo uli pero yung taong kanina ko pa pala hinihintay na magparamdam. Excited akong buksan ang text niya.



'Asan ka?' Eh? Yan lang? Baka tinatanong niya kung saan ako,para puntahan niya ako? Hihi.



'Sa bahay lan--' tinatype ko pa lang ang irereply ko ng nagtext uli ito.



'I miss you.' Napangiti ako sa text niya at the same time kinilig.



'Andito ako sa room 404 ako." Text niya uli.



'Sige,punta ako dyan.' Reply ko. Mabilis akong tumayo sa kama at pumunta sa CR. Naghilamos at nagtoothbrush lang ako. Kinuha ko ang uniform ko at mabilis kong isinuot ito.



4 days ko na din kasi siyang hindi nakikita at miss na miss ko na siya. Mahal na mahal ko talaga siya.



Hindi man ako sumasakay ng tricycle pero this time gustong-gusto ko ng sumakay. Nagpara ako ng tricycle.



Ilan sandali nasa school na ako. Nagbaon din pala ako ng pangcover sa mukha ko dahil baka makita ako nila Kyo. Lagot ako. >_<



Nagtungo ako agad sa room 404. At doon ko nakita ang lalaking mahal ko.



Tumakbo ako palapit dito at yinakap siya ng mahigpit. Sobrang namiss ko talaga ito. Pero bigla niyang inalis ang kamay ko na nakayakap sa kanya.



"Bakit ngayon ka lang?" sa tono ng pananalita niya mukhang galit ito.



"Sorry,nasa bahay kasi ako nung nagtext ka." Paliwanag ko.



Tinignan niya lang ako at hindi na nagsalita. Feeling ko wala ito sa mood.



"Hindi ka man lang nagparamdam ng ilang araw." Sabi ko. Pero hindi man lang ito kumibo. Galit ba ito?



"Sorry na ha? Please? Sorry na."



"Para saan ba yang sorry mo?" Malamig niyang tanong.



"Kasi pinaghintay kita..." sagot ko naman. Kinakabahan ako sa pinapakita ni Tyler ngayon.



"Sa panggagago niyo sa akin,hindi ka ba magsosorry?" Naguguluhan ko itong tinignan. Ano bang pinagsasabi niya? Prank ba ito? Pinagttripan lang ba ako ni Tyler?



"Hindi kita maintindihan..."



"Pwede ba Yumiko huwag ka ng magmaang-maangan!!!!" Sigaw niya.



Bigla akong nanlambot sa pagsigaw ni Tyler. Yumiko... yun yung tawag niya sa akin noong nagbreak kami. Naluha ako ng maalala ko yung panahong nakilagbreak ito sa akin at yung panahon na hindi ito naniwala sa akin.



"W-wala talaga akong alam--" nagulat ako ng bigla niyang itapon sa harapan ko ang mga pictures.



Napaupo ako ng makita ko ang mga pictures at unti-unti kong naaalala ang mga nasa pictures.

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now