Chapter 61: Allison's Plan.

281K 3.3K 207
                                    

Dustin's POV

Naalala ko ang kapalit na hinihiling ni Allison.

Napailing ako.

Hindi ko kayang gawin yon. Alam kong may iba pang paraan para di matuloy ang pagpapakasal namin.

Mahal ko si Hanako. At kaya ko siyang ipaglaban.

Humiga ako sa kama ko at nagflashback ang nangyari sa amin ni Labanos.

**

Tyler's POV

Maaga akong pumasok para may time pa kami ni Yukimo na magbreakfast. Nagtext kasi ako na agahan din niyang pumasok at huwag kumain para sabay kaming magbbreakfast. Hindi naman ito nagrereply. Tinatawagan ko din hindi naman sumasagot.

"Kuya bakit kasi ang aga aga natin pumasok? Tignan mo oh! Tayo pa lang yung andito!!" Reklamo ni Trishia.

Naglalakad na kami sa hallway. At wala pa talagang katao tao. First time ko din pumasok ng ganitong kaaga.

"Kung gusto mo umuwi ka uli sa bahay!" Sabi ko naman.

"Pssh. Inaantok pa ako e."

"Pwede ka naman matulog sa classroom mamaya o kaya during class!"

"Wow! NapakaBI mo! Hindi ako katulad mo na natutulog sa klase!"

"Si Kevin oh!" Huminto ako sa paglalakad at may tinuro ako sa likod niya. Napahinto din sa paglalakad si Trish at nanigas sa kinatatayuan niya.

"Ha?" Nanlaki ang mga mata ni Trish.

"Kevin huh?" Inakbayan ko siya. Natatawa ako sa mukha ng kapatid ko! Hahahahaha

"Aaaak! Masa--sakit!" Kinurot niya kasi ako sa tagiliran. Masakit pa naman itong mangurot.

"Sige Mang asar ka pa!"

"Oo na! Hindi na kita aasarin!" Sabi ko para tigilan na niya ang pangungurot niya sa akin.

"Promise?"

"Promise! Kaya bitaw na!" Binitawan naman niya ako agad.

"Sana pala hindi ko na lang sinabi sayo." Nakayukong sabi niya.

Hinigpit ko ang pagkakaakbay dito.

"Masaya ako na sinabi mo sa akin. Atleast alam ko na hindi ka tomboAwwww!" Napahawak ako sa tyan. Siniko kasi niya ako.

Bakit napakasadista ng mga babae ko?

Totoo naman kasi. Akala ko tomboy siya dahil never pa ito nagkakaboyfriend ni hindi nga tumatanggap ng manliligaw e.

**

Dumating na lahat ng classmates namin pero si Yukimo wala pa.

Tinanong ko sila Mich and Hana pero ang sabi lang nila hindi nila alam basta pinauna lang sila ni Yukimo.

Bakit ba naging palaabsent na ito? May sakit na naman ba ito?

Maya't-maya nagbeep ang phone ko. Kahit nagdidiscuss teacher namin inilabas ko ang phone ko.

May video message si Yukimo.

Kinuha ko yung earphones ko at isinaksak sa tenga ko. Napatingin sa akin yung teacher namin pero nagpatuloy din ito sa pagdidiscuss. Subukan lang niyang pagalitan ako.

Pinlay ko ang video.

"Hi Tummie Boo. Good morning!" Mukhang kakagising niya lang.

"Sorry kung hindi kita mareplyan at hindi ko nasagot mga tawag mo. Nalate kasi ako ng gising. Kaya ayun... tinamad na din akong pumasok!"sabi niya sabay ngumiti ito.

Trip In Love or Fall In Love?Where stories live. Discover now