Tale 5

32K 1.1K 89
                                    


Tale 5

Elemental Magic Class

~Charm~


Agad akong natigilan nung magkatinginan kami nung lalaking pinagkakaguluhan nina Flay... Recognition crossed his handsome face.. Bigla akong kinabahan..


Shocks! Si Kuya Grey!


"B-bakit sya nakatingin satin???" dinig kong tanong ni Javen saamin ni Roma


"Don't know." Simpleng sagot ni Roma


Biglang ngumiti si Kuya Grey.. At nagsitili yung mga babae sa paligid.. Seryoso? Nasa isa na akong fantasy world pero bakit feeling ko nasa Earth pa rin ako??? Napansin kong nag-umpisang maglakad si Kuya Grey patungo sa direksyon namin nina Javen... Wait.. Gusto ko syang Makita pero not on this kind of setting.. Ayokong makaagaw ng attention, pero mukang yun ang makukuha ko sa oras na malaman ng lahat ng kakilala ko si Kuya Grey.. Kaya naman agad kong ibinalot ang sarili ko sa cloak ko.. Napahinto si Kuya Grey sa paghakbang at nawala ang ngiti nya nung bigla akong maglaho..


Sorry Kuya Grey..


Mukang wala namang nakapansin sa bigla kong paglaho, at kung meron man mukang wala namang may pakialam since nasa isang magic school ako..


"Ang gwapo nya noh Char—Ehh???? Charm?? San nagpunta yun???" nagtatakang tanong ni Javen


Nagkibit balikat lang si Roma..


Pinili ko na lang bumalik sa classroom mag-isa bago pa ko Makita ulit nina Flay or ni Kuya Grey...


Wahhhh.. Sorry talaga Kuya Grey!


Nasa separated building ang school cafeteria, kasama ang faculty office at office ni Headmaster Fridd.. Kaya naman heto ako at naglalakad mag-isa pabalik sa school building namin...


Nagulat ako kasi pagkapasok ko dun sa entrance ng school building biglang may lumitaw na lalaki kaya nagkabanggaan kami...


"Awww.. Nabangga ba ko sa pader??????" nagtataka nyang tanong sa sarili


I removed my invisibility cloak at mukang napansin nya ang bigla kong paglitaw kaya bigla syang napatingin sakin...


"Sorry.. Ok ka lang ba??" tanong ko


Hindi sya sumagot..


Nagtaka ako kasi nakatulala lang sya sakin.. Naalog ba yung utak nya? Ok lang kaya sya???


"Ahm.. Namatay ba ko nung nabangga ako sa pader? Nasa langit na ba ko?? Anghel ka ba??" tanong nya sakin


"Ah, ok ka lang ba?? Nagkabanggaan tayo, at tingin ko naman buhay ka pa..?" nagtataka kong sagot.. Ang weirdo naman nya..?????


WitchcraftWhere stories live. Discover now