Tale 68

23.4K 945 342
                                    

A/N: Yes I'm back! :D
Sorry for not updating sooner. Peace yow!
Anyway, I'm not very satisfied with this chapter, so please tell me your thoughts in the comment section. And don't hate me for introducing new characters again.. Lol~
Happy reading everyone!


Tale 68
The True Ruler's Blood

They say that in the deepest part of Ur's Kingdom, breathing the air is like breathing in fire. After inhaling, something inside you will burn. Not your lungs, but your soul. This is the wail of the dead. Cries of anguish from billions of dead beings trapped in the Kingdom of Ur.”
-JournalOfTheNecromancerZafira, excavated by Professor Judar and translated by Lana Cross


Ang kontinente na tinatawag na Arcadius ang pinakamalaking kontinente sa buong Viribus. Dito matatagpuan ang apat na pangunahing angkan. Ang kanluran ay pinamumunuan ng White Tiger Clan. Ang timog ay hawak ng Scarlet Phoenix Clan. Ang hilaga ay nasa ilalim ng Obsidian Turtle Clan. At ang silangan ay pinamumunuan ng Azure Dragon Clan. Sa apat na pangunahing angkan, ang Azure Dragon Clan ang itinuturing na pinuno ng main continent dahil sa taglay nilang lakas. Bawat angkan ay mula sa apat na mythological beast subalit sa paglipas ng panahon ng pakikisalamuha sa ibang mga lahi tulad ng mga tao, karamihan sa mga myembro ng bawat angkan ay mga half-breed. Ang kanilang mga ninuno ay mula sa mag kakaibang mundo, subalit ang mga dragon ang huling lumitaw at sila ang may pinakamaraming bilang ng mga pure blooded beings.

Ngayon ang unang araw kung saan gaganapin sa Azure City sa silangan ang registration para sa taunang Roar of the Dragons. Ito ay isang tournament na ginaganap once every year upang subukin ang kakayanan ng mga kabataan na myembro ng Azure Dragon Clan.

Ang top 5 ng tournament ang syang magrerepresenta sa Intercontinental Arena of Heroes. Dito maghaharap ang representative ng apat na angkan at ang representative ng mga Elves, Fairies at Nightmares.

“Nabalitaan nyo ba? Lumitaw daw ang Celestial Tiger na itinuturing na diyos ng White Tiger Clan. Ang lakas ng loob nilang sabihin na malapit na nila tayong malampasan.”
“Hah! Patawa sila!”
“Hindi lang sila ang makapal ang muka. Nabalitaan kong ipinagmamalaki ng mga Fairies ang paglitaw ng Ancient Fairy Queen. Sina sabi nila na mas malakas ito kaysa sa ating mga Dragon!”
“Nananaginip yata sila ng gising..”
“Kalokohan lang yun.. Anong laban satin ng mga fairies ng isang maliit na kontinente? Isang pitik lang ng mga pure blooded dragons ng angkan natin, mapipisa na yung mga fairies na yun!”
“Stop badmouthing the fairies. My grandmother is half human, half fairy.”
“Tsk. Kung pure blooded dragons lang sana tayo, wala tayong kakatakutan sa mundong ito! Bakit ba kasi mas pinili ng mga ninuno natin na mag-asawa ng ibang lahi? Tsk!”
“Shhh! Respect the decisions of our forefathers! Lumipat sila sa mundong ito dahil Hindi na kaya ng dati nating mundo na magbigay ng sapat na supply ng mana at enerhiya.”
“Tama sya.. Kinailangan nilang magproduce ng offsprings na makakasurvive sa bagong mundong ito kaya tayo mga half breed ngayon. Igalang mo ang desisyon nila dahil para din sa kapakanan natin ang mga ginawa nila.”
“Oo nga naman! Tsaka hindi lang naman tayo, pati din ang Scarlet Phoenix, White Tiger at Obsidian Turtle Clan ginawa yun noong una silang dumating sa mundong ito. As a result, tayo ang pinakamalakas dahil tayo ang huling dumating.”
“Pero nakakapangamba pa rin.. Darating ang oras na papanaw ang mga natitirang pure blooded dragons. Pagnangyari yun, paano na lang tayo?”
“Tsk.. Mauunang maubos ang mga phoenix, sampu na lang ang ang pure blooded sa angkan nila. Pito naman ang sa White Tiger Clan.. Habang lima na lang sa Obsidian Turtle..”
“Mali ka, balita ko buhay pa ang pinakamalakas na ninuno ng Obsidian Turtle Clan, pero walang nakakaalam kung nasaan ito, in short anim pa ang pure blooded Obsidian Turtles sa angkan nila. Habang may tsismis naman na kumakalat na lumitaw ang Celestial Tiger ng White Tiger Clan so eight pa yung pure blood nila.”
“Sus, what difference would it make? Compared sa angkan natin na may natitirang seven Azure Dragons, four Fire-breating dragons, three Wind Dragons, Two Earth Dragons and one Ice Dragon, anong panama nila?”
“Tama ka.. Wala tayong dapat ikabahala.”

WitchcraftDär berättelser lever. Upptäck nu