Tale 55

23.2K 919 109
                                    

A/N: Super short, sorry. It's only 23 but nyways, Merry Christmas everyone! :)


Tale 55
Fated Meetings


People binded by fate will always meet even if the whole world is against it.”
-TheSorrowOfTheGods, translated by Alena Hart

Ang Silas ay isang mapayapang syudad noon. Nagbago ang lahat sa nangyaring insidente ilang linggo na ang nakakaraan. Nagkaroon ng matinding sunog sa labas ng syudad dahil sa isang magic duel na naganap doon.

Ilang katao ang natagpuang nababalot sa yelo. Pinaghihinalaan na sila ay mga myembro ng isang dark guild. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa din magawang kontrahin ng sinoman sa Silas ang spell na ginamit sa mga ito kaya hanggang ngayon ay Hindi pa nakokonpirma ang kanilang totoong katauhan. Sa kasalukuyan ay ilang mga mages na ang kumilos upang i-contain ang apoy, inaasahang sa mga susunod na araw ay tuluyan nang maaapula ang sunog.

Sa isang kilalang restaurant sa puso ng syudad makikita ang tatlong kalalakihan na abalang kumakain. Mahahalata sa kanilang kasuotan na nagmula sila sa ibang bayan. Maraming mamamayan sa Silas ang walang mahika, lubusan nilang hinahangaan at tinitingala ang mga mage. Ang tatlong lalaki ay talaga namang nakakapukaw pansin dahil sa kisig na kanilang taglay kahit pa makalat silang kumain.

“Oyy Eon sakin yang siopao!!” reklamo ng isa sa mga binata, si Atticus, sabay hablot sa sipao na kakagatan na sana ni Eon

“Anong sayo?! Nakaapat ka na! Tig-isa na nga lang kami ni Cobalt aagawin mo pa!” ganti ng lalaki sabay bawi sa sipao, si Eon.

“Ang ingay nyo.” Reklamo ng ikatatlong lalaki, si Cobalt.

Nagpatuloy sa bangayan ang magkakaibigan..

Sa mata ng mga kababaihan ay tila mga mythical gods na nag-tatawanan ang tatlo.

Sa mata naman ng mga kalalakihan ay mukang mga patay-gutom na nag-aagawan sa pagkain ang tatlong lalaki.

Isang magandang babae ang nag lakas loob lapitan ang tatlo.

“Hi.. Mga dayuhan kayo tama?? Ako nga pala si Mischa, anak ng duke ng Silas, kung mamarapatin nyo, I'm willing to accommodate your stay. I will also—”

“Shoo.” Pagtataboy ni Atticus sa dalaga na naging sanhi ng pagsasalubong ng mga kilay ng babae.

“E-excuse me? Did you just say ‘shoo’??” Hindi makapaniwalang tanong ni Mischa

“Aha. Bingi ka ba?” Atticus

“M-mga walang modo! May araw din kayo sakin!” Hindi na nakapagpigil ng galit si Mischa, bumaling sya sa direksyon ng kanyang mga tagapagsilbi.. “Mga alipin, Tara na!” naiinis na saad ng babae sabay walk out kasunod ang mga tagapagsilbi nya.

“What's up with that weirdo? Bigla-bigla na lang lumapit satin tapos lakas ng loob magalit..” Eon

“She's probably not fully evolved? Her brain is wired differently?” Atticus

“Mga siraulo. Walang babaeng matutuwa matapos ipahiya.” Nailing na saad ni Cobalt

“Ipahiya? When did I?” Atticus

“Your poor choice of words from the very beginning.” Cobalt

“Hayaan nyo na. Taong kweba kasi tayo kaya wala tayong alam sa mundo. Tapusin na lang natin itong pagkain.” Eon

“Taong kweba??” react ni Atticus

“Kayo lang. Wag nyo kong isali.” Cobalt

At nagpatuloy ang bangayan nila.

WitchcraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon