Tale 22

27.6K 1K 114
                                    

Tale 22

The Crystal Nation

~Charm~


Naalimpungatan ako noong may marinig na mahihinang boses mula sa labas ng silid kung saan kanikanina lamang ay mahimbing akong natutulog.


Tila nasa alapaap pa ang aking isipan habang inaalala kung paano ako nakarating dito sa malambot na kama gayong kagabi lang----


Bigla akong napaupo sa malambot at komportableng kama. Nagising ang diwa ko at nagtatakang inilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng silid.


Kahit nababalot ng kadiliman ang silid ay hindi noon naikubli ang karangyaang isinisigaw ng silid na ito. Nasaan ako??


Ang huli kong naaalala ay ang paghahanda namin para sa pagpapatuloy ng paglalakbay namin tungo sa Port of Omelar. Walang malay si Tanisha kaya nagpresinta si Flay na sya na ang bahala dito. Naghahanda na akong sumakay sa aking kabayo noong biglang yumanig ang lupa. May mga lumitaw na anino at nawalan ako ng malay pagkatapos noon. Nasaan ang mga kaibigan ko?? At nasaan ako??


Naagaw ang atensyon ko ng mga tinig na tila nagtatalo sa labas nitong silid. Mahina ang mga boses nila na tila natatakot na magambala ang aking pagtulog. Pero sa kabila nun, hindi nakaligtas mula sa aking pandinig ang mainit na diskusyon na namamagitan sa mga tao sa labas.



"Hindi nyo sya dapat dinakip!"


"Yun ang utos ni Lady Rhodes!"


"Hindi nyo sya kilala! Hindi sya makikinig satin kung sa ganitong paraan nyo sya idadaan!"


"We are one of the five dragon clans! Gustuhin man nya o hindi, kailangan nya tayong pakinggan!"


"Hmmff! Wag kang magmataas Remila! Hanggang ngayon ba iniisip nyo pa rin na kaya nyong labanan ang dugo na nananalaytay sa ugat natin? Huh! Hintayin nyong magkamalay sya, luluhod kayo sa harapan nya!!"


"Shut up Creyon! Wag kang umarte na parang close kayo! And stop talking as if she's a deity who descended from heaven! Our bloodline is no longer bonded to dragons! Malaya na tayo noon pa man!"


"Wag mo kong patawanin Lallaine! Our meeting was accidental, but it was certainly fated! At kaya sya narito ngayon ay dahil nananalaytay pa rin sa bloodline natin ang dugo ni Matriarch Anahira, at alam yun ni Lady Rhodes.."


"I won't bow down to such a weak looking girl!"


"Tsk, kahit hindi ako sang-ayon sa ginawa nyong pagdukot sa kanya, hihintayin kong makita ang pagluhod nyo sa harapan nya sa oras na magkamalay na sya.."



Nagpalitan pa ng ilang maaanghang na mga salita ang tatlong tinig ng babae sa labas. Noong mamatay na ang mga ingay ay pinili kong ibaling ang atensyon ko sa papasikat na araw sa labas ng malaking bintana. Mula rito ay natatanaw ko ang ilang mga kabahayan.

WitchcraftWhere stories live. Discover now