Tale 48

29.3K 990 361
                                    

Tale 48
The Most Powerful Witch

There was a story of a girl who sailed the sea with pirates. Some says they saved the world from destruction. She fought with gods and dragons. And the girl later on became the first queen of Aralon. No one remembers her name. But everyone knows her tale.”
-TheQueenandthePirates, a folktale

Isang balita ang mabilis na kumalat sa bawat panig ng limang kaharian.

Isang makapangyarihang mage ang lumitaw sa Licentiam Exam.

Nakaabot sya sa 92nd floor ng Tower of Spells. Naging alikabok ang Thirteen Scales sa kanyang presensya. Nakapag-hunt sya ng 513 Adult Syrs sa Magic Hunt. Nakarating sa tuktok ng Mountain of Burden na tila namamasyal lang sa sariling Hardin sa likod bahay. At kinatakutan ng lahat sa Magic Duel, sya ang may pinakamaraming record ng kalaban na sumuko pagkakita pa lamang sa kanya.

Higit sa lahat, sya ang bagong mage na kasalukuyang nasa number one position sa Top 1000 mages. Simula noong i-take ni Cassiopeia Clifford ang exam twenty five years ago, ngayon lamang may nakatalo sa ranking nya.

Bawat Tao ay ito ang pinag-uusapan.

Ang pinakamalakas na mage sa kasalukuyang panahon ay Hindi si Queen Olive ng Aragon.

Hindi rin ito ang kilabot na Witch of Carnage.

Lahat ng ito ay tila mga kwentong barbero lamang. Subalit bawat Tao ay narinig na ang balita.

Isang bagong halimaw ang lumitaw.

And everyone knows her name.

The most powerful witch.

Charmaine Artemis Clifford.

***

Sa bayan ng Andorra sa Kaharian ng Uddara ay makikita ang isang babaeng may blonde na buhok na humahangos patungo sa loob ng isang mansion. May kakaibang kinang sa kanyang mga mata na nagpapahiwatig ng isang magandang balita na kanyang dala.

“Yvonne! Vladd! Erigor!” tawag nya sa pangalan ng mga taong sigurado syang matutuwa sa kanyang dalang balita

“Anong nangyari? Bakit ang excited mo masyado??” tanong ni Yvonne

“Magandang balita!!” sagot ni Louise na humahangos pa

“Anong meron??” tanong ni Vladd kakapasok lamang sa silid habang kumakain ng mansanas galing sa likod ng kanilang mansion.

“Ohh? Bakit narito kayo? Akala ko mag-eensayo kayo ng paghawak ng Katana??” tanong naman ni Erigor na kakapasok lamang din. Nagpupunas sya ng pawis dahil kakagaling lamang nya sa pagtulong sa mga taong bayan na nag-aani ng mga gulay. “Sya nga pala, may binigay na mga prutas at gulay sina Ginoong Hara at ginoong Dmitri.” Pahabol pa nya

“Hindi kayo nakikinig sakin.” Reklamo ni Louise

“Hindi kami natuloy ni Louise. Ikaw? Bakit narito ka? Akala ko ay bibisitahin mo ang pamilya mo?” tugon ni Yvonne Kay Erigor

“Ipinagpabukas ko na lamang.” Erigor

“Erigor balita ko ay ginantimpalaan ka ng Duke sa ipinamalas mong katapangan sa pagdakip sa mga kilabot na bandido na sumalakay sa katabi nating bayan.” Saad ni Vladd habang ngumunguya ng mansanas

“Ang tapang! For sure proud na proud sayo ang pamilya mo..” saad ni Yvonne

Nagblush naman sa kahihiyan si Erigor.

“Guys makinig muna kayo sakin.” Sabat ni Louise

“Ano ba kasing meron ate??” tanong ni Vladd

WitchcraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon