Tale 45

29K 1K 306
                                    


Nope, hindi ito isang ilusyon. Enjoy~

Tale 45
~A Legend is Born~


Tristius one of the last water dragons, is known for his playful antics. One day he decided to play tricks on the young goddess, Aevetes. He told her many lies including falling in love with her. The young goddess was flattered and because of her youth decided to brag about it to all of her friends, unfortunately Tristius denied all of her claims leaving the young goddess in shame and fury. The young goddess was so infuriated that she used up all of her powers to put a curse on the water dragon, turning him into a lizard. The once proud and mischievous dragon, was reduced to a helpless little lizard that some says still walks the world as the last dragon of Aralon.”
-Dragons and Gods, A collection of tales by J. Forbes

Sa isang maliit na laboratoryo ay makikita ang isang binatilyo na abalang sinusuri ang ilang naka-display na mga halamang-gamot na maingat na nakalagay sa mga bubog na botelya.

“Ginoong Francis maraming salamat sa pagpapaunlak sa aking liham. Hindi na maganda ang kalagayan ng aming bayan dahil sa kumakalat na epidemya.” Saad ng isang matandang lalaki na nakasuot ng putting coat

“Walang ano man po iyon Doctor Judar. Matapos suriin ang mga ito ay masasabi kong tama kayo, mapapabagal nito ang pagkalat ng epidemya subalit hindi ito sapat upang tuluyan itong puksain. Magpapadala ako ng ilan pang nga eksperto upang suriin ng mas masinsinan ang mga halamang gamot na ito gayun din po ang epidemya na kumakalat dito sa inyong bayan.” Tugon ng binatilyo, si Francis na ang totoo ay isang babae na kailangang magpanggap bilang isang ginoo.

“Maraming salamat Ginoong Francis. H-hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko. Marami na ang pumanaw sa aming bayan. Hulog ng langit ang iyong pagdating.” Maluha-luhang saad ng matanda

“Wag nyo pong pakaisipin iyon. Tungkulin ko po ito bilang myembro ng palasyo.” Tugon ni Francis at matapos ang ilan pang formalities ay nagpaalam na din sya upang bumalik sa palasyo

Noong makalabas sya ng gusali ay isang malungkot na tanawin ang bumati sa kanya. Mga nangangayayat na tao, ang iba ay dulot  ng epidemya, ang iba naman ay dahil sa kahirapan. May mga batang umiiyak at tinatawag ang pangalan ng kanilang mga magulang. May mga matatanda na nakatulala na lamang sa kawalan, tila naghihintay na lamang ng pagsapit ng kamatayan.

Hindi na bago kay Francis ang ganitong tanawin. Sa nakalipas na dalawang taon ay namulat ang kanyang mga mata sa madilim at mapait na realidad ng Aragon. Ito ang pinakamakapangyarihang kaharian. Maunlad ang mga malalaking bayan tulad ng DresRossa. Subalit walang perpektong mundo. Walang perpektong kaharian. Maraming maliit na bayan na sakop ang kaharian ng Aragon.  Ang mga lugar kung saan masagana ang mga pananim dahil sa mga mage ay pinapatawan ng mabigat na buwis. Ang mga mahihirap na bayan tulad ng isang ito ay may maliit na buwis subalit tila tinalikuran na ng kaharian. Kakaunting tulong lamang ang natatanggap nila. Although laganap ang magic sa Aralon, hindi ito isang perpektong mundo. Maraming mga oportunista at ganid na mages na hindi basta-basta magbibigay ng tulong kung wala naman silang makukuhang kapalit. Isa pa, tao lamang din ang mga mages, hindi nila kayang pasanin ng mag-isa ang lahat. Hindi nila kayang iwaksi ang lahat ng problema ng mundo sa isang kumpas lamang ng kanilang mga kamay. Kaya nag-eexists ang ibat-ibang mga organisasyon  tulad ng mga guild, at ng Council of Magic upang magsilbing medium ng tamang paggamit ng magic sa Aralon.

Mabigat man sa kalooban ay pinili ni Francis na wag bigyang pansin ang mga nakita nya.

Ilang masasamang tingin ang natanggap nya mula sa mga tao. Halatang hindi sila masaya na makita ang myembro ng palasyo sa kanilang lugar.

WitchcraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon