Tale 74

20.3K 865 212
                                    

Tale 74
~The Hands Behind the Curtains~


“A true friend is not someone who walks in front of you. Not someone who walks behind you. But someone who will support your back and  try his best to walk side by side with you.”
-TheWorthOfAMan, written by J. Forbes

“...and then the princess was saved by the brave knight. And they live happily ever after.” Nakangiting salaysay ng isang magandang babae sa isang munting bata. Isinara nya ang hawak na libro.

“I want to be a princess too Mommy.” Saad ng munting bata

Ngumiti ang magandang babae.. “You are Sweetie.”

“Hehe.” Tawa ng munting bata habang kinukumutan sya ng kanyang ina. “I love you Mommy.”

“Love you too my sweet little angel. Good night. Have a sweet dream..” Isang halik sa noo ang ibinigay nya sa munting bata.

Hindi pa nakakalabas ng pinto ang babae noong isang malakas na pwersa ang tumama sa kanilang katawan. Hindi malinaw kung saan ito nagmula. Kumalat ang kanilang dugo sa loob ng silid.

They died.

Sa isang munting cabin sa isang isla ng Gorgona, makikita na nakaluhod sa sahig ang dalawang tao habang umuubo sila ng dugo.

“A-artemis..”

Patuloy sa pag-ubo ng dugo ang dalaga. Gumapang papalapit sa kanya ang binata. Kitang-kita na nahihirapan ito.

“I-I’m okay..” saad ng dalaga

“Are you sure?” tanong ng binata.. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

Tumango ang dalaga.. “Are you alright?”

Pinilit ngumiti ng binata..  “Yes..”

Inalalayan ni Gavriil sa pagtayo ang dalaga.. “What was that?” nagtataka nitong tanong

Nabalot ng kadiliman ang muka ng dalaga.. “Death Magic Formation.”

Hindi nagkamali ng hinala si Charmaine. It was the Death Magic Formation.

Sa loob lamang ng ilang sandali ay nilipol nito ang napakalaking bahagi ng populasyon ng Aralon. Lahat ng mga ordinaryong mamamayan ay hindi nakaligtas. Ang mga mago na walang sapat na lakas upang labanan ito ay nawalan ng buhay. Sinakop nito ang malaking parte ng Aragon at Gorgona. Maswerteng nakaligtas ang mga mamayan ng Ignis, Ventus at ng Udarra na may pinakamalaking populasyon.

Maging ang ilang magical creatures na naninirahan sa lugar ay nabawian ng buhay. Walang nakaligtas na ordinaryong hayop, gumagapang man, lumalangoy o lumilipad sa himpapawid.

Nabalot ng kakaibang katahimikan ang buong Aralon.

Mas masahol pa ang nangyari ngayon kaysa sa gabi na kinilala na Night of Ur. Ang gabi na kumitil sa maraming buhay noon dahil sa Elven Illness. Ang gabing ito ay masyadong mapaminsala. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Wala man lamang senyales na paparating ito. It was too sudden. There was no warning at all!

Sa headquarters ng Council of Magic, makikita si Elora na mabilis na pumasok sa meeting room kung nasaan ang mga high elders ng Council. Balisa ang lahat at puno ng takot ang mga mata.

“Anong nangyari?!” tanong ni Elora

Walang nakasagot sa kanyang katanungan.

Nahampas ni Elora ang lamesa na ikinagulat ng lahat.

“A lot of people died! And no one even knows the reason?” hindi makapaniwalang tanong ni Elora sa lahat.

“I-it was an ancient magic with wide area of effect. No one knows what exactly  it is “ saad ng isang high elder

WitchcraftWhere stories live. Discover now