Tale 29

28.9K 1.1K 206
                                    



Tale29

Fairies on Earth


Walang pagsidlan ng tuwa si Aliya ng mabalitaan na nakabalik na ng bansa ang kanyang kaibigang si Charmaine.


Ilang linggo ding nawala ang kanyang kaibigan dahil sa nangyaring aksidente sa mama nito habang nasa trabaho.


"Nandito ako ngayon sa houseparty ni Catherine. Huh? Sino si Catherine?? Yung classmate natin na may brunette at curly long hair. Di mo ba sya naaalala??" saad ni Aliya sa kanyang cellphone. Nasa kabilang linya si Charm na himalang may load.. "Malapit lang ang address nya sa lugar nyo.. Oo yun nga yun mismo.. Eh?? Sure ka?? Pupunta ka dito? Pero you hate noisy parties right?? O-ok? If you say so then that's good." Nagtatakang tugon nito sa kausap.. "Gusto mo ba na sunduin kita? I don't know your exact address but I have a car so it wont be a problem. Huh? Anong ibig mong sabihin na hindi ako makakapagdrive dyan sa lugar nyo? Nasa gubat ba nakatirik yang bahay nyo?? Hahaha." Biro nya pero biglang natahimik sa kabilang linya.


Eh? Nasa gitna ba talaga ng gubat ang bahay ng kaibigan nya?? Impusible. Agad nyang iwinaksi ang ideya mula sa kanyang isipan dahil malabong mangyari iyon..


"Anyway, I will wait for you. Huh? W-what??? You have friends with you??" tila may tumarak na punyal sa puso ni Aliya nang marinig ang sinabi ng kanyang kaibigan. Ito ang pinakamatalik nyang kaibigan kaya hindi nya maiwasang maramdaman na tila pinagtaksilan sya nito matapos marinig na bukod sa kanya, mayroon na itong nakilalang mga bagong kaibigan matapos magtungo sa States. Ipinagpalit na ba sya nito?? Hindi na ba sya ang #1 friend nito?? "O-of course, its ok to bring them along.." kahit nasasaktan ay masaya syang malaman na may mga kaibigan si Charmaine sa bagong school nito. At least hindi ito malulungkot at mag-iisa.


"Ok ingat ka. I mean kayo. I'll wait for you here. Byebye Charm.." Saad ni Aliya at saka ibinaba ang tawag.


"Charm?? As in Charmaine?? Yung nerd?? You invited her over??" nagulat si Aliya nang marinig ang boses ni Philip mula sa kanyang likod. Kasalukuyan syang nasa backyard ng bahay nina Catherine upang umiwas sa ingay ng musika habang nakikipag-usap sya kay Charm sa phone.


"Kanina ka pa ba dyan? Ginulat mo ko!" reklamo nya sa nakakainis na lalaki


"Kakadating ko lang then I overheard your voice kaya tiningnan ko kung sino kausap mo. It turns out you were talking to that nerd over the phone." Naiiling na tugon ni Philip


"She's not a nerd." May diin nyang saad sa muka ng lalaki


"A dork then." Nakangising tugon ni Philip na sinukliin ni Aliya ng masamang tingin.


"Come on Babes. Why are you even friends with that girl? She's completely beneath your level." Naiiling na saad ng lalaki 



"I'm not asking your opinion." Tugon ni Aliya sabay walk out with matching hair flipping with poise. Asar na asar na sya sa lalaki.



Nagtungo sya sa loob ng bahay nina Catherine at sinalubong sya ng malakas na saliw ng musika, mga taong nagsasayawan at nagtatawanan. May ilang abala sa pagkain sa isang sulok. Marami ay umiinom ng light beverages. At may ilan na naglalandian.

WitchcraftWhere stories live. Discover now