Special Chapter III

19.4K 576 68
                                    

Special Chapter III

Regis and Hara


May panahon kung saan mapayapa pa ang mundo.

Nababalot ng nyebe ang Aralon. Isa itong kulay puting mundo.

Ito ang panahon kung saan nag-uumpisa pa lamang magtayo ng komunidad ang mga Tao.

Ang panahong ito ay ang panahon kung saan ang mga dragon pa ang namumuno sa mundo ng Aralon.

"What a cute race." Komento ng isang dragon habang pinagmamasdan ang mga tao na nahihirapang magkumpuni at magtayo ng mga bahay. Si Calliope, isang batang dragon at isa sa dalawang prinsesa ng mga dragon.

"They are struggling. How adorable." Dagdag pa ng isang dragon, si Hina ang Queen Dragon.

Para silang mga taong pinanonood ang isang cute na puppy. Except, they are dragons and those are humans.

Napailing na lamang si Hara sa inaasal ng pamilya nya, sya ang nakatatandang prinsesa at susunod na reyna.

"What's so good about those little weaklings? They are fragile. They have short lives. They are vulnerable in so many ways. And they are just weak!" reklamo ni Hara

"That's why they're so precious. They're like butterflies. They die after serving their purpose in life." Sagot ni Euphie, isang fae, ang reyna ng mundo ng mga familiars.

"Tsk." Hara

"Why do you hate them so much? Aren't they similar to your other form?" sabat ni Regis, ang hari ng mundo ng mga Celestials.

"White tiger, aren't you the same? Your other form look like them too." Tugon ni Hara

"You mean this form?" tanong ni Regis sabay palit anyo, kanina ay isa syang puting tigre pero ngayon ay isa na syang matipunong binata na nakasuot ng isang coat na gawa sa balat ng isang white tiger.

"Hara magpalit anyo ka rin, ang hassle na nasa anyong dragon ka. Baka mapisa mo ko ng di sinasadya." Reklamo ni Euphie, maka lamang syang isang firefly sa tabi ng dragon.

"Hmmmmp." Nakasimangot na tugon ni Hara pero nagpalit anyo pa din naman sya. Pabebe lang ng konti. Kanina ay isa syang puting dragon. Ngayon ay isa na syang magandang Binibini na may maputlang balat, mahabang puting buhok at asul na mga mata. Isang simpleng asul na bestida ang suot nya.

"Saan ba tayo pupunta?" usisa ni Euphie

"Magmamasid sa mga tao. Bakit ba kayo narito? Hindi ba may mga tungkulin kayo sa mundo nyo?" tanong ni Hara sa dalawang kaibigan.

"Nandun naman si Cancer, sya ang secretary ko kaya iniwan ko sa kanya lahat ng trabaho." Regis

"Napakairesponsable mo talaga." Komento ni Euphie.. "At least ako tinapos ko muna ang mga Gawain ko bago ako nagtungo dito."

"Nyenyenye." Regis

"Isip bata!" Euphie

"Mukang bata!" ganti ni Regis

"Gusto mo bang sipain kita?!" Euphie

"Sa liit ng binti mo sa tingin mo natatakot ako?" Regis

"Shh! Manahimik na kayo!" saway ni Hara

"Ayaw!" Regis

"Gusto mong masaktan?" banta ni Hara

"Hindi, sabi ko nga tatahimik na ko. Bakit ka ba high blood babe?" Regis

"Tsk. Manahimik ka na lang.. May mortal na bata dun oh.." Hara sabay turo sa isang puno

May maliit na batang babae sa ilalim ng puno. Umiiyak ito.

WitchcraftWhere stories live. Discover now