Tale 75

24.6K 943 368
                                    

A/N: Believe it or not, this is the last chapter. Enjoy~

Tale 75
~As the Curtains Fall~


“She’s not a mage or a monster or a magical being. She’s not any creature we know of... She’s not even human.”
-Stillwater, a myth translated by Lana Cross

Nababalot ng madilim na ulap ang kalangitan. Hindi magawang pasukin ng liwanag ng araw ang makakapal na ulap na bumabalot sa buong mundo. Tumingala sa langit ang mga tao. Napuno ng pangamba ang kanilang mga puso. Alam nila na mayroong panganib. Mahigpit na niyakap ng mga magulang ang kanilang mga anak. Nagtago ang karamihan sa kanilang mga tahanan. Ang ilan ay nagnanais na lumikas. Subalit wala silang mapupuntahan. Tila nilamon na ng kadiliman ang mundo.

Matapos matanggap ang isang mensahe mula kay Elora ay agad kumilos ang Council of Magic. Lahat ng mga magic guild ng Aralon ay hindi rin nag-alinlangan na tumulong. Makikita sa himpapawid ang mga mago na mabilis na lumilipad gamit ang levitation at wind magic. Mayroon ding ilan na gumagamit ng teleportation magic, hindi sila direktang lumitaw sa kanilang destinasyon dahil sa distansya nito, iilan lamang tao ang nakakagamit ng long distance teleportation kaya naman naging pangkaraniwan na lamang na maglalaho sila pagkatapos lumitaw sa isang lugar gamit ang sunod-sunod na short distance teleportation. May ilan din na nagsummon ng mga beast na nakakalipad o nakakapaglakbay ng mabilis sa kalupaan. Ang ilan ay sakay sa mga pangkaraniwang kabayo, pero hindi sila dapat maliitin sapagkat kahit ang pinakakaraniwang kabayo ng Aralon ay kayang maglakbay na kasing bilis ng kidlat.

Dahil sa mga pagkilos na ito ay nakumpirma ng mga ordinaryong tao na may paparating na delubyo. Pakiramdam ng lahat ay ito na ang katapusan ng mundo.

Sa isang madilim na lugar na nababalutan ng kakaibang katahimikan, isang babae ang makikitang nakaupo sa isang trono. Walang permanenteng anyo ang babae. Pabago-bago ang kanyang itsura. Si Ur, ang dyosa ng Underworld. “So the fated day has come.”

Sa kalupaan na nababalot ng kadiliman na kilala bilang Dark Continent, isang pares naman ng mga mata ang lumingon sa direksyon ng limang kaharian. Ipinagaspas nito ang kanyang mga pakpak. Sa mundong nababalot ng kadiliman ay hindi mapapansin ang isang itim na dragon na lumilipad sa himpapawid.

Sa bayan ng Aureus matatagpuan ang mansion ng mga Clifford. Sa isa sa mga balkonahe  ng mansion makikita ang isang babae. Isinasayaw ng malamig na hangin ang kanyang itim na buhok. Mababakasan ng pag-aalala ang kanyang asul na mga mata. Naikuyom nya ang kanyang mga kamao dulot ng matinding pag-aalala. Sa tabi ng babae ay mayroong isang puting tigre. “It really did came. My fated nemesis.” Mahinang saad ng babae... Ikiniskis ng tigre ang kanyang sarili sa babae para i-comfort ito.. “Back then, did I make the right choice?”

Sa tuktok ng isang burol sa Crystal Nation, makikita ang isang babaeng may mahabang puting buhok na nakaluhod sa harap ng isang puntod.

Sa tabi ng dalaga ay ang kanyang mga kaibigan na kasama nyang nagdadalamhati.

“If only I wasn't late.” Saad ni Charmaine sa mahinang tinig

“Please don't blame yourself.” Saad ni Flay

“It was our fault. If only we trusted you more. We should have directly ask for your help.” Saad ni Astrid

“This wouldn't happen if we didn't attempted to save her on our own.” Samara

“Damn it! It was really stupid. We were really stupid.” Astrid

“It’s not your fault!” hindi napigilan ni August na magtaas ng boses

“It was mine. I wanted to save everyone, but in the end, millions of people died. I can’t even save a friend.” Malamig na saad ni Charm

“Stop blaming yourselves!” sigaw ni Aliya.. Nasasaktan syang makita na nagkakaganito ang kanyang mga kaibigan.

WitchcraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon