Chapter Five

450K 9.9K 1K
                                    

💋

 "NO, you can keep it. I think you need it. Keep it as remembrance. Walang problema sa 'kin." Nakangising sabi ni Danrick at ibinalik niya ang maliit na kahon kung saan nakalagay ang "remembrance" na tinutukoy nito.

Nalaglag ang panga ni Jeasabelle. "Excuse me?"

"I said you can take my brief. Hindi mo naman kailangan ibalik sa 'kin 'yan. I know you want so you can have it."

Nagbukas-sara ang bibig niya, naghahagilap ng sasabihin. But she was lost for words.
Ang confidence na nabuo niya kanina habang palapit dito ay unti unting nadurog. Ang plano naman niya ay magpakita dito, pagkatapos ay ibalik ang underwear nito ng may mga kasamang pang-iinsulto. Para naman makabawi-bawi siya sa mga iniiyak niya kagabi nang iwanan siya nito at bitinin. Pero hindi niya ineexpect na makakabawi din ito sa mga sinabi niya!

Kalmadong ininom nito ang kape sa coffee mug at may panunukso na bumalik ang tingin sa mukha niya. "You can do whatever you want to do with my underwear. You can take selfies with it and upload it in your IG or Facebook.."

"Ano tingin mo sa 'kin, gaga?!"

"O kung gusto mo naman solohin lang, put it on a frame and display it on your bedroom. My underwear would definitely give you peace of mind with wet dreams every night."

Tangina?! "Ang kapal din naman talaga ng mukha mo! Tingin mo ba ganoong level ang pagnanasa ko sa 'yo?"

"I don't know.. You tell me." Kumikinang ang mga mata nito sa kapilyuhan. Nag-eenjoy ang tinamaan ng lintik sa pagkaasar niya.

Kung sa ibang pagkakataon kikiligin siya sa ginagawa nito dahil sa wakas napansin na siya nito, pwes hindi ngayon! Hindi ngayon na nasa puntong ang ego at confidence niya ay durog na durog. At lalong hindi ngayon na hindi pa nabibigyan ng hustisya ang virginity niya!

"Well, here's the truth, Danrick. You're a class A asshole. A certified jerk. At alam mo ba ang nasa isip ko? Totoo siguro na kaya ka hiniwalayan ni Gianna ay dahil dyan sa ugali mo." Napatiim-bagang ito at dumilim ang anyo. Napatuwid ito ng upo. Kita niya ang pagbalot ng tensyon sa katawan niya. Mukhang natamaan niya ito. She grinned. "I really can't blame Gianna. Hindi ka nga pangit. Pero kapalit-palit ka naman."

Kinuha niya ang should bag niya at tumayo na. "O, siya. I'm done wasting my time talking to you. Alicia Meyers na akech. Babush!"

Mapang-asar na nginisian niya ito at iniwan ang lalaki. Parang gusto niyang mapahalakhak sa nakitang pagtatagis ng bagang nito bago niya ito talikuran. Mukhang napingasan niya rin ang ego niya. Ayaw man niya gamitin ang pakikipaghiwalay dito ng girlfriend nito, pero iyon na lang ang nakita niyang pwede gamitin laban dito. Mukha namang nagtagumpay siya. Pwede na siyang magpaparty! Tamang-tama mag-six thirty pm na rin.

Kinuha niya ang cellphone sa bag. Kailangan niya tawagan ang friendships niya para balitaan agad mga ito.

Ida-dial pa lang niya ang numero ni Alicia nang biglang may humaklit sa braso niya. "Anong----D-Danrick?" Bumilis ang tibok ng puso niya nang makilala ang lalaki.

"Teka, saan mo ako dadalhin?"

Hinila siya ng lalaki. Mariin ang pagkakahawak nito sa braso niya habang kinakaladkad siya nito papunta sa parking area. Dinala siya nito sa pinakasulok na bahagi ng parking. Muntikan na siya mawalan ng balanse ng pakawalan siya nito. "Ano ba, Danrick?!" angil niya.

"What the hell do you want from me?" angil nito pabalik sa mukha niya. He looked so mad and furious. His eyes were murderous.

Nilunok niya ang takot na naramdaman niya. Tingin ba nito ay matatakot siya nito? Well, he better try harder! Matapang na sinalubong niya ang mga mata nito at taas-noo na sumagot. "I don't want anything from you! Siguro noon.. kagabi, meron. Pero ngayon? Natauhan na ako. Because honestly, you're not worth it!"

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang