Chapter Forty Four

324K 8.4K 745
                                    

 HINDI na ni Jeasabelle mabilang ang beses na nagpakawala siya ng buntong-hininga. Nandoon siya ngayon sa party ng kaibigan ni Gab. Kung hindi pa siya nito sinundo, hindi niya maalala na umoo nga pala siya dito nang imbitahin siya nito. Di niya makuhang makatanggi. Magiging rude naman siya sa lalaki na walang ipinakitang masama sa kanya. He's too nice. Too good. Kahit wala sa mood para umalis, sumama na siya dito.

Muli, kumawala ang malalim na buntong-hininga sa kanya.

 Sanay na siya sa ingay at madaming tao, pero nang sandaling iyon parang gusto niyang tumakas at umuwi na lang sa bahay. Never siyang naging killjoy, but seriously. Hindi niya siya nag-eenjoy ng oras na 'yun. Nabo-bored na siya. Malaki at malawak ang bahay ng kaibigan ni Gab. Nasa sala sila kung saan may mga bisita rin na nagkakasiyahan.

"Hey, baby. Are you having fun?" nakangising bumulong sa leeg niya si Gab, pumulupot ang matitigas na braso sa beywang niya mula sa likod.

Napasinghap si Jeasabelle. Amoy na niya ang alak sa bibig ng lalaki. Kanina pa itong umiinom at napansin na niya ang pagiging agressive nito. Pasimpleng ibinabangga nito ang siko sa dibdib niya at pinipisil ang hita niya.

"Gab," saway niya sa lalaki. Ngayon naman ay nakayakap ito sa kanya at sapo ang malulusog na dibdib niya. "You're being aggressive.. S-Stop."

"Oh.. Sorry.." Tinanggal nito ang kamay sa kanyang dibdib, ngunit hindi inalis ang pagkakayakap sa kanya. "You don't look okay. May problema ba?"

"Wala, I'm just--."

"Is it about your ex?"

"W-What?"

Lumingon siya kay Gab. Salubong ang makapal na kilay nito, matigas ang ekspresyon. "Hindi ka pa rin ba niya tinitigilan?"

Nanlaki ang mata ng dalaga. Hindi siya nagkukwento kay Gab ng kahit anong tungkol kay Danrick. Hindi nga niya nababanggit sa lalaki na hanggang ngayon di siya tinatantanan ng dating nobyo.

"P-papaano mo nalaman ang tungkol doon?" tanong niya sa binata.

"I'm not blind, Belle. Kapag magkasama tayo at ihahatid kita, nakikita ko siya malapit sa bahay mo. At maliit lang ang mundong ginagalawan natin para hindi ko makilala si Danrick Hidalgo."

Right.

Tumango-tango si Jeasabelle. "So, you knew?"

Nakita niya sa ekspresyon ni Gab ang sagot sa tanong niya. "Hindi ko talaga alam. Pero siya ang lumapit sa akin."

"Lumapit?"

"Yeah, and he warned me. Gusto niya na layuan kita. He said he will ruin me kung ipagpapatuloy ko pa ang paglapit at panliligaw sa 'yo."

Napanganga ang dalaga. "What? Sinabi niya sa 'yo yun?"

"And the funny thing was, binalaan niya ako na sisirain niya ang buhay ko kapag hinawakan kita. That he will destroy me even if I touch a strand of your hair."

"Oh, my God."

"He's crazy, you know. Di ko alam na ganoon ang panganay na kapatid ni Jakob." Ang tinutukoy nito ay ang nakababatang kapatid ni Danrick.

"Di ko alam na lumapit siya sa 'yo. Dapat sinabi mo sa akin."

"That guy's really crazy for you. Tama lang na hiniwalayan mo siya."

Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. At mas lalong hindi niya alam na nagawa iyon ni Danrick.

Really?

"Bakit? Tama ba ako? Ginugulo ka pa rin ng lalaking 'yon hanggang ngayon?" tanong nito pagkatapos niya matahimik. "Kung oo, hayaan mo ako na magtaboy sa kanya palayo. Hindi ako natatakot sa kanya kahit na minsang sinuportahan ng pamilya niya ang kampanya ni Dad."

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Where stories live. Discover now