Epilogue

538K 11.6K 2.3K
                                    


"Danrick, ano ba 'to? Kailangan ba naka-blind fold ako?" reklamo ng asawa habang inaalalayan niya ito pababa ng kotse. "Mamaya madapa pa ako sa ginagawa mo na 'to. May pa-surprise surprise ka pa d'yan."

"Paano nga kita masu-surprise kung hindi kita iba-blind fold?" nangingiting sabi ni Danrick, hawak niya ito sa braso at sa beywang.

"Matuwa pa sana ako sa 'yo kung sa kama mo ko bina-blindfold."

He chuckled. "Ganon ba gusto mo, Mrs. Hidalgo? Mamaya ka sa 'kin."

"Ay, nako, wag mo kong minamamaya, Danilo. Gawin mo na."

"Wag mo rin akong hamunin, misis ko. Baka madagdagan ng isa pa 'yang dinadala mo."

"Ikaw naman, di na mabiro." Tumawa si Jeasabelle at parang gusto niyang panggigilan ito ng halik.

Higit dalawang buwan na ng ikasal sila ng babae. Dalawang buwan na rin ang dinadala nito. Nabuntis agad ito noong gabi na may nangyari sa kanila pagkatapos niya ito bawiin kay Gab. And after a few weeks bago ang kasal nila, nag-positive ito ang pregnancy kit nito.

Siya na yata ang pinakamasayang lalaki ng araw na 'yon. Then, they got married. Ito na yata ang pinakamagandang babae na ikakasal na nakita niya. She looks so perfect and curvaceous in her white, mermaid cut wedding gown. Her perfect curves and big rounded boobs really give justice to the gown. At muntikan na niya itong itakas sa gitna ng seremonya. She was so beautiful and perfect that he just want to make sure she was really his.

Umihip ang hangin at parang magandang tugtog sa tenga ang tunog ng malakas na pag-alon. Sandali siyang napahinto, napangiti habang tumingin sa kulay asul na dagat, parang may libo libong dyamante sa tubig na kumikislap sa ilalim ng mataas na araw.

"Dan?"

"Hmm."

"Malapit ba tayo sa tabi ng dagat?" tanong ng asawa, mas lalo siyang napangiti.

"Nope." tanggi niya.

"Tadyakan kaya kita d'yan. Ang lakas lakas ng alon o."

"Oo, nandito tayo."

"Ano bang ginagawa natin dito? Pwede mo na ba tanggalin ang blind fold ko?"

"Wait, mamaya pa."

"Ano ba, Danilo. Baka mamaya may balak ka palang dalhin ako sa dagat at palutangin. Hindi ako balyena, walanghiya ka."

Ang lakas ng tawa niya. "Sandali nga. Wala pa tayo sa tapat, e."

"Tawa ka pa."

"Lakad ka pa ng kaunti. Kaunting-kaunti na lang 'to.." Sa kabila ng reklamo nito, nararamdaman niya ang excitement nito. Mga ilang hakbang pa, tumigil sila sa harap ng isang malaking bungalow, napipintahan ng kulay puti at itim.

Bumulong siya sa asawa, "Are you ready for the big surprise, Mrs. Hidalgo?"

Dahan-dahan niyang tinanggal ang blind fold sa mata nito. Pinanood niya ang naging reaksyon nito. Mula sa pagkunot-noo hanggang sa pamimilog ng mata, nagbukas sara ang bibig nito at pumihit paharap sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla at tuwa.

"Dan.. What is this?"

"A surprise," pagbibiro niya.

"I mean, para saan 'to? Ito 'yung nakita ko sa..."

"Yup." A week ago, may nakita ang asawa niya na for sale na rest house sa isang kilalang beach sa Batangas. Ilang beses niya itong nakitang nagbo-browse sa website, may kinang sa mga mata. Kahit sa mga kaibigan nito ay bukambibig nito ang pagkakaroon ng rest house tulad non. Right there and then, alam niya kung ano ang gagawin niya. Ipinangako niya sa babaeng pinakasalan na papaligayahin niya ito sa lahat ng aspeto. He would make her feel the luckiest woman for having him as husband.

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt