Chapter Fifteen

445K 9.3K 737
                                    

"AT TINGIN mo talaga di ka masasaktan sa huli?"

Tumigil si Jeasabelle sa pagtakbo at pinatigil ang treadmill. Marahas na napahugot ng hangin ang dalaga. Bumaba doon at nagpunas ng pawis.

Actually, laman na rin ng isip niya ang bagay na 'yon. Alam naman niya na may possibility rin na masaktan siya. Dahil kahit hindi naman niya aminin sa iba, aminado naman siya sa sarili na may isang parte niya na umaasa. Sino ba naman ang hindi aasa sa katulad ni Danrick?

'Yong iba nga matext lang sa umaga ng good morning, o kaya sa gabi ng good night, sweet dreams ay nagsisimula na umasa. Eh, siya pa ba'ng nakakangkang na?

"Aminin mo man sa sarili mo or not, you're starting to make asa na. And I really can't blame you.." May nanunuksong ngiti sa labi ni Alicia. "I think he's really great in bed."

Tumikwas ang kilay ni Jeasabelle. "Huwag mo sabihin na pinagnanasahan mo na rin si Danrick."

"Selos ka naman agad?"

"Winawarningan lang kita," aniya at umirap.

Napahalakhak ang kaibigan. "Tulad niyan, nakakaramdam ka na agad ng possessiveness at pagseselos. Te, te, iayon ang pagseselos sa label ng relationship n'yo."

"Ayun na nga, eh. No label!"

"At dahil walang label, wala rin magseselos. Walang magiging clingy and possessive."

Parang may bumara sa lalamunan niya. Nag-iwas siya ng tingin.

"But don't worry, wiz ko type ang spanish hunk mong jowa-jowaan. Hindi ko pagnanasaan ang kinakangkang ng friends ko, like oh my ghad, that's just the rules of feminism."

Jowa-jowaan. Ang sarap pakinggan.

Bigla siyang napangiti.

"Ay, hala, kinilig ang gaga. Huy, wag kang umasa." Binato siya nito ng towel nito.

"Pag ngumiti, kinikilig agad? Hindi pwedeng naalala ko na may magkikita kami mamaya?"

"Ayan, 'yang kalantudan mo na 'yan ang magdadala sa 'yo sa heartbreak. Gurl, iwasan mo minsan na maalala siya. Sa isang araw, dapat bigyan mo lang siya ng kaunting espasyo sa isip mo."

"Paanong hindi ko siya maiisip? Siya pinag-uusapan natin."

"Eh, kahit pigilan mo na lang kiligin."

"Ang selfish mo naman. Siya na lang nagpapakilig sa 'kin, pipigilan ko pa." Sumimangot siya at inabot ang mineral water niya. Mabilis na uminom siya.

"O sige, tutal mukhang alam mo rin naman na masasaktan ka in the end, itodo mo na 'yang kagagahan mo. Sabi nga nila, hindi man kayo ang itinadhana. Ang mahalaga natikman niyo ang isa't isa."

May punto doon si Alicia. Hindi naman sa pagiging nega. Alam niya kung ano lang ang magiging role niya sa buhay ni Danrick. Kumbaga kung nasa isang romance novel sila ni Danrick---isama na ang dyosang ex nito. Ang role niya lang ay ex-flings ng binata. 'Yong naging pampalipas oras lang nito habang hindi pa dito nakikipagbalikan si Gianna. Siya 'yong kawawang bad warmer na wala namang ginagawang panggugulo sa dalawang bida at ang naging ganap lang ay bed warmer ng hero, pero naging tampulan agad ng hate ng mga mambabasa.

How kawawa.

"Jeasabelle!" Napalingon siya sa pagtawag sa kanya ni Cathy. Tulad niya, nakapang-gym attire ito. At mukhang kagagaling sa ground floor ang babae.

"Bakit?"

"May naghahanap sa 'yo sa baba."

Napakunot-noo siya. "Sino?"

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Where stories live. Discover now