Chapter Twenty Three

472K 10.7K 2K
                                    

ANG PAG-IBIG ay parang isang laro. Kung gusto niyang manalo sa isang laro, kailangan niyang sumugal. She need to take a risk. Kahit masaktan man siya sa gagawing pagsugal.. Ang mahalaga sinubukan niya.

Kaya sumugal siya. Sumugal siya kahit alam niya kung ano ang magiging resulta.

Tumanggi si Danrick.

As expected.

Magiging ipokrita siya kung sasabihin niya na hindi siya nadismaya. Kahit ang totoo medyo umasa siya na papayag ang binata sa kondisyon niya. Nakumpirma niya ang hinala. She just wanted to test him. Di siya nagkamali.

He just like sex with her. Wala ng iba. Hindi talaga nito balak na seryosohin siya. At hindi na rin niya ipipilit ang sarili.

He don't want her to be his girlfriend? Fine! Hindi siya iiyak sa isang tabi porke tinanggihan siya nito.

Tumunog ang cellphone ni Jeasabelle. Sinilip niya iyon.

It was him.

Ano na naman ba ang gusto nito? Pang-ilang beses na ba niyang dine-declined ang tawag nito? Konti na lang maisasama na niya ang number nito sa blacklist niya.

"Sino 'yon, madam?" Magkapanabay na pag-uusisa pa ni Duketa at Erika. Napansin na marahil ng dalawang bakla ang maya't mayang pagpatay niya sa tawag ng caller niya.

Umiling siya. "Wala 'yon. Stalker ko lang. Alam nyo naman ang maganda."

Nag-ring ulit ang phone niya. Shutangina Danrick! Gusto na niyang mapatili. Pinatay ulit niya iyon. Isa pang tawag nito, ib-block na niya ito. Nagawa nga niyang I-block ang lalaki sa instagram at facebook niya. Hindi lang niya magawa itong maiblock dahil doon niya ito pwede macontact na hindi gumagamit ng wifi.

"Mukhang patay na patay sa ganda mo ang stalker, madam, ah."

"I know right? I mean, maganda ako. It's not my problem na nahuhumaling sila sa' kin."
"Ganda, madam! How to be you ba?"

"How to be me? Maging maganda ka lang, Duketa."

Nagtawanan ang dalawa.

Kumunot-noo siya nang may pumasok na text. Galing iyon kay Alicia.

Gurl, u free right now? Tara coffee tayo. Sa Majubabes.

Sumagot agad siya. Sure. Si Cathy?

Kasama ko na ang bruha. Punta ka na dito. Asap.

Will be there agad.

Nagmamadaling dinampot niya ang bag. "Mga baks, out muna ako," mabilis na paalam niya sa dalawa at dali-daling lumabas. Wala pang sampung minuto ay nasa Majubabes Cafe na siya. Nakita agad niya si Alicia. She approached her.

"Hey," napakunot-noo siya nang mapansin na wala si Cathy. "Nasan ang bruha?"

"Nasa rest room lang," sagot nito. Hinila niya ang isang upuan at umupo. Tumayo naman si Alicia. "O, saan ka pupunta?"

Ngumisi ang kaibigan. "Susundan ko lang si Cathy. Baka umiitlog na ng ginto ang gaga kaya nagtagal."

"Bruha ka. Sige, bilisan mo." natawa na hinayaan niya ang ito na sundan ang kaibigan.

Pagkaalis ng babae, saka lang niya napansin ang pumasok na text message galing kay Danrick.

You can't avoid me forever.

Forever? Wow. Coming from this man talaga, ha? Anong alam nito sa forever?

Agad agad na binura niya ang text na 'yon, at nagdesisyon nang I-block ang number nito.

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Where stories live. Discover now