Chapter Forty Three

337K 9K 1.4K
                                    


 IBA ANG ama ng dinadala ni Gianna. Iba rin ang lalaking pakakasalan nito. Naalala niya ang mga sinabi ni Danrick na hindi ito ang ama ng bata. Pero pinipili niyang paniwalaan ito kasi nagdududa siya. Hindi niya pinakinggan ito dahil mas naniniwala siya sa napakinggan sa usapan ng mga magulang nito.

Mas pinakinggan niya ang sakit na nanaig sa kanya kaya hindi siya nito masisisi kung maging bingi siya sa mga panunuyo nito sa kanya.

Nilulon ni Jeasabelle ang tensyon na pilit kumakain sa kanya. Pagkatapos nilang mag-usap ng Tita Berto niya, mas pinili niya ang mapag-isa. Wala muna siyang gustong makausap.

Ngayon na alam niya kung anong totoo, ano na nga ba ang desisyon niya? She really don't know.

Nakaabot agad sa mga kaibigan niya ang balita nang araw din na 'yon. Pinuntahan siya ng mga ito kinagabihan sa bahay. May dala-dalang mga foods at softdrinks.

"Anong meron?" tanong niya sa mga lukaret ng bumungad ang mga ito sa kanya sa pinto pa lang. Nagbabalak na siyang matulog kung di lang nagtext sa kanya si Alicia para pagbuksan ang mga 'to.

"Wala lang. Bakit, may dapat ba tayong i-celebrate?" Nagniningning ang mga mata nito na parang nakakita ng ginto sa mukha niya.

Tiningnan din niya ang ibang kaibigan. Pawang nakatingin sa kanya at nakikita kita niya ang heart heart sa mata ng mga leche.

"Walang I-ce-celebrate. Single pa rin ako ngayon."

"Okay 'yan! Baka huling gabi mo ng single ngayon," sabi ni Cathy. "Tara, girls, pasok tayo sa baler ni ati girl."

Napamaang siya. Halos lahat ng malalapit na kaibigan nila sa Big Beauties nandun. Kahit ang pamintadang si Vin at si Teddy, aba.. Anong ginagawa ng mga ito?

Tumingin siya kay Cathy. Nagkibit balikat lang ang kaibigan. Kagulo agad ang majujubis sa bahay. Kanya-kanyang pagpwesto sa sofa at nagbuhay agad ng TV. Ang iba nasa kusina tulad ni Alicia at Cathy.

"'Yong totoo, ano 'to guys?"

"Wala. Binibisita ka lang namin. Sabi ng Tita Berta mo, you need some counseling. Kaya nandito kami."

"Si Tita Berta?" Sinasabi na nga ba. Kaya nakaabot agad sa mga kaibigan niya ang balita. "At sinabi niyang need ko ng counseling? Seriously?"

"Seriously."

"Ano na ba balak mo, bes? Papahirapan mo pa rin? Aba maawa ka na dun sa tao.." sabi ni Cathy.

Napabuga siya ng hangin. "Hindi ko siya pinapahirapan. Pinahirapan niya sarili niya. Di ko naman hininga sa kanya 'yun ah?" defensive na sabi niya.

Lumawak ang ngiti ng dalawa sa kanya at napakunot-noo siya.

"Eh, kasi nga mahal ka. Kung hindi ka mahal, tingin mo pagtya-tyagaan ka suyuin ng two months?"

Bakit may feeling siya na all this time team Danrick pa rin 'tong mga kaibigan niya? Kaya ba ayaw ng mga ito kay Gab? Hmp.

Napairap siya. "Dapat lang 'yun na mahirapan siya. Di naman siya nanligaw sa akin noon ah?"

"Di manliligaw na ngayon," sagot ng nasa likod niya.

"Dapat lang talaga--" Napatigil siya at nanlaki ang matang napalingon. Wala siyang kamalay-malay nasa likuran na niya ang pinag-uusapan nila!

"Hi." He smiled at her. Iyong ngiting nakakapagpanginig sa tuhod niya.

"A-Anong ginagawa mo dito?" nauutal na tanong niya. Ngumiti lang ito, then he smiled nervously. Lumipat ang tingin nito sa dalawang nasa likuran niya.

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora