Chapter Twenty One

450K 8.9K 1.5K
                                    

🔞

HINDI na pinaghandaan pa ni Jeasabelle ang pagsugod niya kay Danrick. Plinantsa lang niya ang mahabang buhok at naglagay ng light make up. And then she wear her favorite scoop neck body-hugging mini tank top dress. Litaw na litaw doon ang malusog na cleavage niya.

Kung may parte ng katawan na gustong-gusto niya, iyon ay ang dibdib niya. Sabi nga ni Alicia, she has the boobs of a p*rn star.

Well, she's confident with her boob size. Kahit na hindi maiwasan umalog niyon kapag naglalakad siya with her heels.

Mapang-akit na ngumiti si Jeasabelle sa lalaking nakasalubong niya. Bakas sa mukha nito ang paghanga. Senswal na nagtaas-baba ang kilay nito habang pinapasadahan siya ng tingin.

Sumipol ito at may pagnanasang tumingin sa malulusog na dibdib niya.

"Perv," usal niya at lumagpas lang. Gwapo ang lalaki at matikas rin ang pangangatawan. But she's not an easy type of woman. Hindi lang sunggab ng sunggab pag may gwapo. Isa lang naman ang kibabaliwan nya na nagreresulta ng kalandian at kagagahan niya.

Si Danilo Ricardo Hidalgo.

At ang lalaking iyon nga ang siyang pakay niya sa building na pag-aari nito.

Hinarang siya ng isang maliit na babae ng akmang susugudin na niya ang office nito. "Ma'am, bawal po kayo sa loob."

Mamalditahan na sana niya ang babae kung hindi lang niya narealize na secretary ito ni Danrick.

"Oh." Matamis na ngumiti siya dito. "I'm sorry, but I have a very important appointment with Mr. Hidalgo today. Can you check the---"

"Ma'am, sorry pero wala kayo sa list ng appointment niya today. Hindi kayo kasama sa sched niya."

Bwisit na babae 'to. Ipinamumukha ba nito sa kanyang walang time sa kanya si Danrick?

Tumikwas ang kilay niya. "Are you sure? Just check the---"

Ngumiti ang babae. Magalang. "Na-check ko na po, ma'am--"

"Just call me Miss J." Kanina pa siya naririndi sa pagtawag nitong ma'am.

"Miss J, bumalik na lang kayo sa ibang araw. May importante kasing ginagawa si Sir Danrick sa loob at yong mga kasama niya.."

Napatiim-bagang siya. Parang nagdidilim ang paningin ni Jeasabelle.

Importanteng ginagawa? O baka naman may mga ibang babae na tinatrabaho ang lalaki sa loob ng opisina nito. Lumitaw agad sa isip niya ang tatlong babae na tumatrabaho sa mala-adonis na katawan ng binata. Mga walang saplot at nagpapakasasa sa init.

Wala siyang karapatan na magselos. Wala dapat siya pakialam kung may iba itong kasama, at kung anong maaaring ginagawa nito sa loob.

It's his body, his d*ck and his life.

But right now, she really need to talk to him. At walang makakapigil sa kanya.

Nagtitimpi na humugot ng hangin si Jeasabelle. Matigas ang mukhang hinarap ang babae. "Wag kang mag-alala. Hindi naman ako makakagulo sa kanila."

"Pero kasi, Miss J--"

"Hindi ako gagawa ng eksena, kung 'yon ang inaalala mo."

Nilagpasan niya ito at hindi nagpapigil sa sekretarya. Pinihit niya ang doorknob at marahas na binuksan.

May napaubo sa loob sa pagpasok niya. Namilog ang mata niya sa tumambad sa kanya. Hindi tulad ng iniisip niya, walang ginagawang kababalaghan si Danrick.

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Where stories live. Discover now