Chapter Nine

478K 9.4K 852
                                    

 "I KNOW what you're thinking right now." Saglit na inalis ni Danrick ang tingin sa daan at tinapunan siya ng tingin. "You're probably thinking I'm the biggest jerk on earth."

Itinikwas niya ang kilay. "Noong isang araw ko pa napag-isipan 'yan. You are a certified jerk and that's not even a question."

He let out a delicious chuckle. "I know. But hey, i'm not proud of it."

"Talaga ba?"

Tumango ito. Bumalik ang katahimikan sa pagitan nila. It was good to know he was not proud of it. Doon pa lang malalaman niya na kahit unti may alam din ito na magpahalaga sa nararamdaman ng iba.

"Then why me?"

"Why not you?"

"C'mon Danrick, we both know you're not into woman like me. Sinabi mo rin 'yon noong gabing nilapitan kita. Naalala ko pa nga ang eksaktong sinabi mo. You said you're not into fat woman. So, why me?"

"Fishing for compliments?"

"Definitely no."

"Then, why are you asking?"

Parang gusto ng lumipad ng mata ng dalaga sa pagkakairap. "Ang daming tanong. Fine, wag mo na sagutin."

Hindi nakaligtas sa kanya ang pagngisi nito. Inasahan niya na sasagutin nito ang tanong niya. Pero hindi pa rin. Tinanong lang kung saan siya ibababa.

"Idaan mo na lang ako sa may building ng BBC. Alam mo naman siguro 'yon di ba?"

"Kapag pupunta ko ng gym, nadadaanan ko 'yon. You're still a member?"

"Oo. Hindi mo ba 'yong mga kasama ko sa bar?"

"Pamilyar lang ako sa mga mukha nila. Pero hindi ko sila personal na nakakasalamuha."

"Snabero ka naman talaga kasi sa matataba eh."

He chuckled. "Wait, wait. Hindi ko lang sila nakakasalumuha. Wala naman akong natatandaan na naging snabero ako----"

"Mister! Excuse me, ako ang buhay na patunay na snabero ka noh!" Pinandilatan niya ito. Ang lakas ng tawa nito.

"Okay, guilty na ako."

"Snabero ka, iyon ang totoo."

"Oo na nga. Did you really have to rub it in my face?"

Ngumuso siya. Iba ang dating ng tawa ni Danrick. Hindi lang iyon buhay na buhay. Napakaswabe pa. Brusko at lalaking-lalaki. Iyong uri ng tawa na nakakapagpagising ng kiliti sa patay na sistema.

"Ilang taon ka na bang member ng BBC?" kapagkuwan ay tanong nito.

"Two years na rin. Sabay pa kami nung isa kong kaibigan na si Alicia na nagpa-member doon."

"Ah, I see. BBC talaga tawag sa samahan nyo?"

Napakunot-noo si Jeasabelle. "Yes? Because BBC stands for Big Beauties Club.. Why are you grinning like that?"

"Wala naman." Kita niya ang kapilyuhang nagkaukit sa mapang-akit nitong labi. Doon lang niya narealize kung bakit ganoon na lang ito makangiti.

Nag-init ang pisngi niya.

"Omg. Ang bastos mo."

"Why? I'm not saying anything!" Namimilyo rin ang kinang sa mga mata nito. At kahit sa daan iyon nakatingin, tila nababasa niya kung ano ang kapilyuhang lumalangoy sa isip nito.

"Oo, wala ka ngang sinasabi. Pero gets ko kung anong iniisip mo!"

"Mahalaga hindi ko naman sinabi kung anong iniisip ko, di ba? BBC is a cool name anyway. I like it." Pagkatapos ay tumawa ito. Nakakaloko.

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Where stories live. Discover now