Chapter Thirty Eight

367K 8.4K 1.8K
                                    


🍒

 WALA ito sa plano ni Jeasabelle. Hindi rin niya napigilan ang sarili. Dapat magpapa-hard to get siya. Pero hindi siguro niya forte iyon. Hindi niya kayang tanggihan si Danrick.. Hindi niya makuhang magalit dito ng matagal. At nakakainis ang feeling na 'yon. Isang kalabit lang sa kanya nito at 'yun bubuka na siya.

Nakakainis. Pero hindi siya nagsisisi. Wala siyang nararamdaman na ganoon. Eh, ginusto naman niya.

Martir na kung martir. Gaga na kung gaga. Siguro, ganoon lang talaga kapag nagmamahal ka. Kapag nagmahal ka, parang nag-purchase ka ng isang item kung saan freebie ang pagpapakatanga, at ang pagiging marupok ang pinaka-special freebie.

And that's why she can't blame herself.

Malalim na bumuntong-hininga siya. Nandoon siya sa terrace at nag-iisip isip. Wala talaga sa plano niya ang mag-sex sila ni Danrick ngayon.

Tumingala siya sa maningning na mga bituin sa langit. Hindi niya mapigilang isipin. Nakikita kaya ng mudra at pudra ang mga kagagahan niya ngayon?

Eeew, no, no.

Ayaw niyang isipin na pinapanood siya ng mga ito. Baka bumangon ang mga 'yun sa hukay dahil sa mga pinaggagawa niya.

"Belle," tawag ni Danrick. Marahang nilingon niya ang lalaki.

Niyakap siya nito pagkalapit. Ipinulupot sa beywang niya ang braso at hinalikan ang hubad na balikat niya.

"What are you still doing here? Baka lamigin ka."

Naka-night gown lang siya at manipis ang tela niyon. Malamig nga ang gabi ngunit hindi niya iyon nararamdaman. Parang may apoy na naglalagablab sa kaibuturan niya sa tuwing magkalapit sila ni Danrick. At pinapawi ng init na iyon ang anumang pag-aalinlangan niya dito.

"Nagpapaantok lang ako. Ikaw, bakit di ka pa matulog?"

"Hinihintay lang kita." Kumunot ang noo nito." Parang ang lalim ng iniisip natin ah.. What is it?"

Umiling siya. "Wala 'yon. Nagpapaantok lang talaga ako."

"Liar. Kanina pa kita pinagmamasdan. Kulang ang mga daliri ko kung bibilangin ko ang bilang ng buntong-hininga mo."

"Ay, naku, wag ka mag-alala. Sapat naman sa 'kin ang dalawang daliri mo para mapaligaya ako."

Natatawang isinubsob nito ang mukha sa leeg niya. "You're crazy."

"Matagal na. Ngayon mo lang nalaman?"

"Don't change the topic. What are you thinking about?" tanong nito. Napansin nga talaga nito ang malalim na pag-iisip niya kanina.

"I'm just thinking about us.. Naisip ko lang kung paano tayo nagkakilala and everything that happened. I realized masyado tayong naging mabilis. With our relationship. Wala pa pala tayong one month.. And that I realized, ni hindi pala natin napag-uusapan si Gianna and your relationship with her."

Agad niyang naramdaman ang tensyon sa katawan nito.

"Anong gusto mong sabihin? She's just part of the past."

"And you still love her."

"Not anymore."

Hindi siya nagsalita. Pinanatili lang niya ang kalmadong ekspresyon habang nakatitig sa kawalan. Ngunit tila nararamdaman nito ang pagkabalisa niya.

"Is that what you're thinking about? Iyon pa rin ba iniisip mo?"

"It's hard not to think about her. Mas lalong mahirap dahil may ebidensyang nagpapaalala sa 'kin na hindi dapat ako makampante."

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Where stories live. Discover now