Chapter Thirty Three

368K 9.3K 1.6K
                                    

💘

 HOW DARE HIM? Siya pa talaga ang aakusahan nito na may iba, ha? Siya pa talaga? Ang sakit sakit na nga ng puson niya. Hindi pa siya nakakapanghalian. Tapos aakusahan pa siya nitong may ibang kasama sa bahay niya?

Inis na tinadyakan ni Jeasabelle ang mga unan sa paanan niya. Kung makapang-akusa ang bwisit na 'yon, akala mo naman syinota na siya nito!

Eh, sa pagkakatanda niya wala namang sila! Tapos ito pa talaga ang may ganang magselos. Ito pa ang may ganang maghinala na may iba---

Natigilan ang dalaga, at napakurap sa pagdaan ng realisasyon. No, it can't be.

Si Danrick, nagseselos?

 She shook her head. Ano ngayon kung nagseselos ito? Dapat ba niyang ikatuwa na inakusahan siya nito na may kinakalantaring iba?

Lumipad ang tingin niya sa pinto. May narinig siyang ingay mula sa baba.

Si Danrick?

Mali. Kanina pang umalis ang lalaki. Narinig pa niya ang pagharurot ng kotse nito paalis.

Ang Tita Berto na niya 'yon. Tamang-tama lang ang dating nito kung kelan kumakalam na rin ang sikmura niya.

Lumabas siya ng kwarto para lang matagpuan si Danrick na nagluluto sa kusina niya. Nalaglag ang panga niya.

Napalingon ito sa kanya at tinapunan siya ng matamis na ngiti. "Oh, hey. Eksakto lang ang baba mo. Patapos na 'tong niluluto. Nagugutom ka na ba?"

Umarko ang kilay niya. "Sinabi ko kanina na umalis ka na. Ayaw kitang makita. Kaya anong ginagawa mo dito?"

Tila wala itong narinig. Lumapit pa ito at niyakap siya.

"Ano ba, Danrick!" Inilapat niya ang kamay sa dibdib ng lalaki para itulak ito. "Hindi ako nakikipaglandian sa 'yo. Galit ako!"

"Tingin ng galit?"

She glared at him. Amuse na ngumiti ang binata at pinatakan siya ng ngiti sa labi. Parang bahagyang napawi ang galit niya sa ginawa nito. Banayad na sinapo nito ang mukha niya.

"Babe.." Hinuli ng binata ang mga mata niya.

She cocked an eyebrow at him. "Ano?"

"Sorry na. I know my mistake, and I'm really sorry. Hindi lang agad ako nakapag-isip ng tama."

Itinulak niya ito at pinandilatan.

"At kaya pinag-isipan mo agad ako ng masama? Ako pa talaga, ha? Sa ating dalawa, tingin mo ako pa ang makakagawa nun?"

"That's why I'm sorry."

"Sorry mo mukha mo!" At maarteng tinalikuran ito.

Akala ba nito ay makukuha agad siya nito sa sorry?

Buong araw na hindi niya ito inimikan. Pero kahit dedma niya 'to, hindi niya dinedma ang niluto nito. Hindi na rin yata ito pumasok sa opisina. Hanggang sa dumilim na ay naroon pa rin ang lalaki at hindi umaalis sa bahay niya.

Maya't maya nitong tinatanong kung okay lang daw ba siya. Kung ano ang masakit sa kanya. Kung anong gusto niya at ibibigay nito.

Sa ibang pagkakataon, kikiligin siya sa mga ginagawa nito sa kanya. Pero hindi sa pagkakataon na iyon.


 "WHERE are you going?" tanong ni Danrick nang tumayo siya mula sa sofa.

"Punta ko ng hell. Sama ka?" pagtataray niya. Itinikom nito ang bibig, parang nagpipigil na matawa. Inirapan lang niya ito at nagtungo sa banyo para magpalit.

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz