II

45K 1.2K 295
                                    

Chapter 2.

NAKASIMAGOT ako habang pinapanood ang tatay kong panot sa pagsimsim sa mainit niyang kape. Here we go again. Narito na naman ako para pilitin siyang payagan na akong tumira sa condo unit. I hate here. Bukod sa ako lang palagi ang tao dito, hindi pa ako pwedeng magdala ng lalaki dito. My gosh, ang beauty ko nasasayang!

“Freya Cybel, how many times do I need to tell you na hindi kita papayagan sa gusto mo?”

“How many times do I need to tell you din ‘Pa na afford ko namang bumili ng condo unit. I don't need your money, duh! Approval lang ang kailangan ko.” mataray na sagot ko.

“Saan galing ang pera mo? Hindi ba’t sa akin din? Should I close all your bank accounts?”

Nanlaki ang mga mata ko. Grabe! Na-stress ako sa tatay kong panot na ‘to! Hindi ako natutuwa! He has a point. Marami akong pera pero lahat nang iyon ay galing din sa kaniya.

“Mag-aasawa na ako kapag hindi mo pa rin ako pinayagang magkaroon ng condo unit ‘Pa!”

He laughed. “Go on, anak. It would be better. Gusto ko na rin namang magka-apo.”

I rolled my eyes. Seriously!? It is so hard to please him! “Magsu-suicide ako!” sigaw ko pa.

“Do it, at hindi mo na mararanasang magkaroon ng condo unit.”

Oo nga ‘no, but... “What the hell, Papa?! Argh!Kung ayaw mong pumayag, then huwag! Magdadala talaga ako ng lalaki dito sa mansyon!”

“Whatever, my hard-headed daughter. Do as you please.”

Nagmartsa ako palabas ng library niya. Stress na nga ako, mas na-stress pa akong lalo! Ugh! I hate my father! Why can't he just give me what I want? Nakakainis!

Pumasok ako sa kwarto ko saka kinuha ang sling bag ko containing my wallet and phone. Pupunta nalang ako kay biatch.

Nakakainggit dahil buti pa siya, may sariling condo and she’s now an independent woman. Samantalang ako... hay naku! Panot na nga ang Papa ko, gusto ko pa siyang kalbuhin!

Pagkakuha ng gamit ko ay bumaba na ako saka dumiretso sa garage kung saan naka-park ang kotse ko. Sumakay ako saka huminga ng malalim.

Baliktad kami ni biatch.

Kulang siya sa atensyon ng mga magulang niya, and with that, she can do what she wants. Samantalang ako, sobra sobrang atensyon ang binibigay sa akin ng parents ko specially my father, but with that, pakiramdam ko ay hindi ako malaya at dependent ako sa kanila. Si biatch, gustong gusto niyang makuha ang atensyon ng parents niya, samantalang ako, gustong gusto ko yung ganoon na walang pakialam sa kaniya ang parents. Bakit hindi nalang kasi kami nagkapalit ng parents ‘di ba? Ugh.

Pinaandar ko na ang kotse ko. Kalalabas ko palang sa gate namin ay tumunog na ang cellphone ko. I looked at it. And in instant, nawala ang inis ko at napalitan ng kilig.

Kese, enebe tenetewegen neye eke.

Tumikhim ako saka sinagot ang tawag na iyon. “Yes, hello? Kenshin?” ang lakas ng tibok ng puso ko.

He called me! Bakit kaya? Kasi namiss niya ako? Or kaya baka gusto niya akong makita? Hay, ang beauty ko talaga, lakas!

"Sorry, Frey. Nagkamali ako ng pindot." Sagot niya sa kabilang linya.

Naningkit ang mga mata ko. "Nagkamali? Paano ka nagkamali? Sino ba dapat ang tatawagan mo? Kalapit ba 'yan ng pangalan ko, aber?"

Tumawa siya. My gosh! Tumawa siya at ang gwapo ng boses.

TWO FACEWhere stories live. Discover now