VIII

33.4K 1.1K 353
                                    

Chapter 8.

LALO na talaga akong na-fall kay Kenshin. Wala na talagang makakapigil sa akin. I want him! At syempre napansin kong close siya sa Dad niya so may naisip akong plano. Kailangang ligawan ko din ang Dad niya na si Tito Ken para naman hindi siya maging hadlang sa pagmamahalan namin. Tapos syempre para boto din siya sa akin kapag ikinasal na kami ni Kenshin.

Hay, ang sarap isipin.

Talagang mag-e-effort ako ng bongga para ma-achieve ang goal ko. Ang makuha si Kenshin Sarmiento.

Narito kami sa bar ni biatch. Nasa VIP table kami kasi naman bonding namin 'to with his boyfie na si Duke tapos kasama din ang mahilig sa boobs na si Drake lalo na ang bebe ko. Kaso wala pa sila kaya boring!

Kuminang bigla ang mga mata ko nang nakita kong nag iikot ikot sa mga table ang tatay ni Kenshin!

"Biatch ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Cherrypink but I didnt answer her.

Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa.

"Kailangan niyo po ba ng taga-luto sa bahay niyo?" Tanong ko kay Ken Sarmiento.

Walang hiya hiya 'to! Push na push!

"Hindi, iha." Sagot ng tatay ni Kenshin.

"E, taga laba po?"

"Hindi rin."

"Taga linis ng bahay?"

"Hindi."

"Taga-dilig ng mga halaman?"

"Wala kaming halaman."

"How about, taga plantsa ng mga damit?"

"Hindi."

"Taga paypay?"

"May aircon kami."

Ano pa bang pwedeng trabaho na i-apply ko sa kanila?

"Taga-igib ng tubig?"

"May gripo kami."

"Taga ligo po kaya kay Kenshin?"

Napansin kong biglang nanlaki ang mga mata niya at pinandilatan ako. Pero hindi sya nakakatakot.

"Iha, mawalang galang na pero may gusto ka ba kay sperm?"

"Sperm?" Tanong ko.

Sino namam si sperm? Alangan namang 'yung sperm ni Tito Ken like duh!

"Ah, ang ibig kong sabihin ay si Kenshin. May gusto ka ba sa anak ko?"

Oh my! Tinatanong niya ako! Pagkakataon ko na ba 'to? Baka boto na siya agad sa akin?

"Opo. Gustung-gusto ko po talaga si Kenshin. At... at..."

Natigil ang pagsasalita ko nang biglang inilabas ni Tito Ken ang phone niya saka may tinawagan. Kumunot naman ang noo ko.

"Hello, yes. Protect sperm squad, I need complete security for my son. Yeah... alright."

Security? Wait, what?

"Iha, pasensya ka na pero bata pa ang anak ko. Hindi pa siya pwedeng ligawan."

What the hell? Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaction ko sa sinabi ng tatay ni Kenshin pero ibig ba niyang sabihin, ayaw niya ako para kay Kensh?!

"Dad!"

Nakakunot pa rin ang noo ko nang mapatingin ako kay Kensh na palapit sa table namin.

Bakit ganito ang Dad niya?

TWO FACEWhere stories live. Discover now