VII

37.2K 1.1K 401
                                    

Chapter 7.

ANG aga aga pero niyaya ko si biatch na magkita kami sa isang cafe. Paano naman kasi, ang aga agad din kanina, wala akong magawa kaya naisipan kong tawagan iyong lalaking nanguha ng chicken ko kahapon sa mcdo since naitago ko naman 'yong calling card niya.

Biniro ko siya. I told him na padalahan niya ako ng breakfast with flowers and teddy bear and chocolates and everything! Biniro ko lang siya kasi wala nga akong magawa.

And to my surprise, ilang oras lang ang lumipas ay dumating na delivery guy sa bahay. May dala lang namang breakfast ko from one of I think italian restaurant, malaking teddy bear, bouquet of red roses, one basket of chocolates at ang nakakaloka, may isang sakong bigas pa. Like what the hell, right?!

Tunawag pa siya at tinanong ako kung nagustuhan ko ba or kulang pa ba iyong pinadala niya? My gosh!

I never, as in never kong na-experience ang ganoon! I never imagine that someone would make such an effort to me like that!

Kaya nga kinikilig ako. Akalain ko ba namang sa mcdo ko pa yata mahahanap ang fore---wait, no! So Kenshin kaya ang forever ko.

"Biatch!"

Tumingin ako sa gawi ni Cherrypink. She's blooming ha! Ikaw ba naman ang may Duke Palermo na kalandian e, ewan ko nalang kung hindi ka maging blooming.

"Buti nakarating ka biatch? Wala kayong date ng jowakers kuno mo?"

She smiled and sat on the chair. "Wala 'no! Saka pumupunta naman siya sa unit ko kapag gabi."

"Wow! So you mean, sinuko mo na ang perlas ng sinilangan? Like, seriously?"

"Hindi pa rin! Ano ka ba! Sa tingin mo pwede naming gawin iyon?"

"Ay oo nga pala, duguan ka nga pala. Ewww! Pero I'm sure, biatch hindi na makapag antay ang Palermo na iyon para makuha ka."

Ngumiti siya. "I don't mind as long as he gave me the partnership that I needed!"

"Grabe ka, biatch! Ang swerte ng pamilya mo aa 'yo, ha! You'll do everything for them. Samantalang ako, wala! Nga nga! Kaya siguro hindi ako hinigyan ng problem ni God sa family ko kasi sa lovelife ako magkaka-problema. Look at me, jusko! Halos ibigay ko na lahat kay Kensh, pero napakamanhid niya!"

Tumawa lang siya.

"At ikaw biatch, kaya siguro ganyan ka kamalas sa family mo kasi swerte ka naman sa lovelife. Kitang kita naman kay Palermo na 'yon na patay na patay na siya agad sa 'yo. Lakas ng kamandag, girl!"

"Baliw. Anyway, bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"

"Kasi nga, about doon sa guy na nameet ko sa mcdo kahapon...."

Knwento ko sa kaniya ang nangyari sa mcdo kahapon at tawa siya ng tawa.

"Hindi ko kinakaya 'yan, biatch! Ang sweet niyo naman pala. Sharing of food pa kayo sa mcdo. Akala ko, iyong mga nagmo-moveon lang ang tunatambay dun, pero sa 'yo, iba! Nakita mo yata ang forever mo dun!"

"No! As in no way! Si Kensh ang forever ko 'no!"

"Asang asa ka talaga kay Kenshin e, kaya ka nasasaktan. Alam mo kasi biatch, kapag nakita mo naman na ayaw sa 'yo, huwag mo nang ipilit pa."

"No biatch!" Sabi ko. "Hindi ganyan ang mindset ko! Kapag ayaw sa akin, ipipilit ko pa rin ang sarili ko hanggang sa bumigay siya!"

Napailing nalang si biatch sa akin.

"So eto nga, biniro ko lang talaga iyong lalaki na iyon kanina through call pero ginawa niya ang gusto ko. Akalain ko bang papadalhan niya talaga ako ng mga gusto ko! Naloka lang talaga ako dun sa bigas."

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon