X

34.6K 1.1K 211
                                    

Chapter 10.

NAKAKAINIS. Palagi nalang ako binibitin ni Kensh! Alam niyo 'yong feeling na andun na e, jusme, init na init ka na tapos handa ka nang ibigay ang pearly shells mo sa kaniya tapos yayayain ka na niya sa hotel, tapos ano?! Tapos matutulog lang pala siya do'n?!

Ang malupit pa, nagpahatid lang siya sa akin. Hindi niya talaga ako pinatulog kasama niya dahil strict daw ang Dad niya. Bwisit!

Kaya umuwi akong luhaan kagabi. Kaloka! Hindi ko alam kung ano ba talagang meron sa bebe ko. Alam kong may kakaiba sa kaniya pero hindi ko gustong i-open sa kaniya kasi baka ma-offend siya? Like tatanungin ko siya...

Kensh, abnormal ka ba?

Kensh, galing ka ba sa mental?

Kensh, umamin ka, mapagpanggap ka ano?

Mga ganyang tanong na alam kong baka ma-offend siya kaya huwag ko nalang tanungin. Ang mahalaga, iyong pagpapapansin ko sa kaniya!

Jusko, lahat ng pagpapapansin kaya kong gawin para kay Kensh. Siya na talaga ang para sa akin. Nagkakwentuhan pa nga kami ni biatch kahapon e. Tapos iniisip ko na kung ano bang size ng banana ni Kensh. Small? Medium? Large? Or XXL? Na-excite naman ako bigla.

Kahapon ay nagpost din ako ng picture ng cleavage ko saka iti-nag si Kenshin and after a minute, nag-status siya ng Damn it. E'di kilig na naman ang Lola niyo! Syemore alam kong ako talaga ang nakakapagpamura sa bebe ko e. Iba ang kamandag ko.

"Freya Cybel sabi ng mga katulong, palagi kang wala dito sa mansyon. Ano ka ba naman, anak? Ikaw na nga lang ang naiiwan dito sa bahay, palagi ka pang wala."

Hay naku si Papa.

"Palagi ka din naman wakang dito sa mansyon, Papa pero pinagalitan ba kita?"

Pinandilatan niya ako ng mata. "Freya Cybel, umayos ka kung ayaw mong i-confiscate ko ang mga cards mo."

I rolled my eyes. "Sige, Papa. Try it. But I'll make sure uuwi akong buntis na walang ama."

"Anong sabi mo?!"

Ang lakas ng sigaw, nakakabingi!

"Saka tina-trabaho ko ang lovelife ko so chill ka lang, 'Pa."

"Anong lovelife? Ikaw ba na bata ka, may boyfriend na?"

"Duh, magiging boyfriend palang. Huwag excited, 'Pa."

"Freya Cybel!"

Nilampasan ko na si Papa. Bakit kasi palaging full name ang pagtawag sa akin. Hay naku!

Sumakay ako ng kotse ko. Gala nalang ako kay biatch at chichika. Saka wala din naman kaaing magawa sa mansyon.

Tama naman si Papa. Ako nalang ang naiiwan, iyon na nga e. Mag isa ako. Para akong loner kaya mas gugustuhin ko pang umaalis nalang din palagi.

Nagsimula na akong mag-drive nang tumunog ang phone ko.

It's Kenshin! Miss na niya ako for sure. Lakas talaga ng charm ko e. Siguro nagsisi siya na hindi niya ako pinatulog kasama niya sa hotel. E'di sana, malapit na akong mabuntis 'di ba.

I accepted the call saka isinuot sa kanan kong tainga ang headset ko.

"Yes, hello?"

Hindi siya nagsalita. Kumunot ang noo ko.

"Kenshin?"

Hindi pa rin siya nagsalita.

"Hoy Kensh, ano, na-inlove ka na talaga sa boses ko kaya hindi ka makapagsalita 'no?"

TWO FACEWhere stories live. Discover now