V

39.4K 1.1K 583
                                    

Chapter 5

KENSHIN

TAIMTIM akong nananalangin kay God. Narito ako sa simbahan dahil sunday ngayon at may bible studies pa ako. Patapos na ang misa at si Dad, hindi na mapakali dahil naiihi na siya.

"Humayo kayo..."

Tapos na rin ang misa. Pupunta pa ako sa bi le study ko kay Pastor.

"Dad, punta na ako kay Pastor." Paalam ko.

Kumunot ang noo ko dahil nagbe-breakdance si Dad. Wala namang dance contest dito.

"Sige sperm, hindi ko na talaga natiis itong ihi ko. Hindi ako pwedeng basta umihi kung saan saan. Okay lang kung sa makantong mukha ni Kit but that's a no no dahil nasa simbahan tayo."

"Dami mo pang sinabi, Dad. Pumunta ka na kaya sa CR. Doon sa gilid ng simbahan." Sabi ko. "Maiwan na kita Dad. Hinihintay na ako ni Pastor."

Bahala na si Dad dun. Malaki na siya kaya alam na naman niya siguro kung paano pumuntang CR. May signage naman dun.

Pumunta ako sa kapilya ni Pastor kung saan kami nagba-bible study. Sinalubong niya agad ako dahil ako ang pinaka-paborito niyang bata dahil pinagpala ako ng lahat. Hindi lang ako pinagpala ni God, pinagpala din ako ni Dad.

"Kenshin, iho, maaga ka ngayon." Sabi niya.

"Hindi pa kasi gabi, Pastor. Hehe." Sagot ko.

"Susmaryosep kang bata ka."

Favorite line ni Pastor 'yan. "Ah, Pastor, hihingi po sana ako ng holy water mamaya."

"Saan mo gagamitin, iho?"

"Ibubuhos ko po sa kaibigan kong si Drake Hong dahil kailangan niya ng pagbabago. At tangong holy water lang ang sagot."

"Walang sagot... sa tanong..."

Kumanta pa si Pastor. "Pastor naman, pwese po ba?"

"Isama mo kaya 'yang kaibigan mo sa bible studies natin?"

Umiling ako. "Mahihiya ang simbahan sa kaibigan ko, Pastor. Kahit ipako natin siya sa krus, ganoon na talaga siya."

Ngumiti si Pastor. "Namimiss mo na siguro ang kaibigan mong si Jaxson. Noong mga bata kayo, palagi kayong narito. Hinahatid pa kayo ng mga ama niyo."

Naalala ko si brother. Si Jaxson Abellano. Anak ni Tito James---kaibigan ni Dad. Bata palang kami, brother na kami dito sa church. Hindi ko nga siya pinapakilala dati kina Duke at Drake dahil mahahawaan siya ng bad spirits.

"Busy siya sa US, Pastor. Pero sigurado ako na kapag umuwi na ulit siya dito sa Pilipinas, muli siyang mananalig sa iyo, Pastor."

Ngumiti si Pastor. "Oo nga pala, may bago kayong church mate. Gusto daw niyang makinig sa mga salita ng Diyos. Ipapakilala ko siya sa 'yo dahil ikaw ang team leader ng batch niyo."

Sino naman kaya iyong bago? Sana hindi ka-ugali ni Frey. Nagpapahawak ng boobs iyon e. Bawal 'yon sa simbahan.

"Kenshin, ito si Chirae. Bago mong church mate."

Tumingin ako sa babaeng ipinakilala ni Pastor. Sa tatlong segundo... kabisado ko na ang mukha niya.

Syempre tiningnan ko siya e. Matatandaan ko talaga.

"Hello, Kenshin. Ako si Chirae Pangilinan." Pakilala niya.

Inilahad niya ang kamay niya kaya nakipa-shake hands ako. "Nice to meet you. Kenshin Sarmiento." Sabi ko.

"Wala pa siyang kakilala rito, Kenshin kaya kausapin mo muna siya habang hindi pa nagsisimula ang bible study natin." Sabi ni Pastor saka iniwan kami.

TWO FACEWhere stories live. Discover now