IV

39.3K 1.2K 431
                                    

Chapter 4

NAKAKABITTER jusko! Iyong si biatch wala na, nilamon na ni Duke Palermo. Hay, kahit alam kong hindi naman siya seryoso kay Duke e swerte pa rin niya 'no! Paano naman kasi, halatang halata na patay na patay 'yung lalaking iyon sa kaniya. Tuwang tuwa pa ang gago na sila na ni biatch, akala niya yata may forever sila. Duh! Kung alam niya lang!

"Frey bakit ba narito ka lagi? Wala ka bang trabaho o pinagkakaabalahan?"

"Meron. Pagpapapansin sa iyo ang pinagkakaabalahan ko kaya narito ako lagi e." Prankang sahot ko kay Kenshin.

Totoo naman kasi. Gabi gabi akong narito sa Hashtag Bar para syempre, makita siya. Yee!

"E wala naman akong pakialam sa pagpapapansin mo e."

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi pa ba ako masasanay sa lalaking mukhang itlog na 'to? E jusko? Halos lagi niya akong binabara e. Lakas mang-realtalk. Pasalamat siya, na-love at first sight talaga ako sa kaniya. At hinding hindi ako susuko hangga't ma-fall siya sa akin.

"E'di wala!" Pagsusungit ko. "Huwag mo nga akong kausapin. Galit ako sa 'yo."

"Wow, Frey ang ganda mo. Ikaw pa nagalit sa akin."

"Maganda ako! Sexy ako! Okay?!" Sigaw ko.

"Hala, Frey. Huwag ka nang sumigaw dito. Nakakahiya sa ibang customer. Buti sana kung totoo iyong sinisigaw mo e. Kaso hindi naman."

"Argh! Nakakainis ka talaga!" Nagpapapadyak pa ako.

Tumawa lang siya saka ako iniwan dito sa mesa ko. Bwisit talaga lalaki 'yon! Kelan ba ako matu-turn-off sa kaniya?

Hay, kelan kaya magiging makulay ang lovelife ko tulad ng kay biatch? Well, kahit naman niloloko lang ni biatch si Duke, ang sarap pa din kaya sa feeling na may jowa ka. Tapos ang sweet sweet pang boyfriend ni Duke.

"Yo, Frey."

Nakatingin ako kay Drake na kadarating lang. Umupo siya sa katapat ko saka tumawag ng waiter.

"O, bakit dito ka umuupo?" Pagsusungit ko.

"Ikaw bakit flat ka?" Natatawang sabi niya.

"Arghhh! Manang mana ka talaga sa kaibigan mo! Saka excuse me hindi ako flat 'no! Mukha ka lang talaga boobs." Sabi ko saka tjnungga ang beer ko.

Tumawa lang siya. "Magpasalamat ka sa akin because I joined you. Ypu can ask me anything about Kenshin."

Bigla akong nabuhayan ng loob. Kumislap ang mga mata ko at ngumiti kay Drake. "Alam mo, Drake tama lang na dito ka makijoin sa akin kasi ang laki naman ng space e. I don't mind."

"Lmao."

Lumapit ang waiter dala ang order ni Drake. Hindi ko din talaga maintindihan ang isang 'to. Napaka-playboy niya, malandi kung malandi tapos ang kaibigan niyang si Duke, saktong playboy lang kaso si Kenshin saksakan naman ng banal. Iniisip ko kung paano sila naging magkakaibigan.

At may isa pa akong gustong malaman e. "Drake pwedeng magtanong?"

"Anything." Sagot niya.

"Lagi kong naririnig sa 'yo ang lmao. Every reaction, palaging lmao ang sinasabi mo. Ano ba 'yon? Para ka kasong pusang ngumingiyaw e."

Humagalpak siya ng tawa. "What the fuck? Lmao."

"O kita mo na!"

"Lmao. Laughing my ass out. Expression ko lang 'yan. Kapag narinig mo akong nagsabi niyang, ibig sabihin, hindi maipaliwanag ang reaction ko. Either natatawa ako o hindi makapaniwala."

TWO FACEWhere stories live. Discover now