XXXVIII

20.3K 566 99
                                    

Chapter 38

ANG TANGA tanga ko rin para kalimutan na kumustahin iyong lakad ni Kensh noon sa Japan. That time na maging okay na ukit kami, hindi man lang sumagi sa isip ko na baka may pinagdadaanan siya.

Paano ko nga ba kasi maiisip 'yon kung pinapakita naman ni Kenshin na okay siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang alam kung okay ba talaga siya o may dinaramdam siya.

Dinala ko ang juice kay Kenshin na tahimik na nakaupo sa sofa. Inuwi ko siya dito sa condo para naman mahimasmasan siya.

"Kensh, inom ka munang juice."

"Alak ang gusto ko, Frey."

Napalunok ako. Ang seryoso ng koya niyo. Huminga ako ng malalim saka inabot ang cellphone ko sa mesa.

"Tatawagan ko si Drake. Magpapabili ako sa kaniya." Sabi ko saka nagdial ng number ni Drake.

Parang batang nakanguso si Kensh. Ang cute niya. Gusto ko siyang kurutin sa pisngi but this is not the time. Alam kong mabigat ang nararamdaman niya.

"Drake, bili ka ng maraming alak ha? Kenshin is not okay so huwag ka na magtanong. Basta bumili ka na lang. Pumunta ka na rin dito sa condo ngayon din. We'll wait."

"Lmao."

I rolled my eyes and ended the call. Nasaan kaya si biatch? Wala siya dito sa condo.

"Papunta na si Drake dito. Sa ngayon, inumin mo muna 'tong juice."

"No."

Okay, okay.

"So... care to share?" Sabi ko.

Ayoko siyang biglain sa pagkkwento sa akin pero ayoko rin naman na sarilinin niya iyong bigat ng pakiramdam niya. Iba pa rin iyong kahit papaano mabawasan iyong bigat.

"No."

I tried to be calm. Alam kong nag-a-attitude si Kensh dahil nagkasagutan sila ng Dad niya.

"Pero Kensh, I want to know. Sorry kung ngayon lang ako nagtanong about it. Hindi ko man lang naisip na tanungin 'yan noong nagka-ayos na tayo. Kaya pala sabi mk that time, ang dami mong kwento sa akin."

"Iyong mama ko..."

Parang may kumislot sa puso ko.

"Wala na..."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Kensh..."

"All my life, akala ko wala akong mama. Wala akong kaalam alam na naging yaya ko pa siya noomg bata ako. Paano nagawa sa akin ni Dad iyon? Paano niya nagawang ilihim hanggang sa mawala ang mama ko? Hindi ko alam kung nagkaroon ba ng pagkakataon na tinawag ko siyang mama ko. Hindi ko matandaan kung naging salbaheng bata ba ako sa kanya noon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang naramdaman na siya ang mama ko..." he cried in pain.

"Kensh..."

Hinawakan ko ang mga kamay niya. Kitang kita ko sa mga mata niya iyong sakit.

"Masaya ako na... na nakasama ko ang mama ko pero ang masakit... nakasama ko siya bilang yaya ko at hindi bilang mama ko. Bakit..."

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. This is the first time I saw him in pain. Ngayon ko lang nakita iyong iyak niya na kitang kita aa mga mata niya na ang daming pagsisisi.

"Sana man lang nagkaroon ng pagkakataon na kumain kami, natulog, namasyal, nagkwentuhan, nagkulitan bilang mama at anak. Pero hindi... hindi... at kahit anong gawin ko, hindi ko na mararanasan pa iyon."

Niyakap ko siya. Humagulhol siya habang nakayakap sa akin.

Hindi ako close sa mama ko because she's busy with her career and business abroad. Ni hindi ko nga siya hinahanap. We don't even communicate. Minsan na minsan lang. But I am still lucky that she's alive. Anytime, pwede ko siyang kausapin at makita pero si Kenshin, masakit talaga na alam mo sa sarili mo na wala ka nang magagawa pa.

TWO FACEWhere stories live. Discover now