XX

37.8K 1.5K 1K
                                    

Chapter 20.

MASAYA ako na makitang maayos ang kalagayan ngayon ni biatch. Alam kong tinatago niya lang sa sarili niya pero nasasaktan siya dahil nga sa nangyari between her and her family. I hate them, seriously!

"Tinawagan mo na ba sina Kenshin at Drake, biatch?" Tanong niya. May hawak siyang glass of milk.

Umiling ako. "Ikaw nalang, biatch. Wala akong load."

"Bruha ka, naka plan ka!"

"I mean, walang battery. Dead batt."

Kakaiba ang tingin ni biatch sa akin. "Nag-away ba kayo ni Kenshin?"

"Huh? Bakit naman kami mag aaway? Ano, mag-jowa lang?"

"Hindi ba? Pero naglalandian kayo."

"Duh! Biatch naman! Grabe ka naman!"

"Anong grabe? Mas grabe kayo maglandian. Ikaw ha, hindi porke may ganito akong pinagdadaanan, hindi ko na napapansin ang nangyayari sa buhay mo." Sabi niya saka sinenyasan ako na may tatawagan siya.

Baka tatawagan na niya iyong dalawang itlog. Bahala sila diyan! Hindi na ako tulad dati na excited kapag makikita ko si Kensh iyong tipong natatanggal ang garter ng panty ko. Never again!

Hinayaan ko lang siyang kausapin kung sino mang kausap niya. Nagyaya kasi si biatch na magbonding daw kami kasi last week pa yata iyong last time na nagbond kami, iyong bago ako ayain ni Kenshin sa hotel---kung saan nasaktan lang ako.

Teka nga, makakasama ko na naman pala siya. Tapos ano, paaasahin na naman niya ba ako?

I looked at my phone. May text messages ako. I checked it one by one.

From: SSS
Are you free, cybel? I'll treat you to a dinner.

Better luck next time. Hindi naman kasi ako pwedeng tumakas ngayon dahil baka magtampo si biatch. And besides, kailangan niya talaga kami ngayon.

Nakakatuwa lang na kahit nasuntok si shingshangshung ni Kensh last time, hindi siya nagalit. Hindi ko tuloy alam kung paano ako makakabawi. Kasalanan ko kasi. Pero mas kasalanan ni Kenshin dahil bigla nalang siyang sumulpot sa bar na iyon! Kaya nga hindi ako doon sa bar nila ay para maiwasan siya pero ang ending, wala nakita pa rin niya ako.

Iisipin ko na talaga na may nararamdaman siya sa akin e.

But hell no! Bawal na akong mag-assume!

I typed a message to shingshangshung. Sana ay magreply siya.

"Biatch, papunta na raw sina Drake at Kensh. Tinawagan kosi Drake e. Magkasama pala sila sa Hashtag bar. May inom na nga raw si Kenshin."

I rolled my eyes. "Then?"

"Ikaw biatch, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Umamin ka nga, may nangyari ba sa inyo sa hotel?"

"Wala 'no! I'm still virgin!" Sabi ko.

Ayoko na kasing ipalam kay biatch kung gaano ako nasaktan kay Kensh. Ayokong dunagdag pa iyon sa mga iniisip niya.

"Anyway, pwede ko bang yayain ang boyfriend ko?" Tanong ko.

Muntik nang maibuga sa akin ni biatch ang gatas na iniinom niya. "What the hell? May boyfriend ka?!" Gulat na gulat siya.

Kahit ako ay nagulat sa reaksyon niya e. Well, I just sent him a message kung pwede siyang pumunta rito sa bagong unit ni biatch---which is unit before ni Drake to join us. And I also asked him to be my boyfriend tonight dahil kay Kenshin. Alam naman niya ang sitwasyon ko e.

TWO FACEOnde histórias criam vida. Descubra agora