III

39.8K 1.3K 580
                                    

Chapter 3.

NAKABUSANGOT ang mukha ko ngayon. Well, kahit yata sumimangot ako or ano pa, maganda pa din ako. Ugh, nakakasawa din minsang maging maganda kasi you know, lapitin ng boys.

Isang oras na yata ako dito sa Hashtag bar pero hindi ko pa nakikita ang anino ng future boyfriend ko. Saan naman kaya 'yun nagpunta? E sa pagkakaalam ko, tumutulong iyon dito sa pagma-manage ng bar ng Dad niya.

Hindi kaya... may girlfriend na siya? No! As in no, hindi ako papayag! Ako lang ang pwede niyang maging girlfriend! Ako lang.

"Excuse me! Another margarita please?" Sabi ko sa waiter.

Malalasing nako mamaya wala pa din si Kenshin. Kaya lang naman ako tumatambay dito ngayon ay dahil sa kaniya. So hindi ako aalis hangga't hindi ko siya nakikita.

Lumapit na ang waiter saka inilapag sa mesa ko ang margarita. Sumimsim ako bago muling iniikot ang mga mata ko sa paligid.

Kenshin, kenshin, kenshin where art thou?

Namilog at nangislap ang mga mata ko nang sa wakas ay masilayan ko si Kenshin. Pwet palang, alam kong siya na iyon. Ugh, sexy ass. Gusto kong kurutin! Achuchuchu!

Kinuha ko agad ang phone ko na nakapatong sa mesa ko saka tinawagan si Kenshin. Syempre, alangan namang sumigaw ako. Ang layo layo niya. Malapit siya sa may entrance at may kausap siyang... babae? No!

Nakatingin ako sa gawi niya habang hinihintay ko siyang sagutin ang tawag ko.

"Hello? Bakit napatawag ka, Frey?"

"Well, narito lang naman ako sa bar niyo. I just want to ask you if you can join me kasi mag-isa lang ako. I can't disturb biatch kasi alam mo na, may Duke siya. So kasalanan ng kaibigan mo! Kaya ikaw ang magpunan!"

"Wow, Frey ang sama naman ng ugali mo. Kasalanan pala ni Duke e. Edi siya ang yayain mo."

I rolled my eyes. "Stop that crap, Kenshin. Just join me, please?"

"Busy ako. Wala ako sa bar."

Sumimangot ako. Kahit nakatalikod siya sa gawi ko, kilalang kilala ko na siya. Sinungaling!

"I can see you." I sighed. "Alam mo, pwet mo palang kilala ko na e. Kaya kahit pa nakatalikod ka kilala kita." Sabi ko.

"What? Ang bastos mo naman, Frey. Inaano ka ng pwet ko?"

"Inaakit ako ng pwet mo, okay?" I said in sarcastic voice. "Sige na, Kenshin. Join me?"

I jeard him sigh. "Fine. Oo na, Frey. Nasaan ka banda?"

Napangiti ako. I got him! Kukurutin ko talaga ang pwet niya. Kagigil!

"I'm here sa medyo pa-dulo. You can see me naman agad kasi nangingibabaw ang ganda ko."

Nakita ko siyang humarap sa gawi ko.

"Yeah, I saw you. Nangingibabaw ang baba mo. Kumikinang."

Nanlaki ang mga mata ko. "What did you say?!"

Tumawa siya. "Wala, wala. Pupuntahan na kita. I'll hang up."

End tone na ang narinig ko at nakita ko siyang naglalakad na palapit aa gawi ko.

Parang biglang may tumugtog na love song tapos nagsha-shine siya. OMG, how could he manage to be that handsome?! Kahit mukha siyang inosente, ang lakas lakas ng dating niya.

Napainom ako ng margarita saka muling tumingin sa gawi niya.

"Frey, bakit naman ganyan ang suot mo?"

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon