XII

34.1K 1K 252
                                    

Chapter 12.

KAPAG talaga gusto mo ang isang tao, kahit nasaktan nila tayo, isang salita lang nila, isang pagpapaawa, wala na, bumibigay agad tayo na para bang hindi nila tayo nasaktan. Marupok talaga ako e.

Wala naman talaga akong balak na pansinin pa si Kenshin dahil sa pinaramdam niya sa akin pero hindi ko na naman aiya natiis.

Kahapon, nagpunta ako sa unit ni biatch kaso dahil nga nagkaayos na sila ngboyfriend niyang si Duke, andoon sila. Pati si Kenshin.

Hindi ko nga siya pinansin kaya I felt proud. Tapos sakto pang tumawag si shingshangshung at niyaya niya akong makipagdate. Oo naman agad ako, syempre! Nilakasan ko talaga ang boses ko habang kausap si shingshangshung sa phone para marinig ni Kenshin, para mapakita ko sa kaniyang hindi lang siya ang lalaki sa mundo.

Naiinis ako sa kaniya dahil nasasaktan niya ako.

Pero ayun nga, paalis na sana ako ng unit ni biatch pero biglang nagsalita naman si Kenshin at sinabi niyanh nakita na daw niya yata ang nanay niya. E'di syempre ako, lumambot na naman ako puso ko kasi naawa ako kay Kensh.

He grew up without his mother. Kaya nang marinig ko iyon, I stayed. Tinanong namin siya and he explained it. May nakita daw siyang picture ng babae sa closet ng tatay niya at sa tingin niya, iyon ang nanay niya. Nakakatuwa nga na bumalik na naman ang squad namin kahapon. We were happy drinking and talking. Pinag usapan din namin kung paano hahanapin ang nanay ni Kenshin.

I'm on my way to Hashtag Bar para tumambay. Of course, balik sa dating gawi because we're okay now.

Tumunog ang phone ko. It's Kenshin. Nakakapanibago na tinatawagan niya ako. Na-realize ba niya na possible na mapunta sa ibang lalaki ang atensyon ko?

"Yes, Kensh?"

"Nasaan ka, Frey? Magkasama kami ni Drake dito sa unit namin. Do you want to join?"

Nag-heart ang mga mata ko. Of course naman! First time kong makakapunta kina Kensh at iyong mga ganyabg inaaya na niya ako sa bahay nila, baka kasi gusto na niyang ipakita lahat lahat ng about sa kaniya kasi pakakasalanan niya ako in the future? Hays, eto na naman ako sa kilig.

"Sure, Kensh! Bakit pala sa unit niyo? How about biatc and Duke?" I asked.

"Sabi ni Drake, busy daw sila kaya huwag na natin silang isali sa meeting."

Kumunot ang noo ko. "Anong meeting?"

"Nakita na namin sa facebook ang nanay ko... yata."

Nanlaki ang mga mata ko. "Alright. I'll be there. Text me your address so I could put it on my GPS."

"Sige, Frey. Malapit lang ito mula sa Hashtag Bar. Send ko sa 'yo ang address."

I ended the call. Itinigil ko muna sa gilid ang kotse ko. Nakakatuwa lang kasi iyong sakitna nararamdaman ko last time dahil sa sinabi ni Kensh, bigla nalang nawala.

Tumunog ang phone ko. Message from Kenshin. Iyong address nila. Itinype ko iyong sa GPS ko then I started driving again.

Nakakatawa nga kasi noong isang araw lang, sinabihan kong tanga si biatch dahil pinatawad niya agad si Duke. Pero ganoon din pala ako. Isa din akong tanga na pinansin lang ni Kenshin, wala na. Nawawalang bigla iyong inis at galit sa puso ko.

Malapit nga lang pala 'to sa Hashtag bar. Itinigil ko ang kotse ko sa gilid ng daan saka bumaba. Pumasok ako sa building at naroon na si Kenshin, hinihintay ako.

Enebe! Kenekeleg ne nemen eke!

"Frey! Tara sa taas." Sabi niya.

Huhu I feel so harassed. Feeling ko inaaya niya akong magkemberlu kami sa unit nila. Ano ba 'tong naiisip ko, gosh!

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon