VI

35.1K 1.1K 415
                                    

Chapter 6

KUMAKAIN ako sa mcdo nang may lumapit sa akin. Nag-angat ako ng tingin.

"Hi, Miss."

Oh my. Ang gwapo niya! Kaloka! Nilapitan niya ako kasi nagagandahan siya sa akin. I know right!

"Yes?"

"Pwede ba akong maki-share ng table? Puno na kasi at wala ng bakante."

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. "Uh, okay? Sure."

Mukha namang natuwa siya at umupo agad sa upuan sa harap ko. Inilapag niya ang pagkain niya. Chicken with rice.

Hay nako, kailangan ko tuloy magpa-demure sa pagkain kasi baka tingnan niya ako.

Tahimik lang kami. Abala naman siya sa phone niya habang kumaian siya. Hindi man lang ako tingnan! My gosh!

Hanggang sa...

"Uh, excuse me? 'Yung chicken ko 'yung kinakain mo."

"Oh damn! Sorry. I mean... damn nakakahiya."

Hindi ko alam kung mate-turnoff ba ako. Kasi naman! Kumakain, sa cellphone nakatingin! I hate drugs! Huhu nasupsop ko pa naman na iyong chicken ko like... indirect kiss kami! Hindi niya alam, natikman na niya ang laway ko. Gosh!

Ibabalik pa sana niya sa plate ko ang chicken pero pinigilan ko na siya.

"No, sa iyo nalang 'yan. Patapos na din naman ako." Pagsisinungaling ko. Punyeta favorite ko pa naman ang chicken!

"Sorry talaga, miss. Hindi ko napansin. I will buy you one bucket of chicken as a return."

Namilog ang mga mata ko. But no, turn off na ako sa kaniya. "Nope, it's really fine."

Iinom na sana ako ng coke ko but... punyeta?

"Coke ko 'yan. Sprite 'yung sa iyo oh." Turo ko sa basong nakapatong sa kanang side niya.

"Damn it! Akala ko coke 'yung akin---"

"It's really fine." I faked a smile. "Got to go."

"Pero miss..."

Nginitian ko nalang siya saka tinalikuran. How dare him! Tuwang tuwa pa ako na naki-share siya sa akin ng table tapos gano'n? Bwisit!

"Miss!"

Lumingon ako at nakita ko ang lalaking naki-share ng table sa akin. Hinabol pala niya ako palabas.

"Okay nga la---"

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang lumuhod habang binibigay sa akin ang isang papel.

What is this?

Kinuha ko ang papel. Ang akward lang kasi bakit kailangan pa niyang lumuhod! Nakakahiya sa mga tao sa paligid. Akala yata nila nagpo-propose 'to e!

Pagtingin ko sa papel ay calling card pala niya iyon.

"Ano 'to?"

"Please call me anytime. I'll help you in anything. I promise! Hindi ko lang kayang palampasin 'to dahil nakakahiya iyong ginawa ko, miss."

Natawa nalang ako. May mga nakapalibot na tuloy sa amin kasi akala yata talaga nila nagpopropose 'tong lalaking 'to!

"Say yes!" Sigaw ng crowd.

Tumingin ako sa lalaking mukha namang sincere. "Please? You'll call me right?"

Tumango nalang ako para matapos na. "Okay, yes!"

Naghiyawan ang crowd. My gosh! Nakakakilig sana kung totoo lang na may magpo-propose sa akin pero asa pa ako! Mas mauuna pa yatang pakasalan ni Kenshin ang mga itlog niya kesa sa akin!

TWO FACEOn viuen les histories. Descobreix ara