FLORENCE AND LAURY

130K 3.7K 810
                                    

Teaser

One message received

from +639569xxxxxx
Hi Fleri! I'm Florence ng section  2. Gusto ko lang sabihin sayo na crush kita. ^^

Halos tumalon na ako sa kilig dahil sa natanggap kong message. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at ilang beses na sumigaw.

Mula Grade 7 ay crush ko na si Florence. Naging makulay ang highschool life ko dahil sa kanya. Halos mawalan na ako ng hangin sa kasisigaw bago ko inalis ang unan sa mukha at muling tiningnan ang text message niya.

Mama! Ngayon lang yata naging ganito kaganda ang gabi ko. Muli akong sumigaw at nagpagulong-gulong sa kama na tila bulateng nilagyan ng asin. Best night ever!!!

Pero shit...

Hindi nga pala ako si Fleri.

#

Tammibell's Note:

AVOID READING COMMENTS UPANG HINDI MA-SPOIL. THANKS

FLORENCE AND LAURY (Completed)Where stories live. Discover now