CHAPTER 1

87K 2.8K 1.7K
                                    

Chapter 1

"Selfie!" masiglang sabi ni Fleri. Click! Click! Click. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kuha niyang larawan. "Look Laury, oh."

I pouted as I watch her open her Facebook app and post the 3 selfies she made. Duh, pareparehas lang naman ang posing niya, bakit kailangang 'yong tatlo pa?

Fleri Danica Abelarde is feeling stressed at school.

Iyon ang caption na nilagay niya bago pinindot ang 'post.' Napangiwi ako. "Seriously, Fler? Second week of school tapos feeling stressed agad?"

"Oh, bakit? Hindi ko naman sinabing sa school works ako nai-stress, ah?" palusot niya. "Nandito lang talaga ako sa school."

Fleri is my classmate since Grade 7 at hanggang ngayong Grade 10 na kami ay magkaklase pa rin kami. She's very pretty at palagi siyang pambato ng school sa tuwing may beauty pageant sa school. Tall, skinny and just enough wit to place at least 4th runner up.

"Fleri, may nagpapabigay sa 'yo," iniabot ng kaklase naming si Jo ang isang sulat. Maarteng tinanggap naman iyon ni Fleri.

Binuksan niya iyon at napangiti siya saglit pero agad ding sumimangot. "Nakakainis naman, eh!"

"Oh bakit, kay Alden na naman?" tanong ko at kinuha ang papel mula sa kanya.

Hi Miss Beatifl. The day is so wonderfl and that's becase of yo.

Did I miss something? Oh, I missed U.

I cringed. Ew. Cringey. Very cringey. Corny. Muling hinablot ni Fleri ang papel mula sa akin.

"Wala pa rin ba kayong development?" tanong ko. Despite Alden's cringey gestures of showing his love (ew) to Fleri, Fleri likes him. Pakipot lamang ng konti si Fler.

"Not unless magbago siya ng istilo," maktol niya. "Laury, letters and random notes like this is so old-fashioned! Ang gusto ko ay 'yong ipo-post niya sa Facebook with a long, sweet message! Or sa twitter. Or kahit sa IG stories niya tapos ita-tag ako but look?! Paper?"

"Ano ka ba, mas romantic kaya 'yan!"

Fleri frowned. "Not my type. Kahit type ko si Alden, hindi ko type ang pinaggagagawa niya."

"That is effort."

"This is corny," kontra niya sa sinabi ko. "Napag-iiwanan ba ng panahon si Alden ko?"

"Ganito lang talaga ang gusto niya," sagot ko. If I'm Fleri, I would have already swooned with these gestures of Alden lalo na kung crush ko rin siya. I only find it cringey because it wasn't for me.

"Ganyan ba ang gusto mo?" tanong ni Fleri at umupo sa harap mo. "Laury, hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung sino ang crush mo."

I looked away. There's no way I will tell her about my long time crush, Florence Beryll Ignacio.

Tall...

Dark...

Handsome...

Medyo malaki nga lang ang mga mata niya pero sa katunayan ay iyon ang asset niya.

And knowing Fleri, aasarin lang niya ako kapag nalaman niyang crush ko si Florence.

"Wala nga kasi akong crush," deny ko. As much as possible, deny to death ako. Madaldal pa naman si Fleri, paano kung ibulgar niya ang sikreto kong ilang taon kong iningat-ingatan?!

"Ows? Imposible. Lahat ng babae nagkaka-crush kahit anime character, oppa or whatever!" sabi niya. "So sino nga?"

"Wala nga."

FLORENCE AND LAURY (Completed)Where stories live. Discover now