CHAPTER 16

36.7K 1.8K 746
                                    

Chapter 16

The night went smoothly. Kumain kami, pinanuod ang mga bituin sa langit and we're lucky to see a falling star.

My phone's notified that I received a message kaya agad ko iyong binasa.

Ate Sha:
Laury dont subo hahahaha

I just rolled my eyes at tinago ang cellphone ko sa bulsa. Florence and I walked hand in hand at the shore, naghabulan ng nakayapak at nangako ng kung anu-ano sa isa't-isa.

I didn't want this moment to end but unfortunately, it has too. Baka lagot ako kay Papa kapag wala pa ako sa bahay nang bandang alas dyes o di kaya pinakamatagal ay alas onse. At quarter to ten na ngayon.

"Uwi na tayo," yaya ko kay Florence at hindi naman siya nagreklamo. Niligpit namin ang kalat at pinasuot niya sa akin ang kanyang jacket kung nasaan ang kanyang cellphone at wallet.

"Daan muna tayo sa gas station ah?" sabi niya sa akin habang pinapaandar ang motor. I just nodded and hugged him at the back as he drives.

Nang makarating kami sa gas station ay bumaba ako at tumayo sa gilid.

"Babe, pakuha naman ng 200 sa wallet ko," sabi niya at dahil nasa bulsa naman ng jacket na suot ko ang wallet niya ay hindi na ako tumanggi. I don't want to touch his personal things like wallet and phone but since he's the one who asked me to do so, sumunod na rin ako.

I can't help but smile knowing that he trust me this much kahit na isang buwan pa lang kami. My smile faded when I opened his wallet and saw a blue pack labelled Durex Extra Safe along with his bills.

Parang pumait ang lasa ng laway ko at nabalot ako ng inis. Don't tell me...

I closed his wallet at lumapit sa kanya, slamming his wallet on his open palm. Alam kong wala na akong kangiti-ngiti sa mga sandaling ito, contrary to what my expression was before I open his damn wallet. His forehead wrinkled bago kumuha ng pera at nagbayad.

"Laury."

Hindi ko siya pinansin at nakahalukipkip na hinintay na sumakay siya sa motor niya.

"Babe, halika na."

Gusto ko nang maglakad na lamang pauwi pero 'wag rito. Ayaw kong gumawa ng eksena sa gas station. Padabog na sumampa ako sa likuran niya at naupo sa dulo.

"Move closer, baka mahulog ka," sabi niya at nagtatakang tiningnan ako.

"No, okay lang."

"Move Laury."

Dahil nga ayaw kong mag-eskandalo sa gasoline station, I moved closer pero tiniyak kong may distansya sa pagitan ko at ng likod niya. He drove his motorcycle away at hindi pa kami masyadong nakakalayo ay nagsalita ako.

"Stop on the side," sabi ko at nagtataka man ay huminto siya at nilingon ako.

"Bakit?"

Bumaba ako at hinubad ang jacket niya at iniabot iyon sa kanya. Mas lalo lamang kumunot ang noo niya at tila naguguluhan. "What's wrong?"

"Wala. Wag mo na akong ihatid, magta-taxi na lang ako mula rito," sagot ko sa kanya at tinalikuran siya. I walked away and stood on the side at naghanap ng dadaan na taxi.

Hininto niya ang makina at lumapit sa akin. "Laury, what's wrong?"

"Wala," matabang kong sagot.

"Wala nga, tangena mo!"

"Laury!"

I walked away again ngunit sumunod ulit siya. Naiinis ako! Sobrang inis ko kasi kilig na kilig ako kanina tapos biglang ganoon? Balak nga yata niya akong tirahin, bwiset! Thank you highwaist short! Ikaw na ang paborito kong short mula ngayon.

FLORENCE AND LAURY (Completed)Where stories live. Discover now