CHAPTER 15

45.7K 1.9K 861
                                    

Chapter 15

“Florence Beryll Ignacio in his three points shooooot! Ayon homerun!” nakakalokong sabi ni XO nang makita akong naglakad sa gilid ng court. Florence passed the ball to Catch na na-catch naman nito.

“Catch, catch!”

“Ano na Florence kay Abella ka ba magsho-shoot?” tanong ni Catch at agad siyang tumawa nang tiningnan ko siya nang masama. Parehas silang napahagikhik ni XO samantalang nabwiset naman ako sa kanila.

“Hi babe,” bati ni Florence nang makalapit siya sa akin.

I rolled my eyes jokingly. “Babe ka diyan, hindi ako baboy.”

Tumawa siya at nagpunas ng bimpo sa mukha. Peste ang gwapo ng boyfriend ko kahit pawis na pawis. Hindi pa mabaho, amoy baby! “Edi baby.”

“Baby daw, aanakan mo lang yata ako eh.”

“Tsk,” he pouted at hinila ako papunta sa bleachers. “Magaling ka lang sa emoji eh.”

“Bakit ka naglalaro?” tanong ko at inilibot ang paningin sa paligid ng court. May mga babaeng nanunod kahit na wala namang game, laro-laro lang nilang tatlo. “Tapos naka-jersey ka pa.”

“Oh bakit? Ano ba dapat suot ko, pajama?”

I looked away in irritation. This is so childish of me but legit, naiinis ako sa mga babaeng nakatingin sa kanya at sa kilikili nya na exposed na exposed sa suot na jersey. Buti na lang may sando siya sa ilalim kasi mahabaging langit, if wala, kitang-kita ang nipple niya baka makurot ko siya!

“’Yong kilikili mo!”

Pinahid niya ng bimpo ang kilikili at inamoy. “Mabango naman ah.” muntik na akong mapasigaw nang inilapit niya sa mukha ko ang bimpong ipinahid sa kilikili pero tangena, totoong mabango talaga!

“Eeh! Kadiri ah!” Tinulak ko ang kamay niya palayo at umusog. “Ang ibig kong sabihin nakikita nila ang kilikili mo.” Shit, this is me venting over underarm exposure. Am I weird? But seriously, I hate it. Ang gwapo kasi ng kilikili niya, my kilikili cannot relate.

“Gusto mo ring magkabuhok sa kilikili?” biro niya.

I pouted and looked away but he moved closer to me at isiniksik ang ulo sa leeg ko. Pucha, hindi naman nakakakilig eh! Hindi talaga.

“Happy monthsary,” bati niya at shit nanginig ang fallopian tube ko.

Florence and I have been together for a month. Ang bilis lang ng panahon. ‘yong crush ko noon, tangena jowa ko na ngayon. Tapos monthsary pa namin. Florence has been a good boyfriend-- contrary to what the rumors say na fuckboy siya, ganito, ganyan.

Isang buwan na kami ngunit hindi pa niya ako kini-kiss sa lips. Pucha, hindi naman ako bad breath at ayaw ko rin namang gumawa ng hakbang para mangyari iyon. He usually pinched my lips though at kinakagat iyon.

Pero ‘yong halik na halik?

Wala, none, never, nada.

Minsan iniisip ko na lang na baka ayaw lang niyang eskandalo kami masyado. Saan naman kami magki-kiss? Doon sa hagdan sa school? Sa gate ng subdivision kung saan matanglawin ang guard? Patay ako kay Papa ‘pag ganoon.

Mula rin kasi nang maging kami, I seldom go out at night with him. Hindi na kami bumalik sa rooftop ng school niya dati at kahit sa palyground na malapit sa kanila. Tangena ayaw kong madevirginize sa rooftop or sa playground!

Madalas lang kaming nagcha-cahat, nagte-text o di kaya ay nagvi-video call. Kahit halos araw-araw naman kaming magkita sa school, we still wanted to see each other kaya madalas kaming nagvi-video call.

FLORENCE AND LAURY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon