CHAPTER 7

42.4K 2.2K 362
                                    

Chapter 7

"Where the hell can we find a damn piglet?" frustrated na tanong ni Florence at tinadyakan ang haligi ng mall.

Dahil pabida ako at nagvolunteer na tutulungan siya kay Fleri, heto ako ngayon at kasama niya. Pucha, sadista yata ako. Bakit gustong-gusto kong saktan ang sarili ko?! I can see him getting annoyed because he can't find something that Fleri wants!

"How rare is that damn pig?"

I rolled my eyes as I listened to his rant. Kawawa naman si Piglet, ilang beses na niyang minura eh wala naman itong ginagawa sa kanya.

"Ewan." Florence makiramdam ka! Ibig sabihin no'n, hindi kayo itinadhana ni Fleri. Hindi!

"Fine then."

I raised a brow. "Fine what?"

Huminga siya nang malalim at hinubad ang suot na puting polo na kanina pa nakabukas, exposing his black shirt under. "Papatulan ko na ang claw machine."

"Okay," sagot ko.

Nalibot na namin ang mall pero wala talaga si Piglet, maliban na lamang sa isang claw machine kung nasaan ang mga plushies ng Winnie, the Pooh.

I tried not to sound bored and take the lead back to the arcade kung nasaan ang claw machine. I'm not bored. Kahit pa hindi kami mag-usap ni Florence basta ba magkasama lang kami, hindi ako mabo-bored. Pero hindi ko maiwasang mayamot. He's too focused on finding Piglet for Fleri.

I glanced at my wrist watch. It's past 6 in the evening. Mabuti na lamang at maaga ang uwian tuwing Friday kaya kanina pa kami rito ni Florence.

Feeling ko nga date namin 'to. Shit. Nakakakilig kapag ganoon. Iyon nga lang, feeling ko lang.

Pinanuod ko siyang bumili ng unlicard at kagat-labing nagfocus sa pagkuha kay Piglet mula sa loob ng claw machine. He cussed everytime he fails at mabilis pa sa kidlat na maglaro ulit. Malamig ang mall pero pinagpapawisan siya. Pucha, focus na focus siya.

Hello po, pwedeng magfocus ka rin sa akin?

Magulo na ang kanyang buhok dahil ilang beses siyang napapasabunot doon. His lower lip was so red because he keeps on biting it as he tried to get Piglet.

Piglet is definitely siding me. Natatangay siya ng claw ngunit malalaglag ulit. I really think Piglet's mischievous grin is for Florence. G na G na kasi ito sa kanya. Tsaka parusa na rin siguro ni Piglet. Ilang beses na siyang minura ni Florence, eh inosenti siya!

Quarter to 8 na ngunit mukhang wala pa ring balak na tumigil si Florence sa pagsubok na makuha si Piglet.

Damn lucky Fleri!

Bahagya kong tinapik ang balikat niya at hindi man lang siya lumingon. He's still focused on Piglet. "Yes?"

"Uwi na ako ah? Hinahanap na kasi ako sa bahay."

He failed again at saka lamang siya lumingon sa akin. "Hatid na kita."

"Huwag na." Pilitin mo ako, pilitin mo ako, pilitin mo ako!!!

"Sure ka?"

I tried to hide away the discouragement in my face by forcing a smile. "Hindi, okay lang."

"Sorry, ako pa naman nagsama sa'yo rito," sabi niya. "Kailangan mo pang magsinungaling sa kapatid mo."

"Okay lang talaga." Yup, I lied to my brother. Susunduin niya kasi dapat ako kanina ngunit sabi ko may group activity kami.

FLORENCE AND LAURY (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora